Naalimpungatan ako sa pagkakatulog nang may maramdaman akong gumagalaw sa aking tabi. Sa pagkakatanda ko wala akong kasamang natulog sa aking kama. Wala rin si Maddie rito na mahilig makitulog at tumabi sa akin pag tinatamad siyang umuwi sa bahay nila. O pag malapit lang sa Full of Dreams ang next meeting o pupuntahan niya. As far as I remember din, wala rin sina Maddie and Marga rito sa Pilipinas sa kadahilanang naghahanap sila ng mga model na may potential sa larangan na iyon. Para ‘yun sa bubuksan naming clothing line at pasisikatin sa model industry. Change of hearts na naman daw ang dalawa and me being a supportive best friends/friends/sister sa kanilang dalawa ay go with the flow na ako. Ang ending ako ang gagawing photographer ng lahat ng mapipili nila. Nakasalalay rin sa akin a

