Chapter 33 - Speak Up

1130 Words

Naging matindi ang panginginig ng katawan ni Lindsay. Halos wala na siyang maintindihan sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Ang pagsulpot ng kanyang amain ay ang pinakamalaki niyang bangungot. Ngunit sa tuwing naroon na siya sa sitwasyon ay hindi pa rin niya mapaniwalaan. It was like reliving the pain all over again. Habang sapo ng matanda ang mukha ay mabilis naman siyang hinawakan ni Alex sa kamay. Akma na sana siya nitong hihilahin palabas ng campus ngunit sabay silang napatigil nang magsalita si Reynaldo. "Where do you think you're going?" madilim na tanong nito habang nagpupunas ng dugo sa labi. Napaharap si Alex sa kanyang amain habang madilim ang ekspresyon. Awtomatiko naman siyang napatago sa likuran ni Alex. Takot na takot pa rin siya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD