Vision 16 - Finale

1748 Words
NAKAABANG ang mga pulis sa isang Grocery shopping store matapos may nakapasok na tatlong shooter at pinaghihinalaang suicidal ang mga ito. Nagkakagulo na sa loob at walang ideya ang mga awtoridad sa kaganapan sa loob lalo pa at isinara ng mga suspect ang main door ng Grocery shopping store at halos wala na silang makita sa loob. Dumating na ang grupo ni Aerra. Kakaibang kaba ang naramdaman ni Aerra nang malaman ang sitwasyon. Pinagpapawisan din siya ng malapot sa hindi niya malamang dahilan. Inalis ni Aerra ang suot ng shades at mabilis na in-examine ng tingin gamit ang kanyang vision, ang kaganapan sa loob ng Grocery Shopping store. Nahintatakutan siyang tumungo sa Hepe ng mga pulis. "Aerra, anong nangyayari sa 'yo? Okay ka lang ba?" Inalalayan pa siya ng Ginoo na makaupo sa tabi. Isa naman sa kasamahang pulis ang nag-abot sa kanya ng bottled mineral water. "They're on critical condition. Lahat ng mga suspect or shooter ay may nakalagay na bomba sa katawan. And anytime, puwedeng-puwede nilang pasabugin." Pumreno pa siya saka tinungga ang bottled water. "Anim ang may tama ng bala, hindi lang ako sigurado kung malubha dahil karamihan sa kanila ay walang malay." Hinila ni Aerra ang bakanteng papel at nagsimulang i-sketch ang nakita niya sa kanyang vision mula sa loob ng Grocery shopping store. Maging ang Hepe ay nagulat sa bagay na nalaman ng mga ito mula sa kanyang vision. Sa dinami-rami ba naman ng pagkakataon, bakit ngayon pa? Lalo pang nahihirapan si Aerra nang magluha ang mga mata niya at hindi na halos makita sa kanyang vision ang puwesto ng mga tao roon. Lukab pa rin ng luhang nilapitan niya ang Hepe at nakikiusap na iligtas ang mga ito lalo na ang isa. Hindi alam ni Aerra kung bakit sa Grocery shopping store pa na iyon naroon si Sebastian. Of all people, why suddenly? Napaupo na lamang siya at taimtim na nagdasal na sana mailigtas ng lahat si Sebastian. She wasn't in good condition to defeat her opponent. Nanlalambot siya at nanginginig ang kamay at tuhod. Hindi nga yata niya kayang tumayo nang matagal. She gives herself an exception and her Chief approved it. Hindi na namalayan ni Aerra ang lahat ng mga nangyayari sa bilis nito. Nagkagulo sa loob at nakapasok nga ang mga pulis. Nakiusap din siyang unahing ma-rescue si Sebastian. Halos oras ang lumipas matapos matahimik ang putukan. At kumalma ang sitwasyon habang nasa labas na ang ambulansya at mga media na nag-aabang ng update sa sitwasyon. Napaluha siya nang makitang akay-akay na at nakahiga sa stretcher si Sebastian, walang malay. Mukhang labis ang sakit na ininda nito base sa butil ng pawis at hitsura ng mukha nito bago nawalan ng malay. Mabilis pa nga niyang hinabol ang nagbuhat at mahigpit na hinawakan ang kamay ng binata. Natatakot na kapag binitiwan niya ay hindi na niya itong muling mahahawakan. Sa tagiliran ang tama ni Sebastian at hindi rin niya alam kung bakit hindi makita ng vision niya ang puwesto ng balang pumasok sa katawan nito. Sa daming pagkakataon, ngayon pa sumablay ang vision niya. Kung kailan kailangang-kailangan niya ang gift na ito. Kung kailangan gusto niyang iligtas ang taong pinakamamahal niya. Parang gusto niyang maglumpasay at umiyak ng umiyak. Ngunit ano pa mang iyak ang gawin niya. Napapaiyak na lang siya kasunod nang mahihinang paghikbi habang inuusal ang mga katagang huwag itong bibitiw. "Ang baby ko! Ang baby ko!" Napalingon si Aerra sa babaeng pumalahaw ng sigaw at parang nawawala sa sarili. Napilitan siyang bumaba ng ambulansiya at nagpaalam sa isa sa medic na susunod siya sa Hospital. Kung naaawa siya sa kalagayan ni Seb, naaawa din siya sa Ginang na kumuha ng atensyon niya. Nilapitan niya ang Ginang para pakalmahin. "Hahanapin po sila ng mga pulis. Kumalma lang po kayo." "Nasa loob ang baby ko! Ang baby ko!" Napatingin siyang muli sa Grocery shopping store. Nakita pa niyang inilalabas ang mga nahuling kriminal at naagaw ng isa ang pansin niya matapos nitong ngumisi ng kakaiba. Binalot si Aerra ng kakaibang kaba. Nabahala siyang sa likod ng ngisi ng kriminal ay may isa pang mas malaking magaganap. Kaagad niyang nilapitan ang Grocery shopping store. She found the child at may bomba sa loob na hindi niya maaninag kung ilang minuto pa ang nalalabi para mailigtas ang bata. Nanlalaki ang mga mata niyang ipinagbigay alam iyon sa Hepe at kaagad naman na umaksyon ang mga ito. Ngunit hindi nila mahanap ang sinasabing bata. A baby girl in the age of three. Hindi makasigaw ang bata dahil may nakabalot na panyo sa bibig nito. Si Aerra na ang kumilos para hanapin ang pinaglalagyan ng bata. Natagpuan niyang nasa loob ng isang kahon ang batang babae, mahinang humihikbi kayat hindi gaanong marinig ang tinig nito. Ibinigay na niya ang batang babae sa isang pulis. Naaninag agad niya ang bomba gamit ang vision. Dalawampung segundo ang nalalabi. "Lumabas na tayong lahat!" Inalerto niya ang lahat na lumabas at lumayo nang sampu hanggang dalawampung metro mula sa gusali. Wala ng oras para ilabas ang bomba ngunit pinilit parin niya ang lahat, na kahit paano ay mabawasan sana ang impact ng pagsabog. Ngunit papalapit pa lamang siya ay kaagad na iyong sumabog. THREE MONTHS had been passed that fast. Napapabuntong hininga na lang si Aerra. Napakabilis ng oras at panahon. Parang bagay na inaagaw sa kanya ng pagkakataon. Parehong sitwasyon nang magising siya mula sa pagka-Comatose noong pitong taon pa lamang siya. Ang pinagkaiba lang, hindi tulad noon na agad niyang nakikita ang dextrose, ang likido, tumatagos ang tingin niya. Ngayon ay iba na. Wala na siyang maaninag maliban sa kadiliman. Her gift already vanish as if they was returned. Bagay na hindi naman niya pinagsisisihan. Dalawang buwang pagkaka-comatose ang ininda niya bago muling magising. Nagpapasalamat pa siya sa Diyos at niligtas nito ang buhay ni Sebastian at ang buhay niya. Napansin ni Aerra na nakatayo na si Seb sa paanan ng kama habang bitbit naman nito ang pagkain para sa umagang iyon --Breakfast in bed. "Gising ka na pala. Huwag ka nang tumayo, kakain na tayo," malumanay na sabi ni Seb saka inilapag sa ibabaw ng kama ang bitbit na bed tray table. Napilitan siyang bumalik nang alalayan na siya ni Seb paupo sa kama. "My favorite, Tocino!" excited na kinapa niya ang kutsara nang hawakan ni Seb ang kamay niya at pigilan. "Ang lakas ng pang-amoy. Ako na ang magsusubo sa 'yo." Bahagyang kinurot ni Aerra ang kamay nito. "Sira! Hindi naman ako baldado. I can do it." "I know. You're a strong person I had ever met." Ginantihan ni Aerra ng ngiti ang sinabing iyon ni Seb. Ito ang mga panahong kailanman ay hindi siya iniwan ng binata. Nang magising nga siya during comatose, nagulat siya at nag-propose na ang binata sa kanya sa kabila ng kondisyon niya. Si Aerra dapat ang gagawa niyon pagkatapos sana ng field operation ngunit nabigo siya. Walang proposal na nangyari kundi malagim na aksidente matapos sumabog ang bomba at tinaman siya ng bahagyang galos ngunit pininsala nito ang pinakamahalagang bahagi ng kanyang katawan na hindi na niya magagamit pa, not unless makahanap siya ng donor. Ayaw rin naman niya maging donor ang kanyang Ama dahil may edad na ito. Ayaw nitong maging sakit ng ulo sa kanila kapag nawala ang cornea nito. Siya ang unang-unang tumutol nang magprisinta itong handang mag-donate. Despite of everything and her situation, all she can say is, 'I can handle this.' Sa ngayon ay isang buwan na niyang unti-unting napag-aaralan at natututunan ang lahat mula sa kadiliman na pinagdaraanan niya ngayon. Isang buwan na rin simula nang tanggapin ni Aerra ang Wedding proposal ni Sebastian. Hindi na siya noon nagpakipot o nagpabebe. Sino ba naman ang matinong lalaking tatanggapin ang lahat-lahat sa kanya kahit pa ngayong wala na ang vision niya o ang kanyang paningin. Only Sebastian is her perfect person, a loving soon-to be husband and her forever. She was really surprised that day. Pagkagising niya ay wedding proposal agad nito ang bumungad sa kanya kasama ang mga kasamahan niya sa trabaho, ama at pamilya ng binata. Hindi man niya nakita ng buo ang ambiance, ramdam na ramdam naman niya kung gaano siya kamahal ng makisig niyang nobyo na handa rin sanang mag-donate ng cornea nang mga panahong iyon. Siyempre, tinutulan din niya, sapat na nakaalalay ito sa kanya at laging nasa kanyang tabi kailanman at saanman. Nakalulungkot nga lang isipin na hindi na niya natupad ang pangarap niyang maging marangal na pulis dahil sa kanyang kondisyon. Nananatili na lang ngayon siya sa bahay kasama ang Fiancé at itatakda ang kasal pagkalipas ng dalawa pang buwan para sa preperasyon ng kasal nila. Aerra knew there is no permanent in life but whatever God gave her, as she was possessing the gift of x-ray vision, she didn't regretting anything despite that it was retracted. Masaya na siya ngayon kahit pa wala na siya sa serbisyo ng pagpupulis. Iginawad sa kanya bilang Merit Award ang pagiging bayani ng bansa matapos maligtas ang mga tao sa pagsabog, tatlong buwan na ang nakararaan. Nagkamit siya ng gantimpala, sertipiko at prinoklama ang kanyang pangalan bilang isa sa magiting na bayaning pulis sa taong ding ito. She was flabbergasted and flattered. She wasn't expecting anything anyway. But God provide her what she deserves. All thanks to God and her vision. Tanggap na ni Aerra ang kinahinatnan. Kahit wala na ang kanyang pambihirang X-ray vision, may fiancé naman siyang mas pambihira pa sa extrasensory niya. Mga kaibigan at katrabaho na nagbigay sa kanya ng importansya, ang ama niyang palaging nakaalalay sa kanya at ang pagtanggap ng mga tao sa nagawa niyang pagbuwis ng buhay para sa bayan niyang minamahal. Para hindi mainip si Aerra, dinala siya ni Seb sa isang Restaurant na favorite niyang kainan. Mula sa kinauupuan niya ay rinig niya ang boses ng isang babae. "Paano mo nalamang may inihalong chlorine sa inumin ni Ms. Del Carmen?" "Naamoy ko lang po," dinig ni Aerra na sagot ng babae sa mukhang Head nito. Napangiti si Aerra, malinaw pa ang kanyang pandinig, wala man ang kanyang vision o tuluyang nabulag, kahit papano ay hindi pa naman sumasablay ang pandinig niya na hindi man ganoon katalas, sakto lang na magagamit niya bilang pakiramdam para maka-survive sa kanyang kalagayan habang hinihintay ang kanyang donor. Alam ni Aerra na bukod sa kanya ay may mga tao pang nabiyayaan ng kakaibang extrasensory power. At iyon na siguro ang susunod na maglilinis sa mundo na puno ng katiwalian, krimen at kasinungalingan. ************* WAKAS**********

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD