Isang linggo na naman ang lumipas. Ganun parin ang set-up nila ng asawa. Next week na pala ang punta nila sa Bicol sa lugar nina Ken. Nakapagsubmit na din naman siya ng leave form. At pinayagan na siyang mag-leave ng 2 weeks. Kinakabahan man sa pagharap sa pamilya ng asawa’y kailangang tatagan pa rin niya ang loob. Isang linggo na rin na hindi man lang niya nasilayan ni anino ni Ken. Ano? Miss mo noh?! Anang isang bahagi ng utak niya. Titig na titig siya sa kesame ngayon ng kwarto niya. Kauuwi lang niya galing trabaho, at hindi pa siya nakapagbihis dumiritso siya ng higa. Araw ng byernes ngayon at walang trabaho bukas. Itext mo na kasi! Pero iwinaksi niya ang huling naisip. Kahit kailan hindi siya naunang magtext nito. Ito nama’y nagtetext tuwing weekend lang. Kapag nagbibigay ng pera

