Part Four
Bonfire
Matagal bago nya ako pinakawalan, kahit ng magmakaawa ako. Nong nagalit na ako ay don nya lang ako tuluyang binitawan. Kahit hindi pa masyadong nakababawi sa nangyari ay kahit pa paano ay nakahinga na rin ako pero hindi pa rin tulad ng dati. I actually forgot about that if it's not only in that letter.
"Maybe it's just a prank." I concluded, forcing myself to believe in that too.
Maybe some of my classmate who hates me did that. Iyong mga nasapawan ko sa laro?
"Prank?" He boomed as his jaw tightened even more and his eyes darkened with intense anger. "Someone f*****g wants you dead and that is a f*****g prank?"
"Let me see the letter,"
Umatras sya kasabay ng pag-iwas ng kamay mula sa'kin.
Pinandilatan ko sya. "Kingrand!"
He sigh heavily, wala ng nagawa ng kunin ko ang sulat mula sa kamay nya. I fixed the letter and it's still readable. Like the first time I received a letter like that, it scares me even more.
A bouquet for you! Don't worry, madadagdagan pa ito... Once you're dead!
"Don't go." He pleaded.
"No!" Puno ng pagtanggi kong sabi. "This will not stop me from going."
"Hindi kita mababantayan---"
Nagtaka ako ng hindi sya magpatuloy embes ay sunod-sunod na lang na nagpakawala ng marahas na mura. Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang sya.
"Maybe someone just wants to scare me or someone wants to make fun of me." I trailed off.
I even thought of Agatha or the two girls who bumped me earlier today or the girl who always stares at me strangely but that's absurd. I don't want to accuse them just because they only treated me like that. At isa pa, kung sila nga iyon siguro naman mananatili silang malayo sa'kin at hindi gagawa ng ikahihinala ko. Right?
Sinabayan nya ako sa paglalakad hanggang sa bahay, nang silipin ko sya sa bintana ng kwarto ko ay nandon pa rin sya sa harap habang hawak-hawak ang bulaklak. Sa ayos nya, mukha syang aakyat ng ligaw. Napailing na lang ako, kinagat ang labi para hindi matawa sa iniisp. Nang magawi sa'kin ang kanyang tingin ay iniangat ko ang kamay para itaboy sya. I pressed my lips together, suppressing myself not laugh when I saw how he furrowed his brows with so much disapproval.
Napapiksi ng biglang tumunog ang cellphone ko. It's unknown number. When I gazed at him, he's now holding his phone. Mabilis na tumahip ang puso ko habang nakatitig sa kanyang mata at itinapat ang phone sa tenga.
"I don't remember that I gave my number on you." I whispered.
"Matagal ng nasa akin, Cassandra." He said meaningly.
Napailing na lang ako, kinagat ang ibabang labi at mayabang na ngumisi.
"So, what are you going to do with that?" Inginuso ko ang hawak nyang bulaklak.
"What? You're still interested with this?"
Muntikan na akong matawa sa nakitang galit at iritasyon sa kanyang mukha pero pinigilan lang ang sarili dahil baka mainis lang sya lalo.
"I will give you flowers everyday then!"
I felt this butterflies in my stomach and my heart thudded violently that making me hardly breathe. And the brute smirked when I stayed silent. I didn't take that seriously though even there's a part of me that hoping he's going to do it.
You are really going to the bonfire?
Iyon ang nabungaran ko sa cellphone pagkagising kinabukasan, naalimpungatan at nagtaka pa noong una at magre-reply sana kung sino iyon nang mabasa ulit ang sunod na text.
They will have lake party first then after that, the bonfire.
Ngumisi ako at tuluyan ng nagising ang diwa, hindi ko pa kasi nai-si-save ang number nya. Yes, I will go, Kingrand, and I will wear bikini's. I want to reply that to him but it's inappropriate. Like the hell, Ash? Ano namang pakealam nya kung mag-suot ka ng bikini.
Oh! It'll be fun then!
I replied that to him before I saved his number. Walang pasok ngayon para ipagdiwang ang bonfire. They say, it's a tradition in Arlan University to start the school year with flaming abundance and blazing tranquility.
"Stop glaring at Rourke," my ten years old brother, Ethan whined.
We're having breakfast at magkaharap kami sa mesa samantalang ang aso nya ay nasa kanyang tabi naman at kumakain ng sariling pagkain. Gross! I can't even swallow my food properly. Ugh! I really hate dogs. They're so clingy, annoying, noisy, messy creature.
Umikot ang mata ko saka sinipat ang phone. Wala pa ring reply mula sa kanya. Maybe he's busy!
"You're waiting for your boyfriend's text?"
Pinandilatan ko ang kapatid. "Okay! Stop there, Warrior! I'm not waiting for his text and he's definitely not my boyfriend."
Why do I sound so offensive? Ngumisi lang sya na mas ikinainis ko. Why do he needs to looked like dad? Ang hirap nya tuloy awayin at saktan, not that I'm intending to hurt him physically. Even at the age of ten, kitang-kita na ang karisma at kagwapuhang taglay nya. Ilang panahon na lang, siguradong may ipapakilala na itong girlfriend sa'min.
"Why did you name your dog Rourke? She's a girl, Ethan." I continued eating my breakfast.
Ngumuso sya. "Why is your nickname Ash? You're still a human, Ate."
Tinawag pa talaga akong ate. Napakagalang talaga.
"Anyway," bumaba sya sa kinauupuan at sumunod naman sa kanya si Rourke. "If you don't have a boyfriend, sino pala iyong nagpadala ng bulaklak? Dapat pala binasa ko iyong letter."
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya, magtatanong pa sana pero tumakbo na sya palabas ng kusina. Walang galang na bata. Tumayo ako para tawagin sya ng mapansin ang malaki at magandang bouquet of yellow and white tulips sa center table sa sala. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang palapit don. Umupo ako sa sahig dahil siguradong mahihirapan akong buhatin iyon, kinuha ko ang letter at binasa.
Take care! - KAS
My brows creased, and who the hell is KAS?
Palabas na ako ng bahay ng makatanggap ng tawag mula sa kanya. Agad ang pagsalakay ng kaba sa'kin na ang nagawa lang ay titigan ang pangalan nya sa cellphone hanggang sa tumigil ang tunog ay parang don lang ako nabalik sa huwisyo. I rubbed my forehead and ran my hand through my hair. Then my phone beeped again.
Shit!
Mabilis ko iyong sinagot at nagpamulsa sa suot na bomber jacket.
"Hey!" I tried to sound coolly and thank God I succeeded.
Nangangati na nga ang labing tanungin sya kung sya ba ang nagpadala ng bulaklak pero pinigilan ko ang sarili. He's Kingrand not KAS!
"You're going?" He mumbled.
"Hmm! Yeah! Why?" I chewed on my bottom lip. "You're not going?"
"Hmm"
I scratched my nose. Why do he sounds like he just woke up from his bed? At parang inaasar ako ng isipan ko dahil bigla ko syang in-imagine na nakahiga sa gitna ng malaki at malambot na kama. Topless. Tanging kumot lang ang tumatakip sa ibabang bahagi ng katawan at ang isang binti naman ay nakalitaw. Namumungay ang mga mata, magulo ang buhok... Damn it! Ash! Stop torturing yourself!
Napalingon ako ng makarinig ng ingay ng gulong at nakita ang papalapit na pickup truck. Tumigil iyon sa gilid ko at nakita si Bryan sa passenger seat. May mga babae at lalaki naman silang kasama sa likod.
"Hey! Ash, sabay ka na sa'min."
"Sandali lang!" Ngumiti ako saka sila tinalikuran para kausapin si Kingrand.
"Go on, just don't drink too much and... Enjoy!" He drawled.
Bumuntong hininga ako saka ibinulsa ang phone. May dalawang lalaking naglahad ng kamay sa'kin, nang makataas sa likuran ng pickup ay mabilis iyong umandar saka sila nagsigawan at kantahan. Malayo pa lang kami sa lake ay dinig na ang lakas ng sigawan at sound system. Kalat na ang mga estudyante sa paligid, ang ibang mga babae ay naka-bikini na lang at ang mga lalaki naman ay naka-shorts na lang.
Bryan offered his hand at me but when I'm about to accept it, bigla na lang nyang hinawakan ang bewang ko saka ako binuhat pababa ng pickup.
"Hmm, thank you!" Itinawa ko na lang ang nararamdamang pagkailang.
Tumawa lang din sya saka hinubad ang shirt bago tumakbo at tumalon sa lake. I screamed and raised my hand to give him a thumbs up. Napailing na lang saka napagpasyahang maglakad-lakad.
"I suggest, juice muna ang inumin mo!"
Magsasalin sana ako ng gin sa pulang cup ng marinig iyon, sinipat ko ang babae at tumaas ang kilay ng mamukhaan ito. Sya iyong babaeng strange kung makatitig. She has a black curly hair, seryoso pero magandang mukha, balingkinitang katawan and maybe we're in the same height. She's wearing tee dress that she partnered with leather jacket and boots.
"Para hindi ka agad malasing," patuloy nya at sya na mismo ang kumuha ng juice at nilagyan iyon ng tatlong ice cube bago inabot sa'kin.
Tumikhim ako at kinuha iyon. "Well, thank you!"
"I'm Llana by the way," she said. "And yeah! You're Ash!"
Inunahan nya na ako bago ko pa masabi ang pangalan ko. I chuckled.
"Wanna walked around?" She offered, she sounds uncertain and slightly afraid.
I sipped my juice before I nodded. "Sure!"
"You'll swim?" Tanong nya.
Umiling ako kahit nagtataka na sa katatanong nya. "Wala akong dalang pamalit? Ikaw?"
Sunod-sunod syang umiling. "I'm not here for that."
"So you're here to get drunk then?"
"Hindi rin. Bakit? You're planning to get drunk?"
"That's actually my goal when I said yes to my classmates. I want to get wasted, to have some fun but..." I paused.
Hindi ko alam kung ano ang idudugtong don dahil hindi ko rin alam kung bakit nagbago ang isip ko. I already have a plan on this day. But my mind changed and I don't know why.
"But you changed your mind." Isinatinig nya ang gumugulo sa utak ko. "It's okay. You can still enjoy the bonfire without swimming and not getting drunk. Mas mag-e-enjoy ka pa nga dahil hindi ka lasing!"
"You're definitely right! Where have you been all this time?" I joked.
Natawa na rin sya. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Natatawa sa mga lumalangoy sa lake at umaarteng nasusuka pag nakakakita ng naghahalikan. There's a lot of activities and games everywhere. May mga kumakanta sa ginawang mini-stage, kahit hindi kagandahan ang boses ay walang pipigil sa'yo. May nagsasayawan at nag-iinuman naman na.
Nagulat ako ng biglang may humila sa'kin na babae. Nagkatinginan kami ni Llana, umiling na lang sya. Mukhang alam na kung ano ang susunod na mangyayari.
"Dare lang 'to ah!" Si Bryan na namumula ang mukha at amoy alak na.
"Gago! Siguradong tuwang-tuwa ka naman."
Nakangiwing ngumiti ako ng mapantanto na kung ano ang nangyayari. They're playing truth or dare and great, isa ako sa dare!
"Smack lang naman, Ash." Sabi nong babaeng humila sa'kin.
Nagkamot ng ulo si Bryan at ngumiti sa'kin, humihingi ng paumanhin ang kanyang mga mata. Para matapos na ay tumango na lang ako dahilan para maghiyawan sila at ibugaw pa lalo sa'kin si Bryan.
"Sorry! Sila kasi!" He uttured.
"Anong kami?"
"Ilunod ka namin sa lake eh!"
I folded my arms and raised my brows. Napabuga sya saka bumaba ang mukha sa'kin, ang akala kong smack lang ay hindi nangyari. He kissed and even bit my lower lip. Sa sobrang gulat at hindi ko iyon inaasahan, I slightly pushed him. Naghiyawan pa lalo sila at napansin kong nakatutok sa'min ang mga cellphone nila.
Lumarawan sa mukha ko ang gulat ng lumagpas sa likod nya ang tingin at matanaw sa di kalayuan si Kingrand habang nakatingin sa direksyon ko. Even though he's wearing baseball cap and hoodie, I know it's him. His lips, nose, height, sturdy physique and stares. I know it's him.
"Ash---" Bryan tried to come closer to me but I ignored him.
Nilagpasan ko sya at mabilis na naglakad ng makitang tumalikod na si Kingrand.
"Holy s**t! Biglang namatay ang phone ko!"
"Sa'kin nga nag-hang,"
Dinig ko pang reklamo ng mga kaibigan nya pero patuloy lang akong naglakad but a hand grab my arm making me stopped from walking.
"Ash!" May pagaalalang sabi ni Llana. "What's wrong?"
I blink twice, tinanaw ulit si Kingrand pero wala na ito.
Alas-kwatro y media ng magsimulang ihanda ang bonfire. It's not the typical bonfire in a camping site because the woods are bigger, ang mga kahoy ay inilagay sa pabilog na hugis at pinagpatong-patong. Sa open space iyon ginawa dahil siguradong malakilaki ang magagawa nong apoy.
"Arlanians!!! Awoo! Awoo!" A guy screamed in his rough, full and manly voice while carrying a torch and walking around.
It's exactly six in the evening when they turned off all the bulbs and Christmas lights. The woods were even taller than me.
"Dati si Kingrand ang gumagawa nyan!" Bulong ni Llana sa'kin.
Tumaas ang kilay ko, really? What does he looked like then? Does he looked scary too? Manly? I imagined a teenage Kingrand pero ang itsura nya pa rin ngayon ang tumatatak sa isipan ko. How old is he anyway?
"Maliban na lang pag full moon." Malungkot na dugtong nya.
Kumunot ang noo ko, magtatanong pa sana pero nagsalita ulit ang lalaki.
"Why are we here, Arlanians?"
"We're gathering here to celebrate the 119th bonfire!" They screamed in unison even Llana.
"What we asked for?"
"Grant us the light of truth and the illumination of spirit! The fire of abundance and the flame of serenity. "
Ngumuso ako dahil ako lang ang hindi nagsasalita. No one tells me about that. I really feel an outcast!
"What we need?"
"To keep in our hearts the virtues of sacred honor, stay humble with things we achieved, faith inspired courage, patience to all our dilemmas and strengthen our devotion!"
"What we prayed for?"
"Unite us in the bonds of love, trust, peace, amity and kindness with dignity, justice, honor and pride!"
"Who are we?"
"We are Arlanians!!!"
Sa huli na ako nakisigaw. Gamit ang hawak nyang torch ay inilapit nya iyon sa kahoy at nagliyab agad iyon, naghiyawan saka kami sabay-sabay na uminom sa hawak na hawak na cup pagkatapos ay isinaboy ang natira sa bonfire at mas nagliyab pa lalo iyon.
Mas lumakas ang hiyawan at tugtog, mas naging agresibo ang mga estudyante na ipinagpatuloy ang kasihayan kasabay ng unti-unting paglitaw ng bilog na bilog na buwan sa kalangitan. Tila nililiwanagan ang mga taong nagsasaya. Nakakamanghang isipin dahil ang kabilugan ng buwan ay nakatapat sa bonfire. Parang ang usok ng bonfire ay pumupunta sa buwan.
But the full moon looks different tonight, it's bigger. Brighter. Strange. For a second, I thought of Kingrand because he's like the moon too. Unreachable. Mysterious. Unreadable. Too far to reach and too close to break!
Mula sa pagtitig sa kabilugan ng buwan ay napapiksi ako at mahinang napamura ng malipadan ng siga sa bonfire ang kamay dahil sa paglalaro ng dalawang babaeng may hawak na stick.
"Oh! God! Sorry, Ash!" Agad nila akong dinaluhan, nawala ang pagkalasing at mapaglarong mga tawa.
"I-I'm fine!" Umatras ako habang nakatitig sa kamay.
Siguradong magpepeklat iyon. Naghanap ako ng first aid kit saka umupo sa bench, nang lalagyang na ng ointment ang paso ay pinanindigan ako ng balahibo ng makitang wala na iyon sa kamay. I even double checked my hand even my other hand pero talagang wala na iyon. Nasapo ko ang mukha. Ano ba ang nangyayari? Sa kaguluhan at pagtataka ay kumuha ako ng beer at inisang tungga iyon. Napakurap-kurap at bigla na lang napatayo sa kinauupuan ng makarinig ng alulong.
Am I drunk already?
Mabilis kong inilibot ang tingin sa paligid ng mas lumakas pa lalo ang mga alulong. I froze and my breath hitched when I saw two pairs of red eyes at the dark of the woods, I felt this familiarity but I can't directly figure what is it. Kumunot ang noo ko ng mapansing wala ng hiyawan at tugtog at ng lumingon ay nakita ang mga estudyanteng takot na takot at hindi gumagalaw habang nakatitig sa limang wolf sa paligid.