Sofia "Mukhang masayang-masaya ka, ah. Kamusta ang day off?" nakangiting tanong sa kaniya ni Adelle. Ngumiti siya sa kaniyang kaibigan. "Okay lang naman. Nag-date kami kagabi ni jowa." "Wow. Buti pa sila. Saan naman kayo nag-date?" usisa ng kaniyang kaibigan. "Sa private yacht. Sinurpresa niya ako ng romantic dinner." "Wow naman. Sa buong buhay ko hindi pa ako nakakasakay sa yate." "Malay mo naman bigla ka na lang surpresahin ni Si---" muntikan niya ng mabanggit ang kanilang boss. Napansin niya rin na napigilan ni Adelle ang paghinga nito. Nasa pantry pa naman sila. Marami silang kumakain dito na mga katrabaho niya. Mga tsismosa pa naman ang nasa paligid nila. "ng jowa mo." "Pag yumaman na 'ko, gurl. Ako na ang mag-su-surprise sa kaniya. Nahiya na 'ko sa kaniya, eh." Kuwento sa ka

