Makalipas ng isang oras ay nakarating din kami sa sementeryo. Mabilis naman na nagsilabasan ang mga bata. "Pumunta tayo sa sementeryo para magluksa hindi para maglaro." Sigaw ni Dana nang makita niyang naghahabulan na ang mga bata sa ground. "Hayaan mo na. Buti nga iyan ginagawa nila. ‘Di tulad sa’yo na ginawa mong disco ‘to." Napangiwi naman ako dahil sa sinabi ng asawa nitong nakalapit na pala sa amin. "Gusto mo bang ilabas ko agad-agad ang anak mo nang masapak ka namin, ha?!" Habang halos umusok na ang ilong ng isa. "Tama na iyan ano ba? Magsisimula na naman kayo. Tara na?" Yaya ko sa mag-asawa dahil iniwan na kami ng kasamahan namin. Mga walang hiya. ‘Di pa kami inaya. "Hays! Ang bilis ng panahon. Sa sobrang bilis may natigok na sa atin." Rinig kong saad ni mada

