Sofia
Nag-pe-prepare siya ng breakfast na sunny side up saka fried rice nang tumawag ang kaniyang ina. Agad niya namang inhinto ang kaniyang ginagawa saka sinagot ang tawag ng kaniyang ina.
Siguradong-sigurado na raw ang pagbabalik nito ng Pilipinas sa susunod na linggo. Wala na raw makakahadlang sa pag-uwi nito ng bansa. Gayon na lang ang kaniyang galak sa sinabi ng kaniyang ina. Kaya naman good mood siyang pumasok sa eskuwelahan ngayon.
Noong isang araw ay hindi maganda ang kaniyang mood dahil sa isa niyang English-speaking classmate na walang ginawa kung 'di ang magpaganda at mag-inarte habang may groupings sila sa isa nilang subject. Na-badtrip talaga siya sa kaklase niyang si Hessa. Feeling kasi nito ay madadaan nito ang lahat ng bagay sa pagiging bida-bida nito sa mga prof nila habang sila ng mga ka-group niya ay nagpapakahirap mag-isip para sa on the spot presentation ng kaniyang mga ka-grupo. Nakakapasa ito ng pa-chill-chill lang sa kanilang klase.
Kailangan niya talagang habaan ang kaniyang pasensiya sa mga babaeng tulad ni Hessa. Anak mayaman kasi kaya ganoon ito. Ang alam lang nito ay magpapansin sa mga lalaki sa kanilang university. Hindi niya ito nakikita na walang lipstick. Laging naka-make up kapag papasok. Wala namang problema sa kaniya sa kung ano ang trip nito sa buhay. Pero kasi naiinis siya kapag nagiging kagrupo niya ito sa mga activities nila sa klase. Mabuti na lang may iba siyang kagrupo na responsable hindi tulad ni Hessa. Naiinis talaga siya sa mga tulad ni Hessa. Na puro paganda na lang ang alam gawin sa buhay. Naloloka siya sa babaeng iyon. Ayaw niya namang makipag-away rito. Marami ring naiinis dito na taga ibang course. Naaartehan dito kasi sadyang maarte ang babaeng ito.
Si Hessa ay isang part-time model. Naging cover girl na ito ng iba't ibang kilalang magazine sa bansa. Laman na rin ito ng tv commercials ngayon. Tulad ng ice cream commercial. Vitamin commercial. Commercial ng isang gadget company at kung anu-ano pa. Uma-attend din ito ng mga cosplay events dahil bata pa ito ay mahilig na itong mag-dress up. Sinusuportahan naman ito ng mga magulang nito sa mga hilig nito. Kahit pa magastos ang pagko-cosplay. Galing naman kasi sa karangyaan ang pamilya nito. Nakakapag-travel ito sa iba't ibang parte ng mundo. Ang recent trip nito noong sembreak nila ay sa Australia. Sa Bondi beach ito nagbakasyon kasama ang mga Aussie friends nito. Panay nga ang post nito ng mga pictures na naka sexy bikini sa i********: account nito. Marami rin itong larawan kasama ang iba't ibang hunky guys.
Lumaki ito sa Australia kaya kapag nagsasalita ito ay may Aussie accent pa rin. Saka medyo wild itong kaklase niya. Sobrang gimikera nito lalo na ngayong napasama ito sa modelling industry kung saan maraming mga events na nagaganap. Mahilig itong mag-party-party lalo na nu'ng nasa Australia pa ito.
Na-discover ang kaniyang kaklase sa isang event sa kanilang eskuwelahan. Marami namang magaganda sa kanilang eskuwelahan pero matangkad kasi ito kaya ito ang napansin ng isang talent agent. Kaya naman inalok ito kung gusto ba nitong maging model sa bansa. Maganda naman talaga ang kaniyang kaklase pero may attitude ito. Na hindi nagugustuhan ng marami sa estudyante sa kanilang campus tulad niya. Feeling kasi nito, ito ang pinakamagandang estudyante sa kanilang campus.
She's a snob at hindi marunong makisama sa ibang kapwa rin nito estudyante. Kaya maraming naaartehan rito at pinaplastik lamang ito. Wala naman talaga itong mga totoong kaibigan. May mga nakakasama naman ito sa kanilang eskuwelahan na kapwa rin nito maarte. 'Yung puro paganda at pasosyal sa kanilang campus. 'Yung babaeng pinagyayabang ang mga bagong mamahaling damit, sapatos, wallet, etc. Na-ge-gets naman niya na maraming mga pera ang mga ito pero hindi na nila kailangan pang ipangalandakan iyon.
She always flaunt her extravagant life on social media. Kesyo pinasok lang daw nito ang pag-mo-model bilang libangan lang dahil gusto lang nitong makita ang mukha nito sa iba't ibang magazines at mga tv commercials.
Na-mi-miss niya na ang kaniyang kaibigang si Loisa. Next Saturday ay magkikita sila ng kaibigan. Tumigil na rin sa pagpapapansin ang Irish pop star sa kaniyang kaibigan. Mabuti na lang talaga at natauhan ito. Mahirap kasing maugnay sa isang sikat. At magkaroon ng feelings sa lalaking mahirap abutin. At ang pinaka mahirap ay ang ma-in love sa isang playboy.
"What if your mom really has a boyfriend right now?" tanong sa kaniya ng kaniyang kaibigang si Loisa. Nandito ito ngayon sa kaniyang condo. Mamaya ay mag-chi-chillax sila sa mall ng kaibigan. Dumating ito kaninang umaga. Napagkuwentuhan nila ang nalalapit na pagdating sa bansa ng kaniyang ina.
Napatigil siya sa ginagawa niya. Nililinis kasi niya ang kaniyang condo. Bina-vacuum niya ang carpet.
"Hindi ko alam, Lois. Part of me doesn't want to believe na may boyfriend na nga siya. But part of me wants her to be happy," tugon niya sa kaibigan.
"Sa tingin ko wala namang masama kung magkakaroon ng boyfriend si Tita Soraya. Kailangan niya rin ng makakasama sa buhay."
"But she has me. Pati sina lolo't lola."
"Iba pa rin 'yung may partner sa buhay, bes."
Napabuntong-hininga siya.
"Siya nga pala sabi ni Nadz, pupunta raw siya rito mamaya," pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang pag-usapan ang love life ng kaniyang ina. Hindi pa naman nito kinukumpirma hanggang ngayon na may boyfriend na nga ito. Pero parehas sila ng kutob ni Loisa na may inililihim ang kaniyang ina pagdating sa love life nito.
"Anong oras siya pupunta? Nakaka-miss 'yung babaeng 'yon. Masyadong seryoso sa buhay," wika ni Loisa.
"Mga hapon pa. Alas dos siguro. May tinatapos lang siya."
Mamaya ay makukumpleto silang magkakaibigan dahil mag-i-sleep over ang kanilang best friend na si Nadz sa kaniyang condo. Nang makatapos siya sa paglilinis ay naisipan ng kaniyang kaibigan na mag-work out. Nag-join na rin siya sa trip ng kaniyang kaibigan. Nag-e-exercise naman siya pero hindi nga lang siya consistent sa pag-e-exercise. Minsan kasi busy siya. Kung minsan naman ay inaatake rin siya ng katamaran. Ngayong may kasama siyang mag-exercise ay ginanahan siyang mag-work out.
Pumunta na siya sa kuwarto para magpalit ng damit na pang-work out. Nagpalit siya ng pang-work out na outfit na komportable siya. Yoga set sportswear ang outfit niya ngayon. Ilang set ang in-order niya online pero isang pares pa lang ang kaniyang nasusuot. Iba't ibang kulay ang in-order niya.
"Buti kahit malakas kang kumain hindi ka tabain," komento niya sa kaniyang kaibigan na maganda pa rin ang pangangatawan kahit na nakaka-dalawang rice ito tuwing lunch. Kayang-kaya nga nitong mag-apat na cup of rice kapag kumakain sila sa fast food chain na may pa-unli rice.
"Hala, ang taba ko na kaya. May baby fats na 'ko," tugon ng kaibigan habang dinadama nito ang tiyan nito.
"Kumpara mo naman sa 'kin na may bilbil na talaga."
Nagiging tabain na siya ngayon. Kapag masarap kasi ang ulam ay napapalaban siya sa kainan. Saka kapag dumadalo siya sa mga okasyon tulad ng birthday party ay hindi siya nagpapa awat. Siyempre lubus-lubusin na dahil free food. Ika nga nila masarap talaga kapag libre. She's not into strict diet naman. She can eat what she wants to eat. Pero siyempre ayaw niyang tumaba ng husto. Kaya nililimitahan niya lang ang pagkain ng matatamis tulad ng tsokolate na paborito niya. Sobrang mahilig din siya sa leche flan at nata de coco. Kapag nasa mall siya ay napapadaan siya sa bilihan ng mga Pinoy desserts. Napapabili siya roon. Daig niya pa ang naglilihi.
"Sexy ka pa rin naman. Huwag kang ano diyan," komento ng kaniyang kaibigan.
Natawa siya sa sinabi ng kaniyang kaibigan.
Sinimulan niya ng mag-push up sa sahig na sinapinan niya ng yoga mat. Dito siya pinaka nahihirapan saka sa sit ups. Makalipas ang ilang minuto ay pinagpapawisan na agad siya. Lumalabas na ang toxins sa kaniyang katawan. Iba talaga ang pakiramdam niya kapag nag-e-ehersisyo siya. Nagiging good mood siya. Nagiging energetic siya. Kung magiging consistent lang siya sa pag-e-exercise ay mas okay.
Pagkatapos niyang mag-exercise ay nagpahinga na muna siya. Ang kaniyang kaibigang si Loisa ay nauna ng nakatapos mag-exercise. Hawak na nito ang cellphone nito at naglalaro na ng ml ang kaniyang kaibigan. Gamer ang kaniyang kaibigan simula noong bata pa ito. Mahilig na talaga itong maglaro nang video games noon. Noong panahong family computer pa. Siya ay hindi mahilig maglaro ng mobile games. Pero noong bata pa siya ay naadik din siya sa paglalaro ng family computer. Halos maghapon siyang naglalaro kasama ang kaniyang mga pinsan sa kanilang bahay.
"Don't push yourself too hard," payo ni Loisa sa kaibigan nilang si Nadz nang dumating ito sa kaniyang condo. Masakit kasi ang ulo ng kanilang kaibigan. Masyado kasi itong na-o-overwhelm sa studies nito kahit pa ilang weeks pa lang nag-start ang klase. Nag-a-advance study agad ang kanilang kaibigan.
"I know. Kaya nagpunta ako rito para makapag-unwind naman."
Parehas na future lawyer ang kaniyang dalawang kaibigan. Siya lang talaga ang naiba ng landas. Pero magkakaiba sila ng university na pinapasukan kahit na sa Maynila din silang tatlo nag-aaral. Kaya naman nagkikita-kita pa rin sila ng mga ito kapag hindi masyadong busy sa buhay.
Sa tingin niya ay hindi niya kayang makipagsabayan s amga ito sa labanan ng utak. Mas matalino talaga ang kaniyang dalawang kaibigan kaysa sa kaniya. But she's doing her best para naman maka-graduate siya sa kaniyang kurso.
Habang nakaupo si Loisa sa couch ay kinuha nito ang naiwang Cosmopolitan magazine ng kaniyang kaibigang si Kaori na nagpunta sa kaniyang condo noong isang araw.
"Ang guwapo naman nito," komento ni Loisa sa isa sa mga male model na nasa naturang magazine.
"Sino?" usisa naman ni Nadz.
"Alastair. Fil-Am model," tugon naman ni Loisa.
"Ah, hindi ko 'yan kilala," balewalang tugon ni Nadz.
"Parang nakita ko na siya sa billboard sa Edsa. Kamukha niya 'yong endorser ng alak."
Napatingin ang kaniyang kaibigang si Nadz sa tinutukoy ni Loisa.
"Ah, oo nga. Hawig sila," segunda niya.
"Ang gugwapo talaga ng mga half Filipino models, 'noh?" wika ni Loisa sa kanila.
"Ay, true," sang-ayon ng kaniyang kaibigang si Nadz.
"Hindi ka pa rin talaga nakaka-move on kay Riley, 'noh?" kantiyaw niya sa kaibigan niyang si Loisa.
"Oo nga, Lois. Hindi mo pa rin nakakalimutan si Riley," panunukso ni Nadz sa kaibigan.
"Naka-move on na 'ko. Huwag kayong ano diyan. Mamaya magka-issue pa kami. Sumikat pa ako ng wala sa oras."
"Ikaw, Nadz. Naka-move on ka na ba sa ex mo?" tanong naman niya kay Nadia.
Hindi agad nakasagot ang kaniyang kaibigan.
"Yeah. Kahit papaano hindi ko na siya naiisip."
"Mabuti naman, Nadz. Marami pa namang lalaki diyan. Malay mo nandiyan lang pala sa tabi-tabi ang "the one" mo," biro niya kay Nadz.
Natawa naman si Nadz.
"Oo nga, Nadz. Malay mo isa sa mga hunk model dito sa Cosmpolitan magazine," kantiyaw naman ni Loisa.
"Loka ka talaga. Hindi ako nangangarap na magkaroon ng model boyfriend, 'noh. Mamaya agawin pa sa 'kin," natatawang wika ni Nadz. "Maraming katulad ni Katrina sa mundo."
Natawa si Loisa sa sinabi ni Nadz.
"Ay, true. Kaya nga ayoko na kay Riley. Ayoko ng marami akong kaagaw. Charr."
"Buti naman natauhan ka na," kantiyaw ni Nadz.
Parehas sila ni Nadz na may ayaw kay Riley. Siyempre gusto nila na sa tamang lalaki mapunta ang kanilang matalik na kaibigan. Hindi sa isang playboy na ginagamit ang kasikatan para maka-attract ng maraming magagandang babae.
Balita nga nila ay may bago na namang issue ang banda na kinabibilangan nito. Dalawa sa miyembro ng banda ni Riley ay nakuhanan ng paparazzi na palabas ng isang brothel sa L.A. Kahit pa takpan ng mga ito ang mga mukha ng mga ito ay nakilala pa rin ito ng mga fans. Kaya naman ganoon na lang ka-disappointed ang teenage fangirls ng banda ni Riley.
Kabi-kabila ang mga issue na kinasasangkutan ng mga ito. Lalo na ngayong muling nagbabalik ang banda matapos mag-hiatus. Nakasama sa image ng mga ito ang playboy image ng grupo. Siguro it's time na rin para pumasok ang mga ito sa isang seryosong relasyon. Para naman maging maganda ang tingin sa mga ito ng mga tao.
Kaya nila nalaman ang issue dahil tsismosa sila ng kaniyang kaibigang si Nadz. They still follow Riley on social media. Silang dalawa lang ni Nadz dahil si Loisa ay nag-unfollow na kay Riley. She wants nothing to do with him. Kaya naman silang dalawa na lang ni Nadia ang nakikitsismis sa mga issue na kinasasangkutan ngayon ni Riley. Dahil sa totoo lang, pansin nila ni Nadz na may feelings pa rin ang kanilang kaibigan para sa lalaking iyon. Dinadaan na lang nila sa biro ang lahat. Pero alam nila ni Nadz na hindi pa rin nakaka-move on ang kanilang kaibigan.
Naggala sila sa mall ng kaniyang mga kaibigan. Manunuod din sila ng romantic-comedy film na showing na ngayon sa bansa. Mahilig sa romantic-comedy film ang kaniyang kaibigang si Loisa. All they need is a good laugh to brighten up their day. Marami kasing negativity sa paligid-ligid. Sa mga balita sa telebisyon, sa social media, at kung saan-saan pa.
Matapos nilang manuod ng sine ay nagpunta sila ng food court para kumain. Na-mi-miss nila ang kanilang high school life. Iyong pagkakatapos ng klase ay nakakapaggala pa sila dahil half day lamang ang klase nila. Sobrang chill lang sila noong high school. Hindi sila na-i-stress. Hindi tulad ngayon na kolehiyo na sila, kailangan nilang magpakaseryoso sa buhay. Dahil nakasalalay dito ang kanilang kinabukasan.