Napangiwi naman ako sa naging reaksyon ni Ate. Kaya lumayo ako ng kaunti sa kanya. Dahil alam ko kahit hindi ko sabihin alam na niya. "Baki---."pinutol ko na kung ano man ang sasabihin niya. "Oo, Ate. Kung anuman ang nasa isipan mo. Iyon nga iyon." tinaasan niya ako ng kilay at hinampas ang braso ko. "Ouch!" daing ko dito dahil sa lakas ng hampas niya. "Kulang pa iyan." saad nito sakin."Naku ka! biniro lang kita kagabi na hahanap tayo ng Papa ni Edriel. At ginawa mo talaga." asar na saad nito. Parang gusto niya pa kong sabunutan dahil sa pinaggagawa ko. I sighed. "Sorry, Ate. Hindi ko din alam nangyari." nakayukong saad dito. "Anong hindi mo alam?" ang tawa niya ay halatang makakasakal dahil sa inis. "Alam mo bang ire-report ko na sa mga pulis na nawawala ka." nakapamewang na ito sak

