xx
It's been a week at hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang tumingin sa kanilang dalawa, kapag nakikita ko sila ay agad akong umiiwas. Kahit ansakit-sakit sa dibdib ay pinilit kong maging matatag, isang linggo nalamang ang palugit na ibinigay sa akin ni Ace upang pumirma sa divorce papers. Hindi ko pa kaya, kahit nasasaktan nako, mahal ko parin ang asawa ko.
"Kung ako sayo peperma nako. Hindi ako mag papa tali sa isang manloloko at ubod ng sama na katulad niya, wake up Allyza." Giana said. Patuloy parin ito sang pag bibigay ng payo sakin. Maybe madali sa kaniyang sabihin 'yon pero para sakin, mahirap. . . sobrang hirap.
Bumuntong hininga na lamang ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Tita Hazel sa phone 'nung isang araw, may gaganaping party sa susunod na gabi, te'next nito sa akin ang address ng party at dapat daw ay mag kasama kami ni Ace papunta roon. Sinabihan niya ako kaagad at baka daw iba ang isama ni Ace sa party. Iniisip kong, baka nga hindi ako ang isama ni Ace sa party kundi si Sofia.
"Anyway, hindi ka dapat mag paka stress today kasi need mo ng beauty rest para sa susunod na gabi. Dapat maganda ka doon para syempre, incase kapag nag hiwalay na kayong lubusan ng asawa mo-"
Napa kunot noo ako ng marinig ang sinabi ni Giana.
"That's not gonna happen." pag putol ko sa iba ba nitong sasabihin.
N
gumuso nalamang ito.
"I'm just anvancing here you know? Siyaka look at you, ang ganda-ganda mo para saktan ng ganun-ganun lang at ipag palit sa bruhida nayun! Nako kung makita ko talaga yun, uubusin ko lahat ng buhok niya!"
Napatawa sa sinabi nito. Well, ganun din ang gusto kong gawin sa kaniya pero ayokong maging masama sa mata ni Ace, hindi ko rin kayang manakit ng tao.
Pag uwi ko ay wala sila sa mansion kaya malaya akong nakakagala. Nakita ko ang napakagandang garden mula sa pangalawang palapag ng mansion kaya agad akong lumabas at pumunta sa likod ng mansion na kung saan ang malawak na harden, sobrang dami ng mga bulaklak. Merong roses, orchids, gumamela ang iba ay sa ibang bansa lang tumutubo, iba't-iba din ang mga kulay na naririto. Mas lalo pa akong natuwa dahil maraming mga paru-paro ang nag sisiliparan, merong puti, pula at yellow. Para akong nasa enchanted garden na napapanuod ko sa mga movie.
Napadpad ako sa fountain na nasa gitna ng garden, ito yata ang pinaka paborito kong lugar dito sa mansion, sa loob malawak at maganda ngunit nakakatakot naman. Palagi kong nakikita sa loob ang mga bodyguards, ang mga maids, si butler Tan at wala nang iba. Si Ace sa loob ng dalawang taon, madalang lang kami mag kita, minsan dalawa sa isang buwan, well ganun siya ka busy. Pero nung dumating ang lintik na Sofia na yun halos araw-araw ko silang nakikita sa mansion. Nakakairita din pala!
Kinuha ko ang barya sa bulsa at inihagis sa fountain.
"Sana hindi nako masaktan ulit." bulong ko habang naka pikit.
"Sa tingin mo ba matutupad ang hiling mo sa fountain na yan?" Nagulat ako sa baritonong boses na nagmula sa likuran ko. He's voice is so familiar to me, nakakatakot pero gustong-gusto ko itong pakinggan. It was Ace. Humarap ako sa kaniya at seryoso lamang itong naka tingin sa akin.
Akala ko ba wala sila ngayon dito? At bakit hindi niya ngayon kasama ang ahas na si Sofia.
"I'm asking you."
Parang nabuhay lahat ng ugat ko sa katawan. Nakakatakot talaga Ang lalaking to, paano ko ba siya nagustohan at minahal ng ganito?
"I d-don't know. . . but I'm hoping na matupad kung ano man ang hiniling ko."
Kita ko ang pag irap nito.
"Tsk! You're just wasting your time wishing to that fountain. Come with me." He said.
Kaysa naman pag-mamahal ko ang iwaldas ko sayo diba? Mas okay nadin na iwaldas ko ang oras ko dito, kaysa makita kayong nag lalandian sa harapan ko. Siyaka saan naman kami pupunta? Bakit di niya isama ang bruhang kasama niya lagi. Psh!
Tumalikod na ito at nag lakad na palayo.
"Hurry up!" Rinig ko pang sabi nito.
Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya, sumakay ito ng kotse at ganun din ako. Nasa driver seat ito at ako naman ay umupo sa likuran. Humalukipkip ako at sa labas na lamang tumingin. Naka sunod ang dalawang itim na sasakyan sa amin na sa tingin ko ay mga bodyguards. Hindi ko masasabing bodyguards ba talaga sila dahil minsan ko na rin silang nakita na kasama ni Ace habang pumapatay ng mga kalaban mula sa ibang organization. They trained to be a loyal and to kill. Hindi talaga maiiwasan ang magkaroon ng kalaban sa ibang organization, lalo na't negosyo ang pinag-uusapan.
May isa akong kilala na palaging kasama ni Ace and he's name is Sabo, yun kasi ang laging tawag sa kaniya ni Ace. Napaka amo ng muka niya at dimo aakalaing isa palang kanang kamay ng isang mafia. Siya rin ang minsang nakakasama ko kapag wala si Ace at pupunta ako sa ibang lugar. Mukang safe naman ako kapag si Sabo ang kasama ko, mas natatakot pa ako kung si Ace ang kasama ko. Alam ko kasi kung anong kaya niyang gawin. He is so ruthless, manipulative and a powerful devil.
Hindi ko inakalang nag pakasal ako sa isang demonyo. Alam kong kapang pinermahan ko na ang divorce papers ay tuluyan niya na akong ibabasura. Magiging ex-wife at parang walang kasal na nangyari. Wala naman talagang nangyari sa aming dalawa, nag-papasalamat ako dahil ni minsan hindi niyako ginalaw. Alam kong maduming babae ang tingin niya sakin, ni kahit hibla ng buhok ko ay ayaw niyang hawakan.
"I know Mom already told you about the party, pinagbataan niya ako na kapag hindi kita sinama sisirain niya lahat ng mga collection kong sasakyan."
Eh di mas mabuti, para atleast maka bawi naman ako. Sana pala sinabihan ko na si tita Hazel na ayaw akong isama ni Ace para sirain lahat ni Tita ang mga collection niya.
"You're lucky this time, Allyza."
Napa-irap ako sa hangin. Kailan bako naging lucky? Lucky ba yung kasama kami sa party pero parang di kami mag kakilala? Lucky ba yung hindi ka yayaing sumayaw ng sarili mong asawa? Lucky pabang masaktan at makitang iba ang mahal ng taong mahal mo?
"Yeah, so lucky." Wala sa sarili kong sagot.