Chapter 29

1543 Words
Sofia "What is Cognitive Psychology? Miss Valverde." Hindi niya akalain na matatawag siya ngayon sa recitation. Kauna-unahan pa siyang natawag sa recitation nila sa subject nilang Cognitive Psychology. Mabuti na lang at handa naman siya. Nakapagbasa naman siya tungkol sa Cognitive Psychology. Karamihan kasi sa mga prof nila ay may pa-surprise recitation. Naalala niya noon, last sem iyon na tinawag siya ng kaniyang prof tapos hindi siya handa. Ang ending ay hindi siya nakasagot sa tanong ng kaniyang prof. And she was embarassed. Ayaw niya ng maulit 'yon muli. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan para sagutin ang katanungan ng kaniyang professor tungkol sa kung ano ba ang Cognitive psychology. "Cognitive Psychology involves the study of mental processes." "Okay. Thank you, Miss Valverde," anito. Naupo na siya. Medyo kinabahan din siya nang matawag ang kaniyang pangalan ng prof nila. Nagtawag muli ang kaniyang prof na si Ma'am Charry nang sasagot sa katanungan nito. Tahimik ang klase dahil recitation. They were caught off guard. Kinakabahan na ang iba niyang kaklase na baka matawag ng kanilang prof. "What are the 8 cognitive skills, Mr. Aragon," wika ni Ma'am Charry. Nakasagot naman ang kaniyang mga kaklase sa iba pang katanungan ng kanilang professor na si Ma'am Charry. Mukha lang itong nakakatakot, pero mabait naman ang kanilang prof. Kapag hindi sila nakasagot sa tanong nito ay hindi naman ito namamahiya or whatsoever. Pero lagi lang silang nasusurpresa sa pa-surprise recitation nito. Pagkatapos ng kaniyang klase mamayang hapon ay pupunta siya sa mall para mag-grocery. Paubos na kasi ang laman ng kaniyang refrigerator. Saka mamaya ay wi-withdraw-hin niya ang perang padala sa kaniya ng kaniyang mommy. Last month lang ay nagpadala ang kaniyang ina ng 30, 000. Ngayon ay nagpadala muli ito ng pera. Hindi naman para sa kaniya lahat ng padala nitong pera. Siyempre kasama na rin ang panggastos ng kaniyang lolo't lola. Maintenance na gamot ng mga ito. Pambayad din sa tubig at kuryente. Pati na rin pang-grocery. May natira pa naman sa ipinadala sa kaniya ng kaniyang ina. Nakasulat na ang kaniyang mga bibilhin mamaya sa supermarket. Tulad ng itlog, vitamilk, fresh milk, whole chicken, mga gulay at kung anu-ano pa. Kapag kasi mamimili siya, sinusulat niya sa papel ang kaniyang mga bibilhin para iyong mga kailangan lang ang kaniyang mabili. Kasi kapag hindi niya sinusulat ang kaniyang mga bibilhin, napapabili siya ng mga item na hindi pa naman niya kailangan. Saka sumosobra siya sa gastos. Dapat ay sakto lang sa nilaan niyang budget sa grocery. Nang matapos ang kaniyang klase ay dumiretso na siya sa Savemore market. Nag-withdraw na muna siya ng pera sa atm machine. Kanina ay nag-text sa kaniya ang kaniyang kaibigan na si Nadia na bibisita raw ito sa kaniyang condo. Pumayag naman siya na doon matulog ang kaibigan. Na-bo-bored daw kasi ito roon sa condo nito kasi mag-isa lang ito. Saka minsan ay emotera lang ang peg ng kaniyang kaibigan. Nalulungkot ito dahil walang makausap. Kung malapit lang sana ang university na pinapasukan nito ay pupuwede naman sana itong tumira sa kaniyang condo. Bukas ay wala naman daw itong klase sa eskuwelahan na pinapasukan nito. Kaya kahit magpuyat ito ay okay lang. Wala rin naman siyang klase bukas kaya puwedeng-puwede siyang magpuyat. Kapag bumibisita ang kaniyang kaibigan ay lagi itong may dalang food. Kung minsan ay pizza dahil paborito nito iyon. Alas singko na ng hapon nang makarating siya sa superamarket. Pagkapasok niya sa supermarket ay kumuha na siya ng push cart. Naalala niyang wala na pala siyang stock ng kaniyang personal hygiene stuff. Kaya bibili na rin siya ngayon. Hindi niya kasi nailista iyon sa papel. Mamaya ay magluluto siya ng ulam para sa dinner. Adobong manok na lang ang lulutuin niya para sa hapunan. Tiyak na mapapa two rice ang kaniyang kaibigan dahil paborito nito ang adobo. Saka nasasarapan ito sa luto niya. Marunong namang magluto ang kaniyang kaibigan na si Nadia, pero kapag wala itong time magluto, sa labas na lang ito kumakain. Tulad niya, namumuhay ding mag-isa ang kaniyang kaibigan sa Maynila. Nagbayad na siya sa counter matapos niyang makapamili. Nang pauwi na siya ay nag-commute lang din siya. Wala naman siyang sariling sasakyan. Saka malapit lang din naman ang mall na kaniyang pinuntahan. Medyo marami siyang binili sa supermarket kaya hirap siyang bitbitin ang lahat ng kaniyang pinamili. Hindi niya pina-box dahil wala naman siyang kasamang lalaki na pupuwedeng magbuhat ng kaniyang pinamili. Mabuti na lang may good samaritan na tinulungan siyang buhatin ang kaniyang pinamili nang makarating siya sa kaniyang condo. Nag-text muli ang kaniyang kaibigan na si Nadia. Nadia: Nakauwi ka na? Nasa biyahe na 'ko. Mga thirty-minutes andiyan na 'ko. Hindi ko na lang dadalhin 'yung kotse ko. Hindi na muna siya nag-reply sa kaibigan para maiayos ang kaniyang pinamili. Napagod siya do'n. Kung may kapatid lang sana siya na lalaki ay may taga-buhat siya ng kaniyang mga pinamiling groceries. Kaso wala, eh. Solong anak lang siya. Mahirap din talaga kapag solong anak. Kaya naman naiinggit siya sa mga kaibigan niyang may mga kapatid. Nagpalit na muna siya ng pambahay na damit bago siya magluto ng adobong manok. Pagkatapos ay sinimulan niya ng magbalat ng bawang. Gusto niya na may itlog ang chicken adobo kaya naman maglalaga rin siya ng itlog. Lagpas trenta minutos na pero hindi pa rin nadating ang kaniyang kaibigan. Dadaan pa raw ito sa Shakeys para bumili ng pizza. Tulad nga ng sinabi niya, mahilig talaga ang kaibigan sa pizza. Sa tantya niya ay makakarating ito sa kaniyang condo bago maluto ang kaniyang nilulutong adobong manok. Abala siya sa kusina nang dumating ang kaniyang kaibigan. Dumiretso ang kaibigan sa kusina para ilapag sa mesa ang binili nitong pizza. Gumawa siya ng avocado smoothie para sa kaniyang kaibigan. Sa kaniya naman ay mango-apple smoothie dahil paborito niya iyon. Mango and apple blend well together. Kapag nga nasa mall siya at napapadaan sa bilihan ng fruit shake ay iyon ang ino-order niya. Hindi siya mahilig sa avocado. Nakain naman siya no'n pero hindi lang niya trip ngayon. Avocado flavor ang paborito ng kaniyang kaibigan. Kaya paniguradong matutuwa ito. Siguro isa iyon sa mga least favorite fruit niya. Kaya siya gumawa ng smoothie para naman hindi sila mag-softdrinks ngayon. Dapat ay paminsan-minsan lang siya uminom ng softdrinks. Saka mas mahilig sa smoothie ang kaniyang kaibigan. Bihirang-bihira ito uminom ng softdrinks. "Malapit ng maluto 'yung adobo, Nadz," wika niya sa kaniyang kaibigan matapos tikman ang kaniyang nilulutong chicken adobo. Medyo malambot na rin ang manok. Ilang minuto na lang ay puwede niya na itong ihain sa mesa. "Tamang-tama. Hindi pa ako naghahapunan," masayang tugon ng kaibigan. "Mamaya na natin kainin 'yung pizza," aniya. Mag-mu-movie marathon sila mamaya kaya mas maganda kung mamaya na lang nila kakainin 'yung pizza na binili ng kaniyang kaibigan. "Sige. Snacks na lang natin mamaya," tugon ng kaibigan. Nang maluto ang chicken adobo ay naghain na siya para makapaghapunan na sila ng kaniyang kaibigan. Naparami nga ng kain ang kaniyang kaibigan. Higit pa sa dalawang cup of rice. Wala munang diet-diet sa kaniyang kaibigan. Matapos nilang kumain, si Nadia ang nagpresintang maghugas ng kanilang pinagkainan. Ayaw namang paawat ng kaniyang kaibigan kahit pa sinabi niyang siya na ang bahalang maghugas ng kanilang pinagkainan mamaya. Nabanggit sa kaniya ng kaniyang kaibigan na may balita ito tungkol sa kaniyang ex boyfriend. May bago na raw itong dine-date. Wala na raw sa buhay nito ang dati niyang kaibigan na ahas. Wala na naman siyang pakialam kay Gerald. He can date whoever he wants. Basta ang mahalaga ay masaya siya ngayon sa buhay single niya. She's happy in her life. No love life no problem. "Kelan pala uuwi si Tita Soraya?" tanong sa kaniya ng kaniyang kaibigan habang nagpupunas ito ng lamesa. "Ang sabi niya mapapaaga raw. Baka next month," tugon niya. Excited na siya sa nalalapit na pag-uwi ng kaniyang ina sa bansa. Miss na miss niya na ito pati na rin ng kaniyang lolo't lola. "Lapit na pala. Nakaka-miss si Tita." Karamihan ng close friends niya ay malapit sa kaniyang ina. Para kasing bagets ang kaniyang ina na nakakasabay sa kanilang magkakaibigan. "Kaya nga, eh. Pero matagal-tagal naman ang bakasyon niya this year." Kaklase ng kaniyang ina ang uncle ng kaniyang kaibigan. Balo na ang uncle nito at may dalawang anak na lalaki. Ayon sa kaniyang kaibigang si Nadia, nagpapatulong daw ito sa kaibigan na muling mapalapit sa kaniyang ina. Gusto raw nitong ligawan ang kaniyang ina. Ngunit hindi naman sang-ayon ang kaniyang kaibigan dahil alam niyang hindi husband material ang tito nito. Lasenggero kasi ito at madalas na nagpupunta sa mga brothel para lang maitawid ang pangangailangan nito dahil balo na ito. Kasing edad niya ang panganay na lalaki ng uncle ni Nadia. Nakita niya na ang lalaki noon. Ang sabi sa kaniya ng kaniyang kaibigan ay hindi raw iyon matino. Manang-mana raw sa ama nito. Saka noong nabubuhay pa ang asawa ng tito ng kaniyang kaibigan. Madalas itong saktan ng uncle nito. Saka madalas ng mga itong pag-awayan ang pagbubuhay binata ng tito nito kahit na kasal na ito at may anak na. Ayaw niyang matuloy ang panliligaw ng tito nito sa kaniyang ina. Saka kahit pa mayaman ito, tiyak niyang hindi magugustuhan ng kaniyang ina ang lalaki. Kahit pa magkaklase ang dalawa noong elementarya pa ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD