Chapter 38Changes "Can you explain what I just saw earlier?" Natigilan ako at nanigas sa aking kinatatayuan. Napalunok ako ng ilang beses at sobrang bilis ng puso ko dahil sa kaba. Nakatayo si Kuya sa may pintuan habang nakakrus ang kaniyang braso sa kaniyang dibdib. Seryoso siyang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa kung ano mang pinapahiwatig ng tingin niya. "K-Kuya." "Get in. You have a lot of explaining to do." Kinakabahan akong sumunod sa kaniya sa loob ng bahay. Anong gagawin ko? Kahit hindi niya ipakita ay alam kong galit siya. Dapat ko na bang sabihin ang totoo? Pero wala na akong lusot kung magsisinungaling pa ako at saka baka kapag hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo ay mas lalo lamang siyang magalit sa ‘kin. Dumiretso siya sa living room kaya sumunod lang ako at umupo k

