Maicey's POV
Hindi din naman kami nag tagal kasi ang kasama kung toh parang may date ,subrang bilis kung mag maneho
Tinalo pa yung mga ambulansya.nakakahiya naman.
Huminto kami sa isang napakalaking modern house at halos color black lang yung nakikita ko, pero overall maganda naman.
" Let's go"Cidian said. Tumango lang ako at pina una syang maglakad .
Unfairness,wala parin akong naririnig na yabag sa lokong toh.
Tumigil kami sa harap ng napakalaking pinto . Napatingin naman ako sa kasama ko. Bakit di pa toh kumakatok? Ano gusto nya kusang bumukas ang pinto---
Bigla akong napahiyaw ng bigla nalang bumukas ang pinto ng mag isa! Ohmygodd.
"M-may multo ba dito? Hunted house ba tong napuntahan natin?" I ask trembling
He just laughed at me "silly woman, remote control yang pinto "
Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi na wheww muntik na . Bakit ba hindi ko toh enexpect?
" Tara na , baka mahimatay ka pa dito" He said while smiling. Aba'y gago nga .
He grabbed my hand and walk straight to the living room . Magpro-protesta pa sana ako ng tingnan nya ako ng masama. Kaya wala na akong nagawa kundi ang magpahila kahit parang nakukuryenti na ako dito .
Okay lang yan ang importanti mamamatay akong nakahawak sa kamay ng adan na toh.
" Hi boss, what brought's you here?" Anang lalaking nakatalikod samin. Naka harap kasi ito sa isang malapad na tv kaya ganun.
Humarap ang lalaki samin at parang nalaglag ang mga panga ko dahil sa angking kagwapohan nito. Aba'y kung sinuswerti ka nga naman! Worth it ang pagsama ko sa hayop na toh!
Meron itong mga tattoo sa braso at may mga matang kumikinang! Mga 6 footer din ito at mayroong mga kissable lips at higit sa lahat ang gwapo!
Pinagpala talaga ako ngayong araw!
Halata sa lalaki na naguguluhan ito pero ng tumingin ito sa mga kamay namin ni cidian na pinagsiklop ay bigla nalang itong ngumisi na parang may pina-plano!
" Stop staring at him" ani ni cidian na parang naiirita.
" Who's she?" Makahulugang tanong ng lalaki kay Cidian. Umani lang ito ng napakaraming masasamang tingin mula sa binata.
" If you want to live peacefully I suggest don't look at her" Cidian said with a cold voice
Nagtatakha man sa mga inaakto ng mga adan na toh ay pinili ko nalang magpakilala.
" I'm Maicey, Cidian's secretary" pagpapakilala ko pero mas lalo lang lumapad ang ngisi nito .
Tumaas naman ang kilay nito sa kanya " Really? Secretary? Sa pagkakaalam ko kasi walang secretary at boss na magkahawak ang mga kamay habang naglalakad"
Hindi sya makapaniwalang napatingin sa lalaki. Seryoso? Nagtatagalog din toh?
Ohh ,well dapat masanay na sya dahil may kasama syang animal.
Nanigas naman ako sa sinabi nya. Tama sya ,walang secretary at boss na naghahawak ng kamay pwera nalang kung mag jowa . In my case wala naman kaming relasyon ng hayop na toh. Palihim kung binabaklas ang kamay kung hawak-hawak nya ,pero ayaw talagang matanggal ng lintek! Ano ba toh, na glue? Bwisit.
Bumaling naman sakin ang binata at tiningnan ako ng masama " don't try or else I'll never gonna let go of your hands"
Sa pangalawang pagkakataon napalunok na naman ako. Pisti! Bakit ba ako natatakot sa hayop na toh? Sino ba sya sa akala nya?
Mas gugustuhin ko pang mahawakan ang mga kamay ni bogart kesa naman dito.
Inilahad ng lalaki ang kamay nito sa kanya. Tiningnan nya lang iyon, kapagkuwan tumawa ng mahina ang lalaki.
Ano ba to may saltik?
Sayang naman
" Shawn Agustin Gonzalez is the name , milady" pagpapakilala nito . Tinanggap nya naman ang kamay nitong baka nangangawit na.
Hindi pa niya natatanggal ang ang mga kamay nila ni Shawn ng kusa nalang itong tanggalin ng hayop! At itinago siya sa likod nito.
" So possessive" nakangising sabi ni shawn
Tiningnan nya ito ng masama upang ipahiwatig na kabastusan ang ginawa nito ,pero ang loko parang walang nakikita.
Napabuntong hininga nalang siya at tumingin siya sumilip sa dalawa. Masyado kasing malaki ang likod ng kasama nya kaya't hindi nya nakikita kung pano magtitigan ang dalawa.
" I need the files now" ani ni cidian
" Sure boss, upo muna kayo ms secretary" nakingising anyaya ni Shawn sa kanya.
Umupo naman sa malapad na couch si cidian habang siya nakatayo parin . Ini emphasize nya ang pinagsasabi ng dalawa kanina . Bakit boss ang tawag nya kay cidian? Nagta-trabaho din ba ito sa boss nya?
" Kukunin kolang sa taas, boss" sabi ni shawn at umalis
" What are you doing there? Sit beside me" usal ng binata. Umupo naman sya di kalayuan sa binata dahil nangangawit nadin ang mga paa nya sa suot na stiletto .
Tiningnan sya ng matiim ng binata " I said, sit here beside me "
She rolled her eyes " ayoko nga ,ano ka gold?"
Sasagot na sana ang binata sa kanya ng may bigla nalang sumulput sa harap nila ang best friend nya?!
What the f**k?! Anong ginagawa dito ni blaire?
" Maicey?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan nya.
Tiningnan nya mula ulo hanggang paa ang kaibigan nya at punyeta! Naka pambahay lang ito! Ano naman kayang ginagawa nito dito.
" Hi bestfriend" may diing sabi nya. Aba'y kung punyeta lang ang pag uusapan , mas punyeta itong best friend nya!
" What are you doing here?" Kinakabahang tanong ng kaibigan nya habang hindi makatingin sa katabi . Nagtakha naman sya kaya binalingan nya ang katabi nya. And as usual , wala itong expression sa mukha , naka poker face lang ito habang nakatingin sa TV.
Binalingan nya ang kaibigan nyang parang matatae na parang ewan . Ano bang nangyayari sa animal na toh?
Tumayo sya at bumaling sa boss nyang ganun padin ang expression sa mukha " excuse me boss,kakausapin kolng ang kaibigan ko" pagpapaalam nya, tumango lang ang binata sa kanya na syang ikinataas ng kilay nya.
Mukhang sinapian ata ng mabuting maligno.
Inayos nya muna ang suot na damit at sumunod sa kaibigan nya sa kusina. Nang makapasok na sya ay bigla nalang sya nitong hinatak sa may pinaka dulo , nagtatakha na talaga sya sa mga ikinikilos ng kaibigan nya.
"Hoyy ano bang problema mo?" Tanong nya dito.
" You shouldn't come her Mae, mapapahamak ka!" Bulong nito sa kanya .
" Anong mapapahamak? Ano ba yang pinagsasabi mo ha , blaire?" Naguguluhang tanong nya
" That man you're with is a dangerous man , Maicey!" Hindi mapakaling sagot ng kaibigan nya. Okay, weird na ang kaibigan nya .
" Alam ko " simpleng sagot nya
" Alam mo? Pero di ka parin lumalayo?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan nya.
" Oumss, at staka lalayo na naman ako e pero bukas na "
Ang oa naman nitong kaibigan nya. Oo nga't alam nyang delikadong tao ang kasama nya pero hindi pa naman sya sure kasi malay mo dati palang army ang boss nya.
That man is a dangerous man, Maicey!
Bigla nalang syang nanigas ng biglang pumasok ang mga katagang yon sa utak nya . Hindi nagbibiro ang bestfriend nya dahil seryoso ito lagi. Ohmygod anong gagawin ko? Punyeta naman oh!
"You're crazy ,mae!" Singhal ng kaibigan nya
" Matagal na " Sarkasmong sabi nya " ngayon ikaw naman , bakit nandito ka?" Tiningnan nyang muli ang kaibigan nya mula ulo hanggang paa " at bakit feeling ko dito ka nakatira?"
Napabuntong hininga ang kaibigan nya " I'm just a maid here"
"Maid here pala o baka misyon?"
" Stop asking Mae, wala kang mapapala sakin"
" Yeah,yeah what the f**k ever"
"Mae, listen carefully" agaw atensyon ng kaibigan nya sa kanya
" Bakit ba? Alam mo kanina ka pang animals ka!"
" Leave that man Maicey Mandalaine Alfonso" usal ng kaibigan nya .
Alam nyang pag ganitong sitwasyon na maaaring na sa panganib ang buhay nya or baka ang mga taong malalapit sa kanya. She can't take that.
" Sino ba sya?" She asked curiously. Bakit ganito kung umakto ang kaibigan nya? Bakit parang takot na takot ito? Sino nga ba ang boss nya?
Ohh,s**t! I'm curious!Who the hell are you Cidian Lyell Jimzvill?
" Isa syang ma--"
" Let's go ms. Alfonso" anang baritonong boses na pumutol sa sinasabi ng kaibigan nya.
Napalingon naman sya sa binata. Hindi nya man lang ito naramdamang naglakad.
Umiwas ng tingin ang kaibigan nya at tumingin sa kanya " please ,take care,leave him" usal nito bago naisipang magpaalam sa kanila. Hindi man lang ito tinapunan ng tingin ng binata ,wat da pak? Anong nangyayari?
May dapat ba akong malaman?
" Come on "
"Wait lang " pigil nya. Gusto nya sanang tanungin ang binata kaso kinakabahan sya sa magiging sa sagot nito . Aalis ba ako?
" Balewala nalang pala, tara na?" Aya nya . Tumango lang ito at na una ng lumabas. Siguro hindi nya nalang tatanungin , gagawa nalang sya ng paraan upang matakasan ito -- yon ay kung makakatakas sya.