CHAPTER 4
Hindi ako mapakali kasi naman bukas magkikita na ulet kami ni Sejun rest day ko kasi bukas tapos sabi niya hindi naman daw ganon ka hectic sched niya kaya pwede daw ulet kami magkwentuhan.
Sa totoo lang simula nung makilala ko siya hindi ko na siya nakikita as my idol lalo na pag magkausap kami.. I mean fan pa din ako pero yung feelings ko for him is hindi na pang idol..
mahal ko na siya.. ..as a man
Hndi ko alam kung kelan to nagsimula kasi nakita ko na lang yung sarili ko na iniintay ang txt at tawag niya araw araw.. hindi ko alam kung tama ba tong nararamdaman ko kasi alam ko naman na sobrang laki ng agwat naming dalawa..
Famous siya nationwide tapos ako? isang workaholic at simpleng tao lang.
Pero I can't hide my feelings.. it grows everyday.
"AHHHHHH EWAN KOOOOO"sigaw ko na lang
"Bakit besh?"sabi ni Myra
"My problema ako.."feeling ko sasabog na ako pag d ko nasabi
"A-ano yun?"n
"makikita ko na siya bukas..."halos pabulong ko
"Yung walang muka mong friend? so hindi siya imaginary?"
"All this time akala mo talaga nag iimagine lang ako?"
"hehe sorry na bes.. anong problema mo?"concern na bawi niya sakin
Huminga muna ako ng malalim bago nagkwento.. kinuwento ko lahat ng nangyare sa cebu hanggang sa communication namin dito sa manila..
"the who itey girl? bigla akong nacurious.. saka bat ayaw mo sabihin pangalan niya? ang sama mo besh ahh"
Hindi ko kasi sinabi sa kanya kung sino yun basta nag kwento lang ako
"Pwede bang saka ko na lang sabihin kung sino siya?"
"Bakit naman besh.. OMO baka mafia boss yan ah kaya masyadong confidential ang name"
"Baliw"
"So anong plano mo? aamin kana ba?"tanong niya sakin
"Syempre hindi.. dalagang pabebe ata to"sabi ko sa kanya
Hindi ko din naman kasi kaya yun wala akong lakas ng loob
"My gosh Besh.. inlababoo kana, yiiiii gusto ko makilala yang lalaki na nakabihag ng puso mo"sabi niya
"may isa pa akong problema"
"may isa pa?"tanong niya
"Ano?"
"wala akong isusuot para bukas"nahihiyang sabi ko sa kanya
"Ay sows yun lang pala tara sa bahay madami akong damit don"
Kaya nagpunta kami sa bahay niya at namili..
Hindi ko alam kung anong mangyayare bukas pero gusto ko lang siyang makita okay na ako don.
---
Nagsend ng address si Sejun kung san kami magkikita mahirap din kasi magpakalat kalat sa labas kaya mas pinili niya siguro yung private na restaurant.. syempre bago ako pumunta don tiningnan ko or should I say nag search ako about don para alam ko kung ano bang style ang dapat kong isuot.
pang historical yung concept ng restaurant kaya nag ala Maria Clara ako.. charoooot laking ganda naman ni Maria Clara sakin.
"Hala besh.. feeling ko ikaw na si Carmela ng ILY Since 1982.. yiiii ang ganda mo dyan sa suot mooo"sabi sakin ni Myra
Nandito kasi kami sa bahay niya ngayon.. damitan ko din kasi ang damitan niya ganon siya ka bait sakin.
"Talaga ba? hindi ba mukang OA naman masyado? baka sabihin niya masyado kong pinaghandaan tong araw na to"sabi ko sa kanya habang natingin sa salamin
"Saka ikaw laking ganda naman ni Carmela sakin"
Mahilig kasi kami mag basa sa w*****d kaya relate kami pareho
"Sus, pinaghandaan mo naman kasi talaga.. nga pala baka gusto mong magsend ng pictures sakin ng makilala ko na ang mahiwagang lalaki na yan"
"Hehe try ko"
Naka plain red dress ako yung pa off-shoulder tapos hanggang tuhod ang haba tas 2 inches na heels. At dahil sobrang haba naman ng buhok ko at straight naman siya kaya sinuklay at hinayaan ko na lang na ladlad siya..
Oh d ba simple lang yung ayos ko tas nag light make up din ako tulad nung ayos ko nung KCON.
Nung medyo okay na ako umalis na ako sa bahay ni Myra at pumunta na sa venue, okay lang naman na ako ang mag intay wala naman kaso yun sakin mas nahihiya ako pag siya pinag intay ko.. bayad kaya ang oras snun palage tapos sasayangin ko lang.
Pagdating ko sa restaurant walang tao.. kaya medyoo alangan akong pumasok may nag approach lang sakin na crew
"Good morning Mam.. please come in"sabi niya sakin at inihatid ako sa ay bangdang gitna ng restaurant.
Ang gandaa! kung ano yung nasa picture sa sss ganong ganon nandito
May maliit na stage sa harap tapos yung ambiance pang oldies talaga ang astig.
Tingin lang ako ng tingin sa paligid tas nag ppicture din para may pang my day ako mamaya ng mag serve na ng drinks yung waiter
"Hala wala pa po akong inoorder"sabi ko kasi nag salin na siya sa baso
nginitian lang ako nung waiter tas umalis na.
Panay ang tingin ko sa phone ko kasi baka magtxt si Sejun.. baka macancel to kasi syempre busy naman din yun tapos nagulat na lang ako namatay yung ilaw
Tapos may tumugtog..
HALA!
SI SEJUN YUN AHH
Pagkarinig ko ng boses niya hinanap ko kaagad kung nasan siya
Tumingin ako sa harap..
Sa gilid..
At sa likod..
Tas biglang may spotlight sa stage
Si Sejun kasama ang SB19 sa may stage si Sejun lang nakanta tapos pa back up na himig SB19 members
YUNG PUSO KOOO
Gusto kitang isayaw nang mabagal..
Gusto kitang isayaw nang mabagal..
Hawak kamay..
Pikit mata
Sumasabay sa musika
Halaaaaaaaa
Hindi ko alam kung pano ko eexplain pero damang dama ni Sejun yung kanta nangiti siya habang binibigkas yung lyrics.
AT NAKATINGIN SIYA SAKIN!!
Hindi ko alam kung pano ma explain tong nararamdamn ko ngayon
Tapos..
binitiwan niya yung mic at lumapit siya sakin habang nakanta..
"Maaari po ba maisayaw ang aking magandang binibini?"sabi niya na may ngiti sa labi
Tinanggap ko yung kamay niya..
Tapos nakita ko yung ngiti niyaaa, lumabas na naman yung pamatay niyang braces
"How are you?"tanong niya
"Ah-eh.. o-okay lang?"naiilang kong sagot
"you look like a tomato"sabi niya tapos pinisil niya yung kanang pisnge ko
Kaya mas lalo akong namula
"HAHAHAHAH"
ang lakas ng tawa niya
"Huwag kang mag alala.. you look so gorgeous Binibini... sobra"sabi niya at naglakad kami papunta sa gitna
Tiningnan ko SB19 lahat sila nakangiti lang samin
Nag thumbs up si Justin
Okay sign naman si Stell
Approved sign naman si Ken
Si Josh sobra kung maka ngiti yung parang nang aasar
"May gusto akong sabihin sayo.."sabi niya at hinawakan ang kamay ko kaya bumalik yung tingin ko sa kanya
Tas kumanta na ulet siya habang nagsayaw at sinasabahay ang indak ng kanta
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Ito na ang kantang hinihintay natin
Ito na ang pagkakataon na sabihin sayo
Ang nararamdaman ng puso ko
Matagal ko nang gustong sabihin ito
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay..
Pikit mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Sasabog na ako sa kilig..
Nakatingin lang siya sakin habang kumakanta at lahat ng salita na nagmumula sa kanya ay tagos sa puso ko
Kasayaw ko si Sejun at kasama namin ang buong SB19.
Hindi ako nakatiis kaya napasabay ako sa kanta, doon ko idadaan lahat ng mga gusto kong sabihin sa kanya
Pumikit ako para hindi ako gaano mailang
"Ilalagay ang iyong kamay sa aking bewang..."
dahan dahan kong hinawakan yung kamay niyang nasa bewang ko..
..tapos unti unti ko binukas mga mata ko
At kitang kita ko kung pano nag bago expression niya..
Gulat na gulat
Ang sarap ikeep itong expression niyang to.. sinabayan ko kasi yung verse ni Moira.
Gustong gusto ko yung kantang to kaya kabisado ko
Pero naka adjust din naman si Sejun.
Kaya sabay kaming kumanta..
Isasabay sa tugtog ng kanta
Ating katawan
At dahan dahang magdidikit ating mga balat
Matagal ko nang gustong mangyari to
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay..
Pikit mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal..
Nag sagutan kami through lyrics
Hindi ko alam pero parang nawala lahat ng mga tao sa paligid namin..
Siya lang yung nakikita ko..
Kaming dalawa lang
mahal ko na siya..
Sigurado na ako
"Gusto kitang isayaw ng mabagal"sabay naming kanta
Tumigil na kami sa pag sayaw, nakatingin lang ako sa kanya at ganon din siya sakin
"I like you Sunny.. I don't know how or when it started but you never leave my mind.. akala ko noon sa music lang iikot ang mundo ko but when you came.. hindi ko na alam pero ang bilis mong kumalat sa systema ko.."seryoso niyang sabi
Wala akong maisagot kaya nakatingin lang ako sa mga mata niya
"Binibini.. Do you want to be my Girlfriend?"diretsong tanong niya sakin
Muntik na akong matumba buti na lang nahawakan niya agad ako..
"Hindi naman kita minamadali.."mahinang sabi niya habang napakamot sa batok kasi d nga ako nakasagot sa tanong niya
Hindi ko alam gagawin ko kaya niyakap ko na lang siya at binulungan
"Yes I can be you're Binibini"pagkatapos kong ibulong yun kumalas na ako sa yakap.
Kitang kita ko na naman yung priceless niyang expression.. pangalawang beses na to swerte ko naman
Tapos niyakap niya ulet ako
"Thank you"sabi niya
"Grabe akala ko nanunuod ako ng music video"sabi ni Justin with matching palakpak pa
Bigla ako nahiya nung maalala ko na d pala kami nag iisa..
"Panira ka ng moment Justin"sabi ni Stell
"Congrats guys"sabi ni Josh at nakipag kamay samin
"Naunahan mo ko Bro.. Pero congrats"sabi ni Ken at nakipag shake hands kay Sejun
Tapos nung sakin na siya makikipag kamay hinarang ni Sejun
"Ops.. Girlfriend ko na"sabi niya kay Ken
"Nag surrender na nga ako.. selos pa din?"sagot nito
"Hanggang ngayon ba issue pa din yan?"sabi ni Stell
"Ang ganda mo naman binibini"sabi ni Ken
Hindi ko namalayan nasa tabi ko na pala siya
Hokage ata si Ken
hahaha
Kaya itong si Sejun hinila ako papunta sa likod niya
"Joke lang d kana mabiro"sabi ni Ken at may pagtaas pa ng dalawang kamay parang may ginawang mali
"Kumain na muna kaya tayo? nakakapagod kaya maging back up singer"singit ni Justin
"Ohh tara na kumain gutom na ang bunso baka maging bitter pa yan"sabi ni Josh at hinila na si Justin sa isang table
"Tara"sabi ni Sejun at kinuha ang kamay ko at inalalayan para paupuin
"I didn't expect na mag yyes ka sakin, I mean as I observed parang d kanaman attached sakin
tumawa ako ng mahina
"todo pigil kaya ako para d mo mahalata"sabi ko sa kanya kaya napatawa din siya
"same"at sabay kaming tumawa
"Ang ganda ng boses mo.. I love it"sabi niya sakin at hinawakan ang kamay ko
--
Sobrang maalaga niya PROMISE!
Alam mo yun kanina parang gusto niya siya na din mag subo sakin.
Tapos sina Josh naman ang kulit hahaha laging niloloko si Sejun
May jowa na daw si Pinuno
Nirent pala nila yung restaurant para maging private kaya pala walang tao.. tapos magiging busy na naman sila next week dahil sa mga mall shows at guestings nila..
Napag usapan na din namin ung ibang bagay halimbawa sa set up namin.. you know my bf akong Sejun medyo sikat
We both agree lalo na ako na isekreto na lang ang lahat yung kung hanggat kayang itago why not.. Kasi mas makakabuti naman yung samin pareho.
hindi din kami ganong nagtagal kanina kasi may other schedule pa pala sila..
Hinatid naman nila ako pero dun lang sa malapit na mall kasi natatakot ako.
Pag uwe ko sa bahay tinawagan niya ako, nag usap lang kami saglit then nagpahinga na din ako
---
Hindi ko alam kung pano ko sasabihin kay Myra..
Tapos ang bilis ng mga pangyayare parang kelan lang nalulungkot pa ako sa buhay ko kasi mahirap lang kami na ang palaging nasaisip ko lang is mga kapatid ko at ang bestfriend ko pero ngayon may Sejun ng nagpapasaya sakin.
3 weeks na din kaming nasa secret dating at ewan hindi pa din ako makapaniwala na may jowa na ako at si Sejun pa.. Alam mo yun? hindi ko alam kung anong ginawa kong mabuti sa past life ko kaya ganito ako ka blessed ngayon.
But I am happy, masaya kami ni Paulo.. Yes I decided to call him Paulo wala lang ang cute at ang lakas ng dating sakin ng Paul pero sabagay kahit naman John or Nase ganon din.
At sa araw araw naming mag kausap at pa minsan minsan na kita na rerealize ko na lang na minamahal ko na siya ng sobra.. hindi ko alam kung sobra na ba itong nararamdaman ko pero basta mahal namin ang isat isa at masaya kami.
"Sunshine, are you ready? nandito na ako sa tapat ng bahay nyo"bungad agad sakin ni Paulo pagsagot ko ng tawag
"Ha? d ba dun na lang tayo sa event magkikita? bat nandiyan ka?"
"Nothing, I just want to fetch my Girlfriend.. masama ba?"malungkot na sabi niya
"Hindi naman sa ganon.."hindi ko na tinapos yung sasabihin ko at bumaba na ako para puntahan siya
Kitang kita ko na agad siya.. nakasandal dun sa may gate namin
Ang hilig niya talaga mag pose ng ganon, yung parang nung sa KCON sa Cebu
Pagkita niya sakin he extend his arms.. kaya tumakbo ako para yakapin siya
"I miss you"sabi niya sakin
"I miss you too"sagot ko
"Are you ready?"tanong niya
"Oo paalis na nga dapat ako.. tapos ayan nandito kana pala.. baka malate ka sa event"concern na sabi ko
May aattendan kasi akong event at Guest ulet sila kaya manunuod ako sakto sa rd ko at malapit lang din
"Maaga pa naman"sagot niya
"Pero alam ba nila na umalis ka? baka mapagalitan ka at nawala ka na naman"
Last time kasi napagalitan siya kasi after ng practice nila umalis agad at nakipag kita sakin e may meeting pa pala sila.. buti mabait manager nila
"Sinabi ko kay Justin"sabi niya
"Nyi.. kay Justin talaga? makakalimutin kaya yun"loko ko sa kanya
"Hindi niya makakalimutan yun kung hindi isusumbong ko siya kay Clara"
"Tinakot mo na naman yung isa kawawa naman"sabi ko at mas hinigpitan ang yakap sa kanya
May narinig kaming parang nabasag.. pag lingon ko si Myra kasama mga kapatid ko
Nabasag yung soft drinks na dala dala nila pati yung itlog ..
Lahat sila lumaki yung mata kaya napatingin ako sa pwesto namin ni Paulo
Ayy shet.. magkayakap pa pala kami
"N-nandito na pala kayo..."mahinang sabi ko sa kanila at kumalas kay Paulo
"Ate.. sino siya?"tanong ni Jin
Ang sama ng tingin nung dalawa.. si RM at Myra
"Pasok sa loob now na"seryosong sabi ni Myra
Nag bago bigla mood niya at nakakatakot
Kaya hinila ko sila papasok ng bahay kasama si Paul
----
Naupo yung tatlo sa sofa namin habang kami ni Paul naka tayo magkahawak kamay.. kinakabahan ako syempre baka magalit sila sakin
Alam mo yung itsura nung tatlo? katulad ng pwesto ng mga friends ni Bokjoo sa weigthlifting fairy Kim Bokjoo nung nalaman nila na mag jowa na pala sila ni Joonhyung
"so what's the news?"mataray na sabi ni Myra
Tiningnan ko si Paul at nginitian siya
"Guys.. meet my b-boyfri--"hindi na nila ako pinatapos magsalita kasi sabay sabay silang sumigaw
"BOYFRIEND??"
"Ang oa nyo po"sabi ko
"Mag explain ka besh at pwede paki pakilala mo siya samin?"
"What's with his look?"tanong ni RM kaya napatingin ako sa suot ni Paul
"ah"
Naka all black kasi siya naka jacket with hoodie tas may cap at mask pa.. kaya medyo weird nga tingnan
"Hi"sabi ni Paulo at unti unting tinanggal yung hoodie niya
"I am Paulo"sabi niya at tumingin muna sakin bago niya tanggalin yung mask niya
"SEJUN?!!!"sigaw ni Myra
"Hoyy wag ka maingay baka may makarinig sayo"saway ko sa kanya
"hindi nga?"sagot niya na parang d makapaniwala.. napatayo na nga siya sa upuan e
"Yes. I am"sagot na ni Paul
"WHAT THE"sigaw ni Myra
"Mahal mo po ba ang ate namin?"singit ni RM
"RM"sita ko sa kanya
"Yes"diretsong sagot ni Paul
"Okay basta po wag mo siyang sasaktan kasi ako na mismo ang gagawa ng paraan para bumagsak ka"banta nito kaya pinandilatan ko siya ng mata
"Don't make her cry and please love her the way we do"sabi ni Jin
"Nag eenglish ka pala Jin sabi ni Myra"
"Shut up po Ate"sagot nito
"wow tinawag mo pa akong ate"
nagsisimula ng mag away yung dalawa ng may tumawag kay Paul
"Guys mamaya na ako mag eexplain kasi kailangan nanamin umalis dahil baka malate siya sa performance nila"
"Okay basta umuwe ka Ate ah"sabi ni RM
"Enjoy"sabi nung dalawa
"Oyy chika later ahh madami akong tanong.. bbye Sejun paki Hi na lang ako kay STEll"sabi niya
Kaya kinuha ko yung gamit ko at umalis na kami ng bahay
"so san tayo sasakay?"tanong ko sa kanya
"jeep tayo"suggest niya
"really?"parang ewan ko na sabi
Tumango lang siya bilang sagot
"hayy cge na nga wala na tayong choice baka malate ka.. pero wag ka magsasalita sa loob ah at baka may makakilala sayo"sabi ko sa kanya at pumunta sa may terminal ng jeep
Inayos ko muna yung suot niya sinigurado ko na walang kita sa muka niya kundi kamay lang.. Kasi naka cap at mask naman siya plus hodie kaya safe naman.. yun nga lang agaw pansin kasi mainit tas naka ganon siya
Pagsakay namin sa jeep pinag tinginan na kami..
"wag ka muna magsalita ahh"bulong ko sakanya lumapit siya sakin
"You know what.. ngayon lang ulet ako nakapag jeep"bulong niya sakin
Nginitian ko lang siya at nagbayad na ako..
Buong biyahe kaming pinagtinginan pero wala akong pake basta magkahawak kamay kami.
Pagbaba namin ng jeep konting lakad na lang naman at malapit na kami..tas nung nasa elevator na kami wla naman kaming kasabay kaya pinatanggal ko muna yung hood,cap at mask niya
"Pawis na pawis kana.."sabii ko at pinunasan ang pawis niya sa muka
Pinisil niya lang yung pisnge ko at ngumiti
"mahirap maging sikat no?"loko ko sa kanya
"Masaya naman lalo na pag ganito ka kaalaga"sabi niya at hinawakan yung kamay ko
Nag panic ako nung tumunog na yung elevator kaya cap lang naisuot niya. Sobrang dami pa namang tao sa venue kaya hinila ko kaagad siya sa may gilid
"suot mo to"inabot ko sa kanya yung mask niya
"thank you"sabi niya
"Punta kana muna sa kanila"sabi ko sa kanya
"Pano ka?"tanong nito
"Maggagala muna ako.."
"ikaw lang mag isa?"
"Oo naman"
"Sure ka?"tanong niya ulet
"Oo naman sige na at kanina ka pa nila hinahanap"
Tinanggal niya yung cap niya at sinuot yung hodie
"Bat mo tinanggal?"sabi ko at kinuha yung cap
"I want t--"hindi na niya tinapos ang sasabihin niya ni kiss na niya ako sa noo
"bbye kita tayo mamaya, ingat ka ah"sabi niya kinuha niya yung cap at umalis na
ANG LANDI MO TALAGA JOHN PAULO NASE
---
On time naman kami dumating kasi kakasimula pa lang ng event yun nga lang sila na pala agad ang mag pperform..
Mas iba na yung feeling ngayon na boyfriend ko na siya.. pero yung fangirling feels ko ganon pa din.
Kaya nung nag perform na sila todo sigaw talaga ako
"GO PAUL000000"sigaw ko kasabay ang crowd pero narinig pa din niya kasi napatingin siya sakin
Nag heart sign siya sakin
Kaya todo sigaw talaga lahat..
Hindi kami tumigil hanggat d sila na tapos sa pagsayaw at yung fanchant palakas na ng palakas pero naririnig ko pa din ung mga "MARRY ME", "AKIN KA NA LANG" at kung ano ano pa
After nila mag perform medyo nag li-low ang crowd at mukang nag pahinga sumakut siguro ang mga lalamunan kaka sigaw.
Pinanuod ko din ung mga sumunod na nag perform ang galing nila..
Iba ibang genre pero iisa lang ang sinisigaw musikang pilipino.
Aliw na aliw ako sa mga kumakanta sa stage kaya minsan d ko mapigilang mapairit.. at makihiyaw sa kanila
"ANG GALING NYO POOOO"sigaw ko ben & ben ata yun
Nagulat na lang ako ng may humawak sa bewang ko
"Heyy"sabi ko sa kanya
Nakapag palit na siya ng damit naka orange jacket na siya at naka cap
Pero d niya ako pinansin nakatingin lang siya sa stage
"Uy"sabi ko at tinusok siya sa tagiliran pero wa epek
"Paulo.."sabi ko ulet at tinusok siya pero ganon pa din
Kaya mas lumapit ako sa kanya at tinusok tusok ulet
"May problema ba Paul?"tanong ko sa kanya wala na akong paki kung may makapansin samin
Mukang d siya okay.. ramdam koo
Hindi pa din siya nag respond sakin kaya hinatak ko na siya paalis sa crowd..sakto wala namang nakabantay dun sa may backstage papunta sa may room nila kaya dun ko na lang siya hinila
Nakita ko lang sa loob yung ibang staff na kasama nila.. pero kilala naman nila ako kaya okay lang nung pumasok kami ni Paul tas lumabas naman yung sila
Siguro naramdaman nila yung tensyon samin.
Pagkaalis ng lahat hinarap ko si Paul
"Anong problema?"tanong ko sa kanya pero naka simangot pa din siya
"Heyy"sabi ko at hinawakan ko yung magkabilang braso niya
"Sabihin mo naman sakin ohh.. may nagawa pa akong mali?mahina ba yung cheer ko kanina?. I'm sorry"at niyakap ko siya
He hugged me back
"I'm sorry"sabi niya at mas humigpit ang yakap niya
"Bakit may problema ba?"tanong ko
"I-i just get.. jealous"mahinang sabi niya
"H-ha?"tanong ko
"I got jealous when you shout ANG GALING NYO POOOO sa ibang artist"pag amin niya
"ang cute mooo para kang bata"sabi ko at pinisil ang pisnge niya
"Seloso naman pala si Pinuno.. ang galing din kasi nila kaya d ko na pigilan"
"I know it's childish but.. I can't help it"sabi niya at mas niyakap pa ako
"Ay sya sige ako na mag aadjust sainyo na lang ako sisisgaw.. papalakpak na lang ako sa iba, basta wag ka lang magselos.. grabe kaya mo talaga na d ako kibuin"sabi ko sa kanya
"I'm sorry"apologetic n sabi niya
"Okay okay noted na sakin na seloso si Pinuno.. okay ka na?"
Nginitian niya lang ako tapos lumabas na kami.
Sabay kasi kami uuwe dahil wala naman na silang schedule today bukas na ulet kaya mag ddate muna kami
Magkahawak kamay kaming bumalik sa event.. ganon pa din pinagtitinginan kami kasi ang weird din naming dalawa..
Naka orange jacket siya with cap ako naman is naka all black at naka mask para kaming mga korean idols na nagtatago. Buti na lang sa mga ganitong event madaming naka mask at cap.
"Paulo wait"sabi ko at inalis ko yung mask ko
"Bat ba naka cap ka lang nasan yung mask mo? ka may makapansin sayo"sabi ko sa kanya
"Nailagay ko kasi sa bag ni Stell e nauna siyang umalis kanina kaya d ko na kuha"paliwanag niya
Nilapitan ko siya
"kasi kitang kita ko yung pang malakasan mong nunal plus yang pamatay mo pang braces.. feeling ko may makakapansin sayo"habang sinasabi ko yung hinawakan ko yung nunal niya sa may lips
Kaya hinawakan niya kamay ko
"D-don't"sabi niya lang
"Okayy.. gusto mo gamitin mo muna mask ko? baliktadin na lang natin"kinuha ko yung mask ko at nilagyan muna ng alcohol bago ko binaliktad at pinasuot sa kanya
"Bat mo pa binaliktad?"
"Gusto ko lang hahhaha"
"You're so cute sunshine"tas ginulo niya yung buhok ko
"Hey!"sabi ko
"Uhmm.. e-excuse me"
Natigil kami sa kulitan namin nung may nagsalita sa gilid.. mas binaba ko yung cap ni Paul para d makita mata niya
"Yes?"tanong ko dun sa girl na may hawak ng camera
"Pwede ko po ba kayo picturan?"tanong niya samin
"Kami?"
"Yes po.. ang cute nyo po kasing couple"sabi niya
Tiningnan ko si Paul at hinawakan niya lang kamay ko..
"Ano paayag ka?"tanong ko sa kanya
Nag thumbs up naman siya kaya g ako
"Cge"
"Yes thank you poo"sabi nung girl tapos mas lumapit ako kay Paul tiningnan ko muna kung may kita ba sa muka niya
"Uhmm .. pwede po bang pakitaas ng konti yung cap ni Kuya hindi po kasi kita face niya"tanong ni ate girl
"Bale may sore eyes kasi Jowa ko kaya wag na lang baka mahawa ka"palusot ko na lang
"Ay ganon po ba? ay shigi po"
Tapos nung pag kakuha niya ng ilang pictures nag thank you siya at umalis na.
Gumala pa kami ng konti bago kami umuwe.
---
"So ano na besh baka gusto mo ng magkwento"bungad agad sakin ni Myra nung makapasok ako ng bahay
"Bat nandito ka pa? gabi na ah may pasok pa tayo bukas"sabi ko sa kanya at dumiretso sa kwarto para magbihis
"Aba sa tingin mo makakatulog ako ngayong gabi ng d ka manlang nag kkwento? ang harsh mo sakin.. nag iisa mo kong friend tas nagtago kapa ng secret"
"Pasensya na d ko lang talaga alam kung pano ako sasabihin sayo"
"So kung d pa kayo nahuli d ka magsasalitaa? GRABEEEEEEE"
"hindi naman nag iintay lang ako ng timing"
"Sus.. so kelan mo siya nakilala? at saan? bilis sagot"
"Cebu"
"WHAT?? siya yung friend mo na walang muka?"
Tumang lang ako bilang sagot
"Kaya pala d mo masabi sakin kung sino yun.. bigatin naman pala"
"Oo kaya pasensya na talaga"
"Gano na kayo katagal?"
"Malapit na mag one month"
"ANOOOOOOOOO?"
Tumawa lang ako at nagsimula na magkwento lahat lahat.. at super laki ng tinik na nawala sakin promise
"I'm happy for you girl!!!"sabi niya sakin at kinurot kurot ako
"Bat nananakit?"loko ko sa kanya
"Inggit kasi ako"
"Makikilala mo din yung sayo"
"No.. masaya na akong maki sana all sa mga may lovelife"
"Ewan ko sayo baliw kana"
---