Napapasunod lang siya sa paghila ng kanyang asawa. Tinitingnan niya ang mukha nito parang hindi naman galit pero seryoso. “Saan ba tayo?” Tanong niya rito habang nagpapatiayun dito. Ibang landas kasi ang kanilang tinatahak, hindi papunta sa loob ng mansion. “I will give you some punishment baby. Dahil nawala lang ako saglit, nakipagngitian ka na naman kay Jasper na ‘yun.” Napatanga siya. Hindi kaya talagang nagseselos ito? Tama nga talaga si Jasper. Pero ayaw niyang umasa. Basta kinikilig lang siya. Napapangiti lang siya habang napapasunod dito. Binabaybay nila ang lugar ngayon kung saan nakita niya sina Ken at Alliyah nong nakaraang gabi. Nakaramdam na naman siya ng pagseselos pero iwinaglit niya nalang ‘yun sa isip. Napadaan sila sa isang harden ngunit may daan pa pala doon patungo

