Morisette’s POV Nagisig ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko mula sa salaming bintana ng condo. Tinignan ko ang paligid ko at mukhang wala na si Xavier. Hindi ko alam kung anong oras siya umalis, basta matapos naming maligo ay nakatulog na ako. Tumayo ako mula sa kama at agad na angtungo sa kusina para sana mag handa ng almusal ko pero laking gulat ko ng may makita akong plato sa mesa na nakatakip at ng buksan ko ito ay fried rice iyon na may itlog at pork cutlet. Napangiti ako at agad na umupo, mukhang kaaalis lang niya at nagawa niya pa akong ipaghanda ng almusal. Nagsimula na akong kumain, binilisan ko lang ang pag kain ko dahil na rin baka malate ako sa trabaho, paniguradong pag iinitan nanaman ako ng mga feeling tagapagmana ng kumpanya. Matapos kong kumain ay agad na akong

