Sofia Malaki ang problema ng kaniyang kaibigan dahil hindi matanggap ng mga magulang nito na buntis na nga ang kaniyang kaibigan. They're not on speaking terms. Kaya naman malungkot ang kaniyang kaibigan. Nagdadalawang-isip ito kung magpapatuloy pa sa pag-aaral. Dahil hindi na naman ito susuportahan ng mga magulang nito. Pero hindi naman ito pababayaan ni Alastair. Kahit pa noong una ay natakot ito sa responsibilidad nito sa kaniyang kaibigan. He's working his a*s off. Para naman masuportahan nito ang kaniyang kaibigan. "Hindi naman pala iresponsable si Alastair. Akala ko talaga tatakbuhan niya si Nadz," wika niya sa kaniyang nobyo habang kumakain sila ng umagahan. Ngumiti ang kaniyang nobyo. "Akala mo lang 'yun, love. He truly loves Nadia. Kaya naman gagawin niya lahat matanggap lang

