Jackson's Point of View Pinapanood ko ngayon si Hunter na naiinis dahil magkasama na naman si Jayden at ang bagong Prof namin na si Grayson dalawang araw na kasi ng makita namin na magkasama sila noon sa canteen. Kitang kita kasi namin ang sweetness ng dalawa kaya sobrang inis na inis si Hunter sa nakikita niya kapag kasi kasama ni Jayden si Grayson lagi na lang itong nakangiti pero kapag mag isa lang ito ay para itong taong yelo dahil sobrang cold. "Bakit kasi pinili mo pang lumayo at saktan siya? Ayan tuloy hindi mo na siya malapitan," sabi ko kay Hunter. Nalaman na kasi namin ang dahilan niya kung bakit niya nilayuan si Jayden, naintindihan naman namin siya pero hindi pa rin tama na saktan niya ito. "Mas gusto kong kamuhian niya ako kesa sa saktan siya ni lolo," sagot niya. "Bakit s

