“Who sent you?” ulit na tanong ni Xavier habang ang lalaking bihag nila ay tila masaya pa sa bawat saksak na natatamo niya at hindi talaga nagsasalita.
Nakita kong sumenyas ulit si Xavier kay Joseft at isa nanamang saksak ang tinamo ng lalaki sa braso.
Sobrang lakas ng sigaw nito dahilan para takpan ko ang tainga ko, pero pag napapansin kong tumitigil siya sa pag sigaw ay agad ko ring tinatanggal ang kamay ko sa tainga ko.
Nanlaki ang mata ko ng biglang madako ang mata ng lalaki sa pintuan kung saan ako nakasalip kaya agad akong napaatras at sumandal sa pader. Kita ko pa ang pag ngisi niya bagao ako tuluyang makatago.
“Ibalik nyo na lang yung babae, dahil pepestehen ka ni Don Velasco kapag hindi mo ibinalik sakaniya ang pag aari niya” dinig kong sagot ng lalaki kaya muli akong napasilip at kita ko ang pag kuyom ng kamay ni Xavier at nagulat ako ng may lumapit sakaniya at may kung anong inabot rito.
“Edi pestehen niya ako, tulad mo kung sino man ang ipapadala niya dito mahuhuli rin ng mga tauhan ko at mamamatay gaya mo!” tawa ni Xavier at bigla nalang tinutok ang baril sa lalaki na nakangisi lang sabay kalabit ni Xavier sa gatilyo at wala man lang tunog yun pero deretsyong binutas non ang noo ng lalaking nakaupo sa upuan na nakatali at wala ng buhay.
Napaatras ako at nagtatakbo palabas para umalis, nanlalabo man ang paningin ko dahil sa luha ko ay patuloy lang ako sa pag takbo hanggang sa bumangga ako sa isang matigas na bagay dahilan para bumagsak ako sa sahig.
Pag angat ko ng tingin ko ay halos panlamigan ako ng buong katawan dahil isa sa mga tao ni Xavier ang nabangga ko.
“Saan ka pupunta?” tanong nito habang salubong ang kilay na nakatingin sakin.
“Tatakas ka?!” saad pa niya kaya napaatras ako habang umiiling. Humakbang siya palapit sakin at nagulat ako ng bigla niya akong bitbitin at sa buhok niya ako hinawakan kaya hinawakan ko ang kamay niya para bitawan ako.
“Bitawan mo ko! Nasasaktan ako!” pagpupumiglas ko pero mas hinigpitan niya pa ang hawak sa buhok ko at halos i lampaso na niya ako sa sahig.
“Boss!” malakas na sigaw nito
“Bitawan mo ko! Nasasaktan sabi ako!” asik ko pa pero tumawa lang ito at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa buhok ko at parang pati anit ko ay malalagas na.
“Alam mo bang pinaka ayaw ni boss e yung tumatakas… paniguradong malalagot ka sakaniya ngayon” tawa nito na ikinakaba ko. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa niya kanina doon sa lalaki na parang wala lang sakaniya nang barilin niya it, at natatakot akong baka pati sakin ay gawin niya iyon… jusko!
“Boss!” tawag pa ulit nito habang ako ay pinipilit na magpumiglas para bitawan niya hanggang sa mapahinto ako ng makita si Xavier na lumabas sa kuwarto kung saan niya pinatay ang lalaki, hawak pa rin niya ang baril niya kaya doon lang ako nakatingin.
“Nahuli ko tumata—ahhh!”
“Ayyy!”
Sabay kaming napasigaw ng nakahuli sakin nang bigla nalang barilin ni Xavier ang kamay ng nito kung saan niy hawak ang buhok ko, nalasahan ko pa ang dugo nito dahil tumalsik ang dugo sa mukha ko. Nang mabitawan ako ng lalaki ay sakto naman ang bagsak ko sa sahig at nanginginig na nakatingin lang sa kamay nitong napakaraming dugo.
“B-boss… anong…ahh” daing nito habang hawak ang braso nya ng isa niyang kamay.
“Who told you that you have the rights to hurt her?! Damn you! Gusto mo ba ako ang manambunot sayo!” sigaw ni Xavier dahilan para mapayuko ang lalaki.
“Are you okay? May masakit ba sayo?” tanong sakin ni Xavier, pero nanatili pa rin akog nakatulala lang habang lumuluha, ayoko siyang tignan pakiramdam ko pag tumingin ako sakaniya… pag tumingin ako sakaniya mawawala ako sa sarili.
“Joseft! Bring Dante to clinic!” sigaw ni Xavier ng buhatin niya ako at deretsyo na siya lakad pahagdan at humakbang ito paakyat sa kuwarto kung nasaan ako kanina.
“Did i scare you?” dinig kong bulong nito sakin pero nanatili lag akong tahimik hanggang sa makapasok kami sa kuwarto at diretsyo niya akong inihiga sa kama.
“Is it true that you’re trying to escape?” mahinang tanong nito pero nanatili pa rin akong tahimik.
“Goddamnit! I’m asking you!” sigaw nito kaya napaigtad ako at muli nanamang pinanlamigan ng kamay at muling namuo ang luha sa mga mata ko.
“G-gusto ko ng umalis dito!” hagulhol ko ng magkatitigan kami, kita ko ang paglambot ng ekspresyon niyang kanina ay galit na galit kaya nagpatuloy lang ako sa paghagulhol
“Ayoko na dito… m-mga mamamatay tao kayo! Ayoko dito! Mamamatay tao kayo—”
“Shhh! I’m doing it to protect you! Hindi ka ba masaya na may gustong promotekta sayo?” tanong pa nito at hinawakan ako sa magkabilang pisngi ko habang ako ay paulit ulit lang ang pag iling dahil hindi ako makapaniwala sa inaasta niya.
“Please… ayoko dito” pakiusap ko pa.
Napapikit ako ng hawiin niya ang mga buhok na nagdikit sa noo ko dahil sa pawis at nagulat pa ako ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko kaya napamulat ako ng mata.
“Hindi ka pwedeng umalis sa poder ko, they are hunting you. Pag labas mo pa lang ng barrier ko may dudukot na agad sayo” saad nito sakin kaya parang nanlambot ako bigla.
“Don’t worry, after i deal with Velasco… i promise, bibigyan kita ng mas maayos na tirahan, sayo lang, ikaw lang mag isa.” saad nito sakin habang nakatitig sa mata ko.
At sa paniniwala ko, nagsasabi ng totoo ang isang tao kapag nagsasalita ito habang nakatingin sa mata mo.
“Panghahawakan ko yang pangako mo” saad ko at niyakap niya ako ng mahigpit.
Sana lang talaga tumupad siya… sana lang talaga ay totoo ang sinasabi niya.