Nanatili lang akong yakap ni Xavier habang nakadantay ako sa dibdib niya. Matapos niya akong halikan kanina ay napahikbi ako kaya tumigil siya at agad akong inalo. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi niyang mahal niya ako. Hindi ko alam kung totoo ba talaga yung sinabi niya. 18 years ang tanda niya sakin, kaya hindi ko alam kung tama ba na magkaroon siya ng feelings sakin at ganoon rin ako sakaniya. Natatakot rin akong magkamali dahil baka kaya lang ako ganito dahil sa mga ginagawa niya para sakin. Ayokong makasakit ng tao… lalo na ng mga taong walang ibang ginawa kundi ang maging mabuti, lalo na sakin. “D-dito ka na lang kaya muna magpalipas ng gabi” suwesyon ko haang pinapakiramdaman ang t***k ng puso niya at ang magaan niyang pag hinga. “Kung iyan ang gusto mo, w

