CHAPTER 16 Pagkatapos kong kumain ay kaagad ko na itong niligpit. Napabuntong-hininga nalang ako sa platong pinagkainan ni Liam. Kaunti lang ang nabawas. Masama nga ata talaga ang pakiramdam niya. Napansin kong hindi na nga mabuti ang pakiramdam ng tao yet I brought a topic that would make him uncomfortable. How sensitive I can be? Napapikit nalang ako ng mariin sa pagsisi sa sarili. Hindi tuloy siya nakakain ng maayos. I know when to tell that he’s already full, liban kay Angelo. Noon pa man bago ko nakilala si Angelo ay napunta na talaga itong si Liam sa bahay. He would go there para lang makikain at makipaglaro. Halos sandamukal na ang laman ng plato niya pero panay pa din ang kuha ng pagkain kaya naman tuwang tuwa si mama dito dahil maganang kumain. Hindi kasi ako g

