UNEXPECTED MEET.
nang matapos na kami sa pangungutang at pagbabangayan o asaran sa isat isa ay dumeretyo na kami para tawagin si Mika
si Mika naman ay grade 9 aguinaldo sa Juan sumulong sa mantalang ako nasa grade 10 Uranus at si miley may plano daw mag enroll at gusto ko sya maging cm para naman madalas ko syang makausap at malaman ang mga bagay bagay.
"MIKA!!" Sigaw naming dalawa sa tapat ng gate nila para tawagin sya
"Ang tahimik naman ng velante" Saad ko
"edi mag ingay ka, para hindi tahimik"
"pag ako talaga nag ingay tamo"
"Gawain mo naman yan lagi kaya hindi na bago saamin yun na tuwing nandito ka umiingay to pero...maganda din naman yun kesa sa nakakamatay nakatahimikan otid dat—" hindi nya na tapos ang sinasabi nya ng biglang mag salita sa likod ko ang nag lalakad na si Mika papunta sa gawi namin
"anong ginagawa nyo dito?" Saad nya
niyakap ko sya agad dahil na miss ko sya after ko kaseng umalis dito dati hindi na kami nag kita
"dinadalaw ka?" patanong na Saad ni Miley
"Tanga, I mean kase bakit kayo nandito"
"Ligo kana tapos sabay kana saamin pumasok" pag aaya ko kay Mika
"mamaya pa akong 12 maliligo malapit lang naman dito yang sumulong kayo ba? mauna na kayo"
"tatambay lang kami dito saglit, akala ko kase makukumbinsi ka namin na sumabay eh sayang!"
"mamayang 12 pa ako, si Alex baka nandyan pa sya maaga din yun pumapasok eh tawagin nyo" Saad nya mag kakalapit lang kase sila ng Bahay nila Miley kumbaga silang tatlo talaga
"wag na katamad mag lakad" Saad ko dahil tinatamad na talaga ako tumayo ngayon simula kase nung niyakap ko sya ay umupo na ako agad at itunuloy ang pag kain samantalang sya kumakain ng kanin habang naka tayo sa gilid ni Miley
lumipas ang ilang minuto ng biglang basagin ni Miley ang katahimikan dahil sa naisip nyang kalokohan
"musta paka kayo ni A Mika?HAHAHAHAH"
bigla namang nagbago ang mood ni Mika habang Ako hindi nag sink in saakin yung A
"sinong A?" Saad ko
"HAHAHAHA hindi mo na maalala si A, Lia? yung ano dati ni Mika HAHAHAHAHAHA andami kaya nilang memories Dito" Saad nya pa
napansin ko naman ang biglang paglukot ng muka ni Mika at sinamaan nya ng tingin si miley pero ang ogag parang Tanga na tawa ng tawa kahit halatang pikon na si Mika
ng biglang gumana naman ang utak ko ay napagsino ko na kung sinong A yung tinutukoy ni Miley
Si Aiken yung naging ex ni Mika dati na kesyo hindi pa daw ready pero after matapos nung pagiging m.u nila nagulat kami may MD ng iba tapos nalaman ko lang din sa iba kong tropa na jowa nya daw yun
kaya napasabi ang buong tropa namin na "hindi daw ready pero nag shota pagkatapos tapusin yung m.u nya kay ano redflag ka samin"
sa sobrang pag iisip hindi ko alam na nag babangayan na yung dalawa
"MILEY KASII!!!" Saad ni Mika na halatang pikon na
"BAKIT? HAHAHAHAHA"
"tangin* mo! bahala ka nga jan" Saad ni Mika sabay walk out at ang gago ni Miley tumatawa pa din kahit naiinis na yung isa
napabuntong hininga naman ako
"feeling ko may gusto pa din sya kay Aiken"Saad ko sabay lingon kay Miley "napapansin ko kase sa kinikilos nya kapag pinag uusapan natin si Aiken sa harap nya, what if mahal nya pa?" Saad ko ulit habang naka tingin na sa malayo
"satingin ko nga gusto nya pa si Aiken kase tayo nga kahit pag usapan nating dalawa yung mga ex natin eh hindi naman tayo nagagalit pero malay natin may reasons sya kaya ganyan sya kung umakto" Saad naman nya habang naka tingin sa dinaanan ni Mika
"anong oras ba kita ihahatid sa school? 12:05 na oh" Saad nya naman na ikinatingin ko agad sa cellphone ko para matiyak kung totoo ba yung sinasabi baka kase hindi mahilig pa naman to mangtrip
agad-agad naman akong napatayo ng 12:06 na
"Tara na baka malate pa Ako" Saad ko saknya nagsimula naman na kaming mag lakad at habang nag lalakad ay nag uusap kami ng mga kung ano ano
"sa tingin mo kaya mag babago pa si mike?" pag tatanong ko sakanya habang nag lalakad
"aba malay ko, pero sa opinion ko malabo na parang malabo ng naibalik yung dating mike na kilala natin alam ko naman alam mo kung anong naging dahilan ng pagbabago nya bukod sa pagkamatay ng mama nya diba?"
oo alam ko naman talaga kung ano pa yung isang naging dahilan nya at yun yung una naming break up as m.u
nanatili lang akong tahimik hanggang sa magsalita ulit sya
"change topic na nga, btw alam mo bang jan na din nag aaral si Maxine sa Juan sumulong?" pagtatanong nya na ikinagulat ko
"huh? di nga? hindi ko naman sya Nakikita Jan" Saad ko na may pagtataka
kase hindi ko naman talaga nakikita jan si Maxine at kung makita ko man kakalbuhin ko talaga yun!
"tangek jan sya nag aaral labasan na nga din ata nila ngayon eh 12:15 na oh" Saad nya habang naka tingin sa cellphone nya
"pake ko naman? Basta wag syang mag papakita saakin kung ayaw nyang makalbo" Saad ko dahil malaki ang galit ko sa maluwag na yun
nangmalapit na kami sa school ay bigla namang nangalabit si miley at pumunta sya bigla sa left side ko, naiinis ko naman syang lingunin dahil ang init nga at dumidikit pa sya
"bakit?!" inis na turan ko
"ayun sya oh" Saad nya sabay turo dun sa harap ng tindahan sa gilid ng kalsada na may Isang stall dun ng nagtitinda ng street food
agad ko namang tinignan kung saan sya nakatingin at nagulat ako ng makita ko yung babaeng nag papakulo ng dugo ko
lalapitan ko na sana para sabunutan ngunit bigla naman akong pinigilan ng ulupong tang*na!
"Alis! kakalbuhin ko yang p*ta na yan! t*ngina wag ka ngang humarang!" naiinis na Ako dahil sa pag harang saakin ni Miley para nakapunta dun sa gawi ng hampas lupang maluwag na yun!
"lia ang daming tao, baka nakakalimutan mo g7 yan sa sumulong" Saad nya na mas ikinairita ko
"ano namang pake ko kung g7 yan eh kasing edad ko lang naman talaga yan sadyang boba lang kaya g7 yan ngayon eh!"
"Tama na wag kang pumatol sa hayop"Saad nya na pinapatigil Ako
kaya Wala akong nagawa kung hindi tumigil nalang pero hindi dun nag tatapos yung gusto kong gawin sakanya
"ANG PANGIT NAMAN NG ARAW NGAYON PANGET KASE NUNG NAKITA KO!" sigaw ko Wala akong pake sa kanila
"huy! t*ngina ka andaming tumingin Sayo" Saad ni Miley na natatawa sa ginawa kong pag sigaw
"idc"
sabay tingin ko dun kay Maxine at inirapan sya, pangit!