NANGINGINIG akong inabot ang ballpen da doctor. Nakatitig ako sa papel na ibinigay niya sa'kin. Isang kapiraso ng papel pero kapag pinirmahan ko na ay kapalit ang pagkawala ng buhay ng magiging anak ko. Parang pinupunit ang puso ko habang binabasa ito. Nakasulat doon na pumapayag akong ipagpatuloy ang operasyon ni Queen at tatanggalin ang anak ko sa tyan niya. Ni hindi ko manlang nakita o nahawakan ito pero kukunin na agad sa'min. Masakit oo pero kailangan kong gawin iyon kaysa naman si Queen ang mawala sa'kin mas lalong hind ko kakayanin. Dalawang araw akong tulog ayon sa kwento nila matapos ang operasyon ko at ngayon lang ako nagising pero ito agad ang bumungad sa'kin. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayo na buhay ako. Sinwerte daw ako dahil hindi dumiretso sa puso ang bala dah

