CHAPTER 18 Aaminin kong nasaktan din ako sa desisyong ginawa ko pero iyon lang ang naisip kong tama sa mga oras na ‘yon. I don’t think we’ll be good if I stay with him. Baka hindi lang ako maka-graduate. Nag-take naman ako kaninang hapon ng post grad exam naming kahit gulo ang isipan ko. Inaalala ko pa din siya sa panahong dapat ang inaalala ko ay ang sarili ko. Makakapasa ba ako? Pero imbis nag ganon ang itanong sa sarili ay naitatanong ko nalang kung nag-exam ba siya? Kamusta siya noong pinaalis ko kanina? Nang pumunta ba siya dito ay nag-almusal siya? Nasaan na siya ngayon? Naramdaman ko naman ang marahang haplos ni Liam sa balikat ko. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng condo unit niya. Masyadong mahangin at malamig kaya nag suot ako ng isang white na sweatshirt. Hi

