TEASER

321 Words
Mariing napailing-iling si Derek. Hindi siya makapaniwala ng sobra sa mga ipinagtapat ni Aiden sa kanya. “Wala na akong choice bro kaya pumayag na lang ako,” seryosong wika ni Aiden. Magkaharap pa rin silang nakatayo ni Derek at walang pakiealam kung nakahubad siya sa harapan nito at underwear lang ang suot kung saan bumubukol ang natutulog niyang p*********i. “Bukas, kakausapin tayo ng mga magulang natin sa kung ano ang magiging susunod na hakbang,” dugtong pa niya sa kanyang sinambit. “Nasaan ba kasi si Asha?” pagtatanong ni Derek. Mabagal na umiling-iling si Aiden. Makikita sa kanyang mukha na wala talaga siyang alam. “Hindi pa namin alam. Sa ngayon ay patuloy pa rin siyang pinaghahahanap.” Madiin na inihilamos ni Derek ang palad niya sa kanyang mukha. Frustrated siya sa mga nangyayari na kahit kailan ay hindi niya naisip na mangyayari. “I’m sorry,” sincere na paghingi ng paumanhin ni Aiden. Maloko man siya pero alam niya iyong pakiramdam na niloko at masakit iyon sa damdamin. Napailing-iling nang mariin si Derek. Diretso nitong tiningnan si Aiden. “Hindi lang ako… ang mga tao ang niloko niyo kundi pati na rin ang simbahan,” madiin na sambit ni Derek. Dahan-dahang napayuko si Aiden. Sumagi sa isipan ni Derek ang halik na iginawad niya kay Asha, na si Aiden pala. Marahas at mabilis niyang pinunasan ang labi niya na tila gusto na niya itong tanggalin sa kanyang mukha. Nakaramdam siya ng pandidiri lalo na at lalaki ang hinalikan niya. Kung pinansin lang pala niya ang mga kakaibang naramdaman niya nu’ng kasal, hindi sana sila humantong sa sitwasyong ito. Napailing-iling na lamang si Derek at mabilis na tinalikuran si Aiden at naglakad palabas. Napapikit si Aiden nang marinig ang malakas na pagsarado ng pinto na halos ikagiba nito. Huminga ito ng malalim. “Ano ba itong pinasok mo, Aiden?” ang natanong na lamang niya sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD