Sofia 2 years later... Ganap na siyang empleyado ngayon ng AC Corp. Isa siyang HR Manager sa kumpaniya ng kaniyang nobyo. Ngayon ay kumukuha din siya ng Master's degree tuwing Sabado siya pumapasok sa university din kung saan siya nag-graduate. Natupad na rin ang kaniyang pangarap na makapagtapos sa kolehiyo. Kung nabubuhay pa ang kaniyang ina, sigurado siyang maiiyak iyon sa tuwa dahil nakapagtapos na siya at nagkaroon pa ng magagandang grado. Ito naman ang matagal ng pangarap ng kaniyang ina para sa kaniya. Nakakalungkot lang na hindi na nito nakita na nakapagsuot na siya ng itim na toga at isa ng degree holder. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kelan lang iginagapang niya ang kaniyang pag-aaral. Laking pasasalamat niya rin sa kauna-unahang kumpaniya na tumanggap sa kaniya noong nag

