Sofia Binisita niya ang kaniyang kaibigang si Nadz at ang batang babaeng anak nito na one year old. Pinangalanan ito ng kaniyang kaibigan na Alessandra. Napaka-cute talaga ng anak ng kaniyang kaibigan. Pinaghalong Alastair at Nadia ang cute na bata. Namana ng bata ang mga mata sa ama nito. Samantalang ang mga labi at hugis ng mukha naman ay nakuha sa kaniyang kaibigan. “Na-miss mo ba si Ninang?” tanong niya sa kaniyang inaanak. Tumango ito. Medyo mahiyain ang kaniyang inaanak. Hindi ito madaldal kapag may ibang tao na bumibisita sa bahay. “Na-miss mo raw ba si Ninang, ha, baby? Kausapin mo si ninang,” wika ng kaniyang kaibigan. “Nasaan si daddy? Iniwan ka na naman ni daddy?” tanong niya kay Alessandra na may hawak-hawak na teddy bear na niregalo niya rito. Suot din nito ang niregalo

