[Allyza POV] Bumili agad ako ng PT sa pinaka malapit na pharmacy dito sa states, pag dating ko ng bahay ay nakita ko si daddy na naka upo sa sala at may kausap sa phone. Mahinahon akong umakyat patungo sa kwarto ko at pumasok sa banyo. Nanginginig ang kamay ko nang mag lagay ako ng drops ng ihi ko sa bilog na kung saan papatakan ng ihi. Three minutes lang at malalaman ko na ang resulta. Lumunok ako ng ilang beses nang isang linya na ang tuluyang naging pula, halos hindi ako huminga ng dalawang pula na ang lumabas sa PT. “No. . . . this can't be happening.” Nanginginig ang kamay ko ng kunin ko ito sa lababo at tiningnan ng mabuti. Baka expired lang ito. Parang maluluha ako, hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot, halo-halo ang emosyon ko ngayon. Buntis ba talaga ako? Kinuha ko ul

