Aurora is sitting at the right side besides Val. Nasa unahang gitna naman ang tatay ni Val at nasa harap nila si Herra. "Let's eat. Wag kang mahihiya Aurora," tugon ni Herra habang pinagsasandok ng kanin ang asawa. "Hmm." Napatango din si Vladimir. "Salamat po," Aurora replied. Walang ingay ang namayani sa kanila. Gayunpaman, hindi iyon naging awkward dahil para bang normal na iyon sa pakiramdam. Akala ni Aurora ay hindi siya tatanggapin ng ama ni Val dahil sa status sa buhay pero mali siya. She felt comfortable now around them. Tanggap siya ng ama nito, ng pamilya nito. Ang sarap sa pakiramdam. Natapos na silang kumain ngunit nasa hapag kainan pa din sila. Naglapag ng dessert ang katulong. Valdimir wipes his mouth before speaking, "So, kailan niyo balak magpakasal?" He asked, making

