CHAPTER 13 I woke up in a different room. Kaagad akong napabalikwas na pinagsisihan ko naman kaagad dahil sa biglang pagkirot ng ulo ko. Napabalik tuloy ako sa pagkakahiga habang hinihilot ang sentido sa sobrang kirot nito. Bigla ay nag sink-in sa akin ang pakikipag-inuman ko kay Vivian. Ipinagkanulo ba ako- “Mabuti naman at gising ka na?” Kaagad akong napalingon sa paanang parte ng kama where the door is. It’s Vivian. Nakahinga naman ako ng maluwag nang madatnan siya. Akala ko ay ipinamigay na ako nito. Hindi malabong gawin niya ‘yun. She seems, she’s still into Angelo. “Bruha ka. I know what you are thinking and I don’t have any bits. Okay?” She rolled her eyes. Napaka-defensive ha! “Bumangon ka na at maglu-lunch na din. I want you out of here ng mabilis,” na

