Part Thirty Four First love Katulad ng nakagawian, nag-bus lang ako papunta sa school. Nagmamadali pa at hindi pa maayos na nakakain dahil sa pangaasar nila Althea, nakita kasi nila ang pagbaba ko sa kotse ni Kingrand kagabi at hindi na ako tinigilan sa kakatanong hanggang sa pagtulog. Siyempre, wala akong sinabi dahil wala naman talaga. Hinatid lang ako, bibigyan ko agad ng kulay! At ano rin ang sasabihin ko? Si Kingrand Salvatrix iyon, taga-Arlan. Mayaman, gwapo, bagong member ng board at sponsor sa school. Kaso, may girlfriend na iyon. Maganda, sexy at isang mabait, matalino at magaling na doktora. Though, I really want to tell Althea about him to see her reaction. And her reaction once she see Kingrand. Gusto kong humalakhak. I know Althea Rendalle, sigurong magwawala iyon at mai

