Chapter 4What the Hell?
There’s an awkward silence floating around the room, it’s suffocating. I can’t even lift my spoon and fork while sitting with them at the dining table. Wala silang ginawa kundi ang tumitig sa ‘kin na para bang gusto nila akong patayin.
Siniko ko sa tagiliran si Van. Siya dapat ang nasa dulo ng table ngunit gusto niya raw na katabi ako kaya naman hindi okupado ang dalawang upuan sa magkabilang dulo ng dining table.
Napatingin naman ang limang bampira dahil sa ginawa ko. What now? Nakakamatay ba ng bampira ang pagsiko? At bakit ba sila ganyan makatingin? Kung makaasta naman sila parang ginto si Van at sobrang iniingatan!
“You’re right, Kisha. They treat me like a gold–wait no, they treat more than a gold. Ganyan sila tumingin kapag nakikita nilang may ginagawang masama ang isang tao sa ‘kin.” Binasa na naman niya ang nasa isip ko.
“Ano ba’ng ginawa ko?” bulong ko sa kaniya kahit na alam ko namang nadidinig pa rin nila akong lahat sa talas ng pandinig nila.
“You didn’t do anything wrong. Hindi lang sila sanay na may sumisiko o kaya nama’y sumasagot sa ‘kin nang pabalang,” aniya na mukhang proud na proud sa katayuan niya sa buhay.
Naningkit ang aking mga mata dahil sa kaniyang sinabi. “Ano ka ba nila, hari?” I clicked my tongue. “Sasagutin kita sa kahit anong gusto kong paraan at sisikuhin kita hanggang sa gusto ko.”
To my surprise, he laughed. Umalingawngaw ito sa buong dining hall. Dahil sa pagtawa niya, napatingin ang mga bampira sa gawi naming dalawa.
"Can you leave us alone for a while?" Isa itong tanong pero alam naming lahat na isa itong utos.
"Young Master, hindi po namin kayo puwedeng iwan sa babaeng iyan!" sigaw nu’ng babaeng bampira. Ibang klase ang kagandahan niya ngunit mas nangibabaw ang disgusto sa kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.
Magsasalita pa sana ang iba ng lumipad ang limang tinidor sa harapan ng limang bampira at tumusok iyon sa lamesa. Nagulat kaming lahat sa ginawa ni Van.
“Hindi ba kayo makaintindi ng utos? Sa susunod na sasalungatin ninyo ang gusto ko, tatarak na ang mga tinidor na ‘yan sa sintido niyo.” Malamig ang kaniyang boses na siyang nagdala ng kilabot sa aking balat.
"Patawad po," sabay-sabay nilang sabi at nag-bow sa harap ni Van. Tuluyan na silang lumabas na walang nagsasalita.
Tumingin ako kay Van na ipinagpatuloy lang ang pagkain. Sinuntok ko siya sa braso.
"Ang sama naman nu’ng sinabi mo!"
"What? Ayaw ko na sila dito, eh."
"Hindi ba sila nasasaktan sa sinasabi mo? Nagsisilbi sila sa ‘yo pero hindi mo sila binibigyan ng respeto."
"Noble Vampires are bound to serve me, bound to risk their lives to protect me and bound to stay at my side forever. They don’t have the right to complain about what I want. The only thing they have to do is to follow my orders."
"Noble?"
"Sila ang mga kalahating bampira at kalahating tao na bampira. Nabuhay sila para pagsilbihin ako."
Sino ba talaga kasi siya? Bakit parang ang laki ng katrayuan niya sa mansyo na ito? At kung sia siyang sort of hari or master nila, eh, bakit kailangan niya pang pumasok sa school at mag-act na parang normal na tao?
"Baka kapag sinabi ko magulat ka." Nginisian niya ako.
"Will you please quit reading my mind?!"
“I’m sorry, it’s hard to do when you keep on making cute expressions.” Sinimangutan ko siya lalo. “But I’ll try to avoid reading your mind.”
"Bakit ba hindi mo na lang sabihin sa ‘kin kung ano ka para hindi naman ako nanghuhula?"
Humalumbaba siya sa lamesa habang nakatingin sa ‘kin. "I'm a Pure Blood Vampire. I’m the greatest vampire of all vampires. I'm the strongest and the most respected. Ako na lang ang natitira sa lahi ng mga Pure Blood kaya ako ang namamahala sa lahat ng bampira."
Kung gano’n hindi siya basta-basta na bampira? What have I gotten myself into?!
"Pero ‘yung bampira na umatake sa ‘kin kanina, bakit parang hindi mo sila mapigilan?"
"Sila ‘yung mga bampira na kabilang sa isang organisasyon na gusto akong palitan sa aking posisyon. Hindi ko puwedeng sabihin sa ‘yo dahil baka mapahamak ka. Kapag kaunti pa lang ang alam mo, mas maliit ang posibilidad na mapahamak ka."
Hindi ako sumagot sa kaniya dahil pinoproseso pa ng utak ko ang kaniyang mga sinabi. Alam kong delikado ang mapalapit sa kaniya pero nai-imagine ko na laban na puwedeng mangyari sa pagitan ng organisasyon na ‘yon at sa panig ni Van.
Natawa na lamang siya. Mukhang binasa na naman niya ang nasa isip ko.
Tumayo siya at hinawakan ang braso ko. Bago pa ako makapagsalita ay hinila na niya ako palabas ng dining hall.
"Teka, saan tayo pupunta?"
Paakyat kami ng hagdan. Ngayon ko lang napansin na pang-Renaissance ang design ng mansion. May red carpet pa ang hagdan at sa ceiling ay mga nagkikintabahn at naglalakihang chandelier.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Hinila na lang niya ako hanggang sa makarating kami sa balcony.
“Wow,” I breathed.
Mula rito sa balcony ay kitang-kita ko ang malawak na garden. May malaking fountain sa gitna at mga bulaklak sa buong garden. Parang bigla akong napasok sa isang paraiso. Nag-expect ako na magiging gloomy at nakakatakot ang tirahan niya pero ibang-iba ito sa inaakala ko.
"Nagustuhan mo ba?" Kinilabutan ako dahil sa hininga niyang dumampi sa leeg ko. Nasa likudan ko siya at sobrang lapit niya sa ‘kin. Nanigas naman ang buo kong katawan, hindi ako makagalaw, hindi rin ako makahinga dahil sa presensya niya. Bakit ganito ang epekto niya sa ‘kin?
Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil masyadong okupado ang aking isip.
“You should sleep.”
Humarap ako sa kaniya na ngayon ay nakangiti na sa ‘kin. Vampire’s beauty is really something else.
"Good night, my Queen." Bago pa ako makapag-react sa sinabi niya ay mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at naglaho na lang siyang parang bula.
Napahawak na lang ako sa pisngi.
What the hell?
Papasok na sana ako sa kwarto para magpahinga pero naramdaman ko ang malakas na hangin. Pamilyar ito sa ‘kin. Bigla akong kinilabutan at dahan-dahan akong tumingin sa likudan ko.
"Kayo lang pala." Nagpakawala ako ng malalim na hinga. Nandito sa balkonahe ang mga nobles. Ano kayang kailangan nila sa ‘kin?
“Bago naming sabihin ang talagang ipinunta naming dito ay magpapakilala muna ako.” Humakbang palapit sa ‘kin ang bababeng bampira. Masama pa rin ang tingin niya sa ‘kin. “Farrah Collins.”
Sunod namang nagpakilala sa ‘kin ang isang lalake na katabi ni Farrah. Mukhang siya ang pinakamabait sa kanila. “Pagpasensyahan mon a si Farrah kanina sa dining hall, ha?” Inirapan siya ni Farrah. “By the way, I’m Kiel Robert.” Ngumiti siya nang malapad.
"Zick Claw here," sabi ng matangkad na lalake na mukhang hindi maalam ngumiti. Napakaseryoso ng kaniyang mukha.
"Hi, Kisha! I'm Jack Williams! Nice to meet you!" ginantihan ko lang siya ng isang ngiti.
"Hello, Jick Williams, his twin!"
Namangha ako habang nakatingin sa kanilang dalawa. Identical twins sila kaya kung hindi mo sila kilala, hindi mo malalaman kung sino si Jick at Jack sa kanilang dalawa. Ngayon pa lang ay nalilito na ako.
Ang ganda at gaguwapo nila. Hindi siguro talaga uso ang salitang “panget” sa mga bampira. Para silang mga nilalang na nakainom ng fountain of youth.
I awkwardly smiled at them. I don’t know why but I felt like they don’t really want me here. “Ikinagagalak ko kayong makilala.” Bahagya akong yumuko. “Ano nga palang kailangan niyo sa ‘kin?”
Mas lumapit pa sa ‘kin si Farrah. Mapula ang kaniyang mga mata at kitang-kita rito ang galit. Ano ba’ng nagawa kong masama? Bakit parang galit na galit siya sa ‘kin?
"Masaya ka siguro na naloloko mo ang Young Master naming, ‘no?"
Napapitlag ako sa kaniyang sinabi. "Anong sinasabi mo?"
Mukhang mas lalo siyang nagalit sa naging tanong ko. "Lapastangan kang nilalang ka! Wala kang karapatan na sagutin at paglapatan ng kamay si Van! Ni hindi ko nga siya mahawakan tapos ikaw na tao lang nahahawakan mo siya kahit kailan mo gusto?! Mas magaling pang mamatay ka na!"
Hindi ko alam kung bakit hindi ako natatakot. Siguro ay alam ko na ang dahilan kung bakit galit na galit ang babaeng ito sa ‘kin. "Jealous?" maikli pero malaman kong tugon sa kaniya kaya mas lalo siya nagalit.
Hinawakan niya ang braso ko nang mahigpit na halos bumabaon na ang kuko niya rito. Hindi ko ipinakita na nasasaktan ako. Ayaw kong ipakita sa kaniya na pangkaraniwan lang akong tao.
"Tama na ‘yan, Farrah. Baka malaman ito ni Young Master," pagpigil sa kaniya ni Kiel.
" ‘Wag kang makealam dito, Kiel!" Ibinaling ulit ni Farrah ang tingin sa akin. "Layuan mo na si Van!"
Kalmado akong tumingin sa kaniya. “Wala akong kinalaman sa kung ano mang nararamdaman mo para kay Van. Kung may dapat kang kausapin dito, hindi ako ‘yun kundi siya. Siya na mismo ang nagdala sa ‘kin dito.” Hindi ko inalis ang aking tingin sa kaniyang mga mata. “Kung patayin mo man ako ngayon, siguradong susunod ka na rin naman sa bangkay ko dahil oras na malaman ni Van, alam kong hindi niya patatahimikin ang kaluluwa mo.”
Mas lalo siyang nagalit dahil sa aking sinabi. Ang pula niyang mga mata ay mas lalong pumula at mas lalong humaba ang kaniyang mga pangil. Itinaas niya ang kamay niya para sampalin ko. Alam kong wala na akong kawala kaya pumikit na lang ako at hinintay ang paglagapak ng kamay niya sa pisngi ko.
Nagtaka ako nang makarinig ako nang malakas na lagapak ngunti hindi ‘yon nanggaling mula sa ‘kin.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko si Farrah na nakaupo sa sahig habang sapo ang kaniyang pisngi. Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata habang hindi makapaniwalang nakatingin sa gumawa nito sa kaniya.
"Nabalaan na kita Farrah. Oras na hawakan mo si Kisha mapapatay kita!" puno ng galit ang boses ni Van.
"P-Patayin niyo na lang po ako Y-Young Master."
Nagulat ako sa sinabi ni Farrah. Nababaliw na ba siya? Para lang dito ay mas gugustuhin niya pang mamatay?
Lumapit sa kaniya si Van. Itinayo niya si Farrah gamit ang paghawak sa leeg. Sinasakal ni Van si Farrah at kitang-kita ko kung paano siya nahihirapan. Nanonood lamang ang apat pa niyang kasamahan na para bang wala lang sa kanila, pero sa ‘kin ay hindi. Ayokong may nakikitang namamatay lalo na't dahil ito ngayon sa ‘kin.
Hinawakan ko ang braso ni Van para kunin ang atensyon niya.
"Tama na ‘yan, Van."
He hissed. "Hindi pa ako tapos–"
"Tama na 'yan sabi eh!"
"Kisha, papatayin ko na–aray!” Hinawakan ko ang tainga niya at hinila siya papalayo kay Farrah. “A-a-aray naman! B-Bitiwan mo nga ako!"
"Kapag sinabi kong tama na, tama na! Hindi mo na siya kailangang patayin!" bulyaw ko sa kaniya. Hindi ko pa rin inaalis ang pagpingot ko sa kaniyang tainga.
"Bakit ba?!"
"Mahalaga ang buhay, Van” Tiningnan ko si Farrah. “Pati rin sa ‘yo, Farrah. Hindi naman ako galit dahil sa ginawa mo. Naiintindihan kita, pagpasensyahan mo na itong Young Master mo masyado lang talagang pasaway." Tumungo lamang si Farrah at ibinaling ko naman ang tingin ko kay Van. "Matulog ka na," utos ko sa kanya at binitawan ko ang tainga niya na namumula na.
"Matapos mo kong saktan?" nakangusong tanong niya.
Napatingin naman ako sa limang Noble Vampires na kasama namin ngayon sa balcony na gulat na gulat habang nakatingin kay Van.
" ‘Wag kang maarte, matulog ka na."
Yumakap siya sa ‘king baywang. "Samahan mo ko."
Itinulak ko siya palayo sa ‘kin. “Ano ka? Baby?”
He smiled sweetly. "Yes, I'm your baby"
"Ang corny mo!"
"Halika na kasi!" Sinimulan na niya akong hilahin pero bago pa niya ako muling mahila ay tumigil ako sa paglalakad.
“Farrah, hindi mo naman kailangang magalit sa ‘kin. Puwede mo naman akong maging kaibigan.” Ngumiti ako sa kaniya ngunit iniiwas lang niya ang tingin niya sa ‘kin. “At sa inyo ring apat. Sana ‘wag kayong magalit sa ‘kin.” Nginitian ko lang din sila hanggang sa tuluyan na akong nahila ni Van.
Wala namang masama kung magkasundo-sundo kaming lahat.