Nagsitayuan ang lahat ng mag alarm ang digital clock na nasa pader at alas dose na meaning ay lunch break. Inaya ko na rin si Irene na tumayo pero nanatili lamang itong nakaupo. “Hindi ka ba mag lalunch?” tanong ko. “Ahh… ano kas—” “Oh bakit naka upo ka parin diyan! Simulan mo nang turuan yang new friend mo sa gagawin niyo tuwing lunch!” ani Leilanie kaya sinamaan ko ito ng tingin. “Ano bang problema mo?!” inis kong tanong sakaniya at hinarapan siya, habang ang dalawa niyang kasama ay bahagyang napaatras. “Don’t tell me takot kayo sa bata?” natatawang sabi ni Leilanie sa mga kasama niya at agad naman tumawa rin ang mga ito at sinabing never daw. “Tama na yan! Iwan niyo na mga yan, alam na ni Irene ang gagawin! Let’s go!” sigaw ni Ms. Denielle tsaka na ito lumabas at sumunod naman ang

