CHAPTER 20 Sobrang clingy ni Angelo ngayon. Habang nasa biyahe kami at siya ‘yung nag d-drive ng kotse ni Liam ay bigla nitong kukunin ang kamay kong namamahinga sa kandungan ko. Pagkatapos ay hahalikan ang likuran hanggang sa panggigilan na niya. Ang ikinatatakot ko ay sa sobrang bilis naming magbati ay baka ganoon din kabilis itong mawala. Tila naramadaman niyang parang nawala na ako at napunta sa ibang demensiyon. “Hey…” Pagtawag nito at bahagyang pinisil ang kamay ko na nagpalipat sa mga mata kong nanghihina sa kaniya. “What’s the problem, hmm?” mababakasan sa boses nitong nag-alala siya sa biglang pagbabago ng mood ko. Pati nga din ako eh. Panaka-naka niya akong tinitingnan at pinipisil minsan ang kamay kong hawak niya nang hindi ako mag response. Nang mahinto kami dah

