[Allyza POV]
Past ten o'clock nang dumating ako sa kompanya para hanapin si Dos at ibigay ang niluto kong tanghalian para sa kaniya. Nahihiya pakong pumasok kanina sa lobby dahil lahat sila naka tingin sa akin, iniisip siguro nilang magkasama kami ni Ace. Sabagay ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag si Sofia ang kasama niya papunta rito sa kompanya.
Alam kaya ito ni Tita? Magagalit kaya si Daddy pag nalaman niya? Alam kong ilalayo niya ako kay Ace pag nalaman niya ang tungkol dito.
Huminga muna ako ng malalim at mahinang binuksan ang pinto na kung saan ang office ni Dos, namangha ako dahil sa desinyo ng office nito. Napaka classic at sobrang pulido at linis ng bawat sulok. Infairness ang bango ng office niya, hindi kagaya sa office ni Ace na parang may naiiwang masangsang na amoy, tsk! Alam ko naman kung anong masangsang na amoy ang naaamoy ko sa opisina niya. Umiling-iling ako para mawala ang naiisip, ayoko munang isipin si Ace ngayon.
Hihintayin ko nalang si Dos para maka pag pasalamat ng maayos, sabi ng assistant ni Dos nasa meeting pa siya at eleven pa matatapos ang meeting niya, napaaga lang siguro ako ng dating.
Umupo ako sa malambot na sofa at kinuha ang phone para tumingin-tingin sa IG. Gusto ko munang malibang, nakita kong maraming nag message sa akin at mga friends ko iyon noong college, kinakamusta nila ako. Some are boys who wants to flirt with me, as if. Tsk! Hindi ba nila nakita ang naka lagay bio ko na married nako?
Nakita kong may new story si Sofia kaya agad ko i'yong pinindot. Yun ang malaking pagkakamali ko, it's Ace kissing her on her cheeks while smiling.
Tumulo nalamang ang luha ko, nakakaingit, ansakit, nagseselos ako. Why Ace is so unfair? He never do that to me. Bakit dito ang saya-saya niya? Bakit pag ako ang kasama niya palagi siyang galit.
Pinahiran ko ang mga luha sa mga mata at ini-off ang phone ko.
Narakaramdam ako ng antok kaya naman pinilig ko muna ang ulo ko sa sofa, these past few days was so exhausted at the same time nakakasakit ng puso. Hanggang kailan paba ako magiging miserable? Until I die? Kung ganun din lang naman pwede na siguro akong mamatay ngayon para tapos na agad ang paghihirap ko. I hear the door open kaya agad akong lumingon and I see Dos smiling at me.
"Hey, sorry for waiting."
Agad akong napaayos ng upo.
"No it's f-fine."
"What are you doing here, is there a problem? Did Ace hurt you again?"
Sunod-sunod niyang tanong at umupo sa tabi ko para e check kung may galos or kung may ano man na sign na sinaktan ako ni Ace. Buti pa siya he cares about me, hindi tulad ng lalaking pinakasalan ko!
"Tell me, sinaktan ka ba niya ulit?"
Umiling ako at ngumiti.
"No, Dos. I am here because I wanted to say thank you."
"You're welcome? You sure you're okay?"
"Okay lang ako, n-nandito ako kasi gusto ko lang mag pasalamat about what happened. Ito nga pala, may dala akong lunch for you." I smiled at inilahad ang dala kong lunch box.
I see him smiling at parang di maka paniwala? Ngayon lang ba siya nabigyan ng lunch?
"Wow, this is the first time that someone give me a lunch."
Kumunot ang noo ko, so tama ako, ito ang pinaka una. So it's my pleasure pala dahil ako ang unang tao na nag bigay sa kaniya ng lunch.
Napa tawa ako dahil sa reaksyon ni Dos, para talaga siyang namangha ng buksan niya ang dala ko para sa kaniya. Kitang-kita ko kung gaano siya kasaya. Sana ganito din si Ace kapag nilulutoan ko siya.
"Para talaga sakin to? And how did you know that my favorite is sinigang? Thank you so much for this Ally."
"Nako walang anuman, siyaka pasasalamat ko yan remember? Sige na kumain kana."
"What about you? Dika kakain?"
"I'm already done, don't worry about me. Anyway, mauuna narin naman ako."
Biglang lumungkot ang muka niya.
"Aalis kana agad? Dimo man lang ako sasaluhang kumain?"
Bumuntong hininga ako. Pwede pa naman siguro akong pumunta ng shop ng 12 or 1 pm.
"Sige na nga."
"Yes!! Wait here, I will get us some drinks."
Tumango ako at umupong muli sa sofa. Hinintay ko nalamang si Dos na bumalik.
"Let's eat!!" Nagulat ako sa pag sigaw ni Dos pag pasok nito. Well, he's excited to eat i think?
Natawa nalamang ako sa kaniya. He's funny at the same time a serious man.
Nag kwekwentohan kami habang kumakain, kung ano ang mga gusto naming prutas, dessert, vegetables at kung ano-ano pa, marami din pala kaming pag kakapareho pag dating sa pag kain, and Dos is not picky about foods.
"I like chocolates so much." I said while imagining the chocolates in my mouth.
"Really? Is that so . . . then I will give you some chocolates sometime, but remember chocolates is bad if you eat a lot." He chuckled.
"I know but it's so sweet and deli-"
Naputol ang sasabihin ko nang biglang bumukas ng pag ka lakas ang pinto. Napatingin kami sa lalaking nasa gitna ng pinto.
What is he doing here?
"You're assistant said that you are busy. Busy with my wife, I see."
"Now what?" Kalmadong si Dos. Hindi siya natinag sa parang halimaw na si Ace na naka tingin sa aming dalawa ngayon. Nakakatakot! At bakit ba siya nandito? Akala ko ba busy siya kay Sofia? Kulang nalang dikitan silang dalawa ng glue para dina mag hiwalay. Speaking of hiwalay.
"Wife? Really? Who's the one who give a divorce paper earlier, hmn?"
Kitang-kita ko ang pag igting ng panga niya, napa lunok ako dahil mas lalo itong nainis sa sinabi ko.
"Did you sign already? No? Then you are still my wife."
Pag kasabi nito ay agad niya akong nilapitan at hinawakan sa pulsuhan at hinila.
"Don't you ever hurt her!" Dos said with he's angrily tone.
Muli niyang binalingan Dos at binigyan ng nakakamatay na tingin.
"Stay away from my wife!"
Kinaladkad niya ako patungo sa elevator. Rinig ko pa ang pag tawag sa akin ni Dos, nasaamin ngayon ang attention ng mga taong nandito. Nahihiya ako dahil nakikita nila kaming ganito. Ayokong makarating ito kay Tita, lalo na kay Dad.
"Ano ba! Nasasaktan ako! Binatawan muko!" Pag pupumiglas ko, masakit ang bawat hawak niya sa kamay ko. Feeling ko madudurog yata ang buto ko.
"Ace!! I SAID BITAWAN MUKO!" Sigaw ko at agad niya naman akong binitawan ngunit ang binabatong tingin niya sa akin at parang sinasaksak ako sa puso. Napakatalim!
"What is your problem?! At bakit kaba nandito?" Hinimas-himas ko ang kamay ko na namumula mula sa pag kakahawak niya. Diko namalayan na umiiyak na pala ako.
"What is my problem? Tinatanong paba yan? You is my problem Allyza! Flirting my brother? Tsk! Wala ka naba talagang kahihiyan? Pati kapatid ko papatusin mo? Ganiyan kana ba ka desperada?"
Hindi ko na nakontrol ang galit ko at agad ko siyang sinampal.
"At once Ace, did you really know me? After a two fvcking years of marriage did you. . . even cared about me? Saying those words on me, hurting me, physically and mentally Ace! Mahal na mahal kita e, and fvck this feeling! Now I'm starting to hate you! I want to end this pain anymore! Sana magising nalang ako isang araw na hindi na kita mahal! And I promise you this. . . .once that day came, I will make your life miserable as hell, just. like. you. did!"