Part Forty Two Alphas Sa kadiliman ng gabi, naaninag ko sa balkonahe si Creator. Galing ako ng kusina para uminom ng tubig, pabalik na sana ng kwarto ng magawi ang tingin sa balkonahe. "It's already midnight. Why are you still up?" He said without looking at me. Sumandal ako sa hamba ng pinto at ipinagkrus ang mga braso. "What did you do to Althea?" After what happened, he ordered his men and they took Althea. Masyado pa akong gulat sa mga nangyari kaya hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari. Pati si Llana, hindi na napigilan ang pagkuha nila kay Althea. "Don't worry. I won't hurt her." Huminga ako ng malalim, nagdadalawang isip kung babalik na ba sa silid ko o lalapitan sya. I chose the latter without even thinking. I don't know but he sounds so sad, he's like... Mourning. Ayaw

