Chapter 3

2083 Words
DAHIL nawalan na ako ng gana na tuluyang bumalik sa location, nagpasya nalang ako na tunguhin ang isang exclusive bar na palagi kong pinupuntahan kapag ganitong mainit ang ulo ko o di kaya naman ay may problema. Nang makarating ako doon marami ng tao kahit palubog pa lang ang araw. Maraming sumasalubong sa'kin na mga babae na ang mga suot halos wala ng itinagong balat ng katawan. Lahat sila mukhang mayayaman at may ipagmamalaki rin naman kung ganda ang pag-uusapan pero sadyang mababa talaga ang tingin ko sa ganitong mga babae. Wala akong ni isang pinansin, hindi naman ako nahirapang mang-isa dahil gawain ko na iyon kapag nasa ganitong mga lugar na maraming mga tao. Yes, makulit ako, isip bata, madaldal at maloko pero gan'on lang ako kapag pamilya at malapit na tao sa buhay ko ang kasama ko. Hanggang sa pagtanda ko sinusunod ko pa rin ang bilin ni Mommy na, 'don't talk to strangers' hindi ako mahilig makipagsalamuha sa iba dahil ayoko. Kapag nasa harap ng ibang tao, seryoso ako at hindi ngumingiti para sila na mismo ang lumayo sa'kin pero madalas pa rin talagang may naglalakas loob na kumausap at lumapit sa'kin kahit kalat na sa buong Pilipinas na ako ang nangunguna sa mga listahan ng mga artista na may bad record at bad image sa mga fans. Hindi ako pumapansin ng kahit na sinong fans kahit sabihin pang sila ang dahilan kung bakit ako sikat, hindi ako nagsasign ng autograph dahil tinatamad ako at lalong hindi ko hilig ang pagmomall show tulad ng mga gawain ng ibang mga artistang para magpromote o kung anu ano pa para mas lalong sumikat. Kahit gan'on ang record ko mas lamang pa rin talaga ang humahanga sa'kin kaysa ang madisappoint sa pagiging snob ko daw in public. May sarili akong paraan ng pagpopromote ng mga projects ko. Speaking of disappointment naalala ko na naman ang sinabi kanina ni King kaya sa inis ko umorder ako ng ilang bote ng whisky. Agad iyong tinungga pagkaupong pagkaupo ko sa stool sa harap ng counter. "Immature ako? Isip bata? At iresponsable? Pwes, papatunayan ko kung gaano ako kawalang kwentang tao," asik ko habang masama ang titig sa alak na nasa harapan ko. Inalok ako ng barista ng baso pero tinanggihan ko. Ang sakit talaga sa loob ng mga sinabi niya. Upang libangin ang sarili humarap ako sa dance floor kung saan may mangilan ngilan na sumasabay sa malamyos na musika. Kapag maaga pa hindi pa wild ang mga kantang pinapatugtog nila kundi mga OPM o mga love songs na ibang lahat ang kumunta. Hindi pa rin ginagamit ang lahat ng dancing lights kundi dim light lang kaya nagmukhang romantic ang gitna ng dance floor. Para lamang sa mayayamang tao at parte ng alta syudad ang nakakapasok sa bar na ito kaya hindi nakapagtatakang kahit ang mga couch ay halatang mamahalin sa unang tingin pa lang. May VIP room rin sa second floor at iilang kanto na mas maganda ang pwesto. May mga nag-iinuman na rin, siguro tulad ko na masama ang loob kaya kahit maaga pa naglalasing na. "Hello, handsome." Hindi ko binigyang pansin ang malanding boses ng babae na lumapit sa'kin. "Wow, totoo nga ang mga humors na napakasnob ng isang King Second Castillion sa personal," sabi ulit nito. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi ko pa rin ito pinansin. Muli akong humarap sa counter, uminom sa bote ng alak. Magsasawa rin 'yan sa kakalandi, bulong ko sa sarili. Naramdaman ko ang paglakbay ng kamay nito papunta sa zipper ng pantalon ko. Agad na uminit ang ulo ko hindi dahil tinablan ako sa haplos niya kundi dahil mas lalo akong nairita. Hindi ako tulad ng ibang lalaki na madaling matukso sa ganitong bagay, mas matatag pa rin ang prinsipyo kong hindi babae ang makakapagpaligaya sa'kin kaysa ang makaramdam ng libog. "Kung ako sa'yo miss tatanggalin ko na ang kamay ko dyan sa bagay na hindi mo dapat hinawakan kung ayaw mong putulin ko 'yan," nagtatagis ang mga bagang na tugon ko. Mas lalo lamang pinag-igi ang malanding paggalaw ng kamay doon. Nawalan na agad ako ng pasensya kaya agad kong tinabig ang kanyang kamay sa marahas na paraan. Salubong ang mga kilay at masama ang tingin na binalingan ko siya, isang babaeng na sa isang tingin pa lang s*x lang ang ikinaliligaya sa buhay. 'Yon ang tingin ko sa kanya. "Maghanap ka nalang ng ibang lalandiin mo miss dahil wala akong oras sa mga babaeng katulad mo." Bumakas ang inis sa mukha niya na ikinangisi ko naman. Wag niya akong subukan sa ganitong lagay ng mood ko kung ayaw niyang maging trending topic sa buong Pilipinas na nambugbog ako ng babae, ika nga immature at iresponsable ako kaya kayang kaya ko 'yong gawin. "Hey, dude girlfriend ko 'tong binabastos mo," maangas na sabi ng lalaking kadarating lang. Hindi nagkakalayo ang katawan namin pero kung mukha ang babasihan wala siyang binatbat kahit ilong pa lang ang pag-usapan. Tumayo ako. Namulsa sa harap nila ng girlfriend niya kuno na biglang nagtago sa likod niya. "Girlfriend mo 'yan? Tatanggap ka nalang ng babae sa buhay mo 'yong parausan pa ng buong barangay." I know masyadong harsh at below the built para sa parte ng babae pero ginusto niya 'to. Nakukuha ang respeto na dapat ibigay sa kanila kung karespe-respeto ang galaw. "Aba, ang angas mo porke't artista ka at sikat ang angkan mo? Wala kang respeto sa babae," galit na sigaw nito. Nanggagalaiti. Nagkibit balikat lang ako. "Dapat bang bigyan ng respeto ang babaeng nanghahawak ng ari ng lalaki at lantad na lumalandi? Hindi naman siguro siya naghihirap kaya hindi siya pokpok dito sa bar na 'to, so ang gan'ong mga klaseng babae na mas inuuna ang libog kaysa sa dignidad ay mga puta." Walang habas kong tugon na ikinagalit niya lalo, akmang susuntukin niya ako ng unahan ko siyang bigyan ng suntok sa panga. Tumilapon siya sa sahig at umungol dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa mala punching bag niyang mukha. "Dude, girlfriend mo ang pagsabihan mo," payo ko. Susugod na naman sana siya pero mabilis kong sinipa ang sikmura niya dahilan para bumalik siya sa pagkakasubsob sa sahig. Namilipit sa sobrang sakit. Dinaluhan naman siya ng kanyang girlfriend. Ang dadrama ng mga 'to. Walang nakialam sa nangyari hanggang sa dumating ang mga bouncer. Akmang hahawakan nila ako ng sinamaan ko sila ng tingin. "Yan ang palabasin niyo sa lugar na 'to dahil wala akong kasalanan," kalmado kong tugon sabay pakita ng wallet ko. Nang makita ang pangalan ko bumakas ang pagkabahala sa mukha ng bouncer. Anong silbi ng yaman ng mga magulang at ng angkan ko kung hindi ko gagamitin? Alam nilang malakas ang connection ng pamilya namin at sikat ang mga Castillion kaya gan'on ang reaction nila. "Pasensya na po Mr. Castillion." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay kinaladkad nila palabas ang dalawa. "Hindi niyo alam na pader ang binabangga niyo." Dinig ko bang sabi ng isang bouncer nang papalabas na sila. Kapag may salapi may kapangyarihan. Napangisi ako sa naisip syaka muling bumalik sa pagkakaupo. Nangangalahati na ang laman ng bote ng whisky nang tumunog ang cellphone ko. Mawawala sana agad ang init ng ulo ko kung si King ang tumatawag pero hindi. Si Third. Tinatamad ko 'yong sinagot. "Bakit?" "Nasa'n ka?" "Dito sa tambayan natin." Pagtukoy ko sa bar na palagi naming pinupuntahang magkakapatid. "Pupunta ako diyan." Hindi pa man ako nakakatutol agad na niyang pinatay ang tawag napailing nalang ako, parang siya ang mas matanda kung umasta. "Hindi ako galit, disappointed ako dahil sa tanda mong 'yan immature, iresponsable at batugan ka pa rin." Nag-echo na naman sa utak ko ang mga sinabi ni King. Ang laki ng epekto sa'kin ng mga sinabi niya dahil hindi ako sanay na ganon siya magsalita. Madalas naman pinapalagpas niya ang mga kolokohan ko pero kanina talagang napuno siguro kaya nagalit. Nagsisisi ako na palagi kong hinihiling na maging madaldal ang bestfriend ko dahil minsanan na nga lang magsalita ng mahahaba tagos pa sa kaluluwa ang mga panlalait na lumalabas sa bibig niya. Mas mabuti pa pala 'yong one to two words na pagsagot niya o tango para iwas sakit sa kalooban. "Ang aga mo namang maglasing." Napangiti ako nang marinig ang pamilyar na boses ni Third at ang pagtapik niya sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakarating na siya, kung sa bagay malapit lang naman ang bar na 'to sa kompanya niya. "Badtrip kasi si King," sumbong ko. "Bakit, anong nangyari? Tinawagan ko siya kanina para itanong kung nasaan ka pero hindi sumagot, gusto sana kasi kitang yayain na pumunta dito sakto nandito ka na pala." Sumenyas siya sa bartender ng isang alak na agad naman nitong sinunod. Ikweninto ko sa kanya ang nangyaring paninermon at sagutan namin ni King kanina sa parkinng lot. Imbes na kampihan ako tumawa lang siya ng tumawa at sinabing bagay lang sa'kin ang mga sinabi ni King. "Wala namang masama sa pagsasabi ng totoo," kantyaw niya pa, pabiro ko siyang sinapak sa braso. "Alam ko pero hindi naman sana 'yong gan'on kaharsh." "Gan'on talaga 'yon dahil hindi ka sanay na nauubos ang pasensya niya sa pagiging pasaway mo, palagi ka niyang kinokunsente kaya 'yong nangyari sa inyo kanina normal lang. Kahit parang bato siya na walang emosyon tao pa rin kahit papaano, nauubusan ng pasensya lalo kung sa isang tulad mo," matyaga niyang paliwanag na ikinatahimik ko. Aam kong tama lahat ng mga sinabi niya. "Kaya ikaw kung ayaw mong mawalan ng yaya, asawa, bestfriend, assistant, direktor, tagaluto at lahat na, magsorry ka agad bukas na bukas para hindi na lumaki pa, ikaw rin ang mahihirapan." Itinataas baba ang mga kilay. "Nakakahiya ako, isa pa siya ang may kasalanan." Napailing lang ito sa sinabi ko, tatawa tawang uminom. "Anong mas uunahin mo ang kahihiyan mo o ang isang tulad niya? Alam mo dude minsan nga naiinggit ako sa'yo." Napatitig ako ng wala sa oras sa seryoso niyang mukha dahil sa mga huling katagang sinabi niya. "May gusto ka ba kay King, Third?" Inis na tanong ko. Ayokong iisang babae ang malilink sa'min, ayokong iyon ang maging dahilan para masira kami. Natigilan ako sa pumasok sa isip ko. Wait? Paanong masisira, wala naman akong nararamdaman para sa bestfriend ko. Tama, ayos lang na magkaguso siya doon para naman magkaroon ng sweetness sa katawan. 'Masyado kang OA Second.' bulong ko. Naningkit ang mga matang tumingin sya sa'kin habang seyoso pa rin. "Yes, I like her." Naibuga ko ang whisky dahil sa deritsahan niyang sagot. Sinuri ko ang mukha niya para tingnan kung seryoso ba talaga siya. Kahit seryoso siya hindi ko pa rin magawang maniwala dahil alam kong hindi ang tipo ni King ang gusto niya, don't get me wrong, maganda at pang model ang dating ng bestfriend ko pero sa ugali nitong cold and women in few words alam kong hindi iyon pasa sa panlasa ni Third. "Seriously, bro?" "Sa sobrang OA mo late reaction ka na," sabay tawa niya ng malakas na sumasabay sa malakas na tugtog sa dance floor. Medyo lumalalim na ang gabi, mas lalong dumami ang tao kaya wild na ang music. "Yes, I like her for you," "Kahit gusto mo siya bilang babae wala namang kaso 'yon," depensa ko dahil nagsisimula na naman siyang mangantiyaw. Kapag ito talaga nalink sa isang babae gagantihan ko siya ng pang-aasar. "Bakit labas sa ilong?" pang-aasar niya pa rin. "Drop the topic bro, hindi ka ba nagsasawa?" Napipiko na ako. Mas lalo lang siyang ngumisi. Nawawalan ng pasensya na umiling nalang ako dahil sa katigasan ng ulo niya. He's talking nonsense. "Okay, by the way kaya pala ako sumugod dito sa'yo para ipakita 'to." Nakahinga naman ako ng maluwag dahil tuluyan na niyang iniba ang usapan. Siguro nahalata niya ring pikon na talaga ako. Hindi ako komportable kapag palagi nila akong kinakantiyawan tungkol kay King. She's my bestfriend nothing more nothing less. At isa ako sa tumututol sa mga sinasabi nilang halos lahat ng magbestfriend nahuhulog sa isa't isa at minsan one sided. I hate it especially the last one. Malabong mangyari. "Another death threat?" walang gana kong tanong nang makita ang inilapag niyang sobre. Hindi na ako nag-aksayang buksan 'yon dahil alam kong puro paninira at pagbabanta ang nakasulat sa loob n'on. "Hindi mo pa ba sasabihin sa iba pa nating kapatid? Napapadalas ang pagpapadala ng kung sino ng ganyan sa'yo." "Don't mind them, kung gusto nila akong patayin ide sana noon pa pero puro banta lang sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD