Chapter Three

1351 Words
Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos matanggap si Ivory sa trabaho, simula noong pumasok siya rito ay nakaramdam na siya ng kapayapaan sa bawat gabing lumilipas. “Good morning lola Ris!” nakangiting sambit ni Ivory nang puntahan ng dalaga ang matanda sa kwarto nito. “Good morning apo ko, kamusta ang tulog mo?” nakangiting tanong ni lola Griselda sa dalaga na kasalukuyang hinahawi ang mga mabibigat na kurtina sa kwarto ng lola. “Ayos naman po lola, kayo po? Kamusta ang tulog mo?” nakangiting tanong ni Ivory sa matanda at inalalayan na ito palabas ng kwarto. “Ayos lang din apo, siya nga pala. Uuwi ang isang apo ko rito, baka mag babakasyon ng ilang linggo, makilala mo siya, mabait ’yon, feeling ko bagay kayo ng apo kong iyon.” nakangiting sambit ni lola Griselda, tumawa lang ang dalaga sa sinambit ng matanda. “Si lola talaga oh, pinamimigay mo na ba ako lola?” nakangiting tanong ni Ivory, nakangiting umiling si lola Griselda at tumawa. “Hindi apo, gusto ko lang makilala mo ang apo kong si Blaine, mabait ’yon, medyo masungit minsan.” sagot ni lola Griselda, ngumisi si Ivory at inasikaso na ang umagahan ng matanda. Sa isang linggong pamamalagi ni Ivory sa mansyon, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kapaguran dahil hindi naman mabibigat ang trabaho na ginagawa niya rito, mag luto, kausapin ang matanda wala nang iba. “Ano pong itsura niya lola?” nakangiting tanong ni Ivory para malibang ang matanda na nasa harapan niya. “Gwapo siya apo, makapal ang kilay, kulay abo ang mata, maputi rin siya. Hindi siya mayabang katulad ng ibang mga apo ko pero ayon medyo may pagka masungit pero maaasahan, siya ang naka takdang hahalili sa pwesto ng ama niya sa kumpanya nila, pero pilit pa rin itong gumawa ng sariling kanya, dahil wala raw siyang tiwala sa mga desisyon ng magulang niya.” naiiling na sambit ni lola Griselda. “Mabuti po at naiisipan niyang dalawin ka rito lola?” nagtatakhang tanong ni Ivory sa matanda. “Sa puder ko kasi lumaki ang batang iyon, ang sabi niya. Sa'kin lang daw niya naramdaman yung pagmamahal na hindi maibigay sakanya ng mga magulang niya, ewan ko ba sa mga magulang ni Blaine puro negosyo ang inaatupag. Hindi na ako mag tatakha kung wala nang amor ang batang iyon ss mga magulang niya.” seryosong sambit ni lola Griselda, ngumiti naman si Ivory at inasikaso ang pagkain ng matanda. “Pero at least lola, nandyan ka para sakanya, hindi mo siya pinabayaan. Ikaw po ang pumuno sa pag kukulang ng magulang niya sakanya.” sagot ni Ivory, ngumiti ang matanda at nag simula nang kumain. Kasalukuyang nasa sala si Ivory at lola Griselda ngayon dahil hinihintay nilang dalawa ang pag dating ni Blaine, at ilang segundo lamang ay nabuksan na ang pintuan at pumasok ang isang napaka gandang lalaki na nakita ni Ivory sa tanang buhay niya. “Lola, bakit ang gwapo ng apo mo?” nahihiyang tanong ng dalaga habang nakatitig sa binatang nag mano kay lola Griselda. “Sinabi ko naman kanina, guwapo ang apo ko, welcome home hijo” nakangiting sambit ni lola Griselda, ngumiti ang binata at napako ang tingin niya sa dalagang nakatingin kay lola Griselda habang naka ngiti. “Who is this girl with you lola?” nagtatakhang tanong ni Blaine sa lola niya. “Oh, this is Ivory Rossini apo, isn't she pretty?” nakangiting tanong ng matanda. “Yeah, she's pretty. Hi Ivory” sambit ni Blaine at nilahad ang kamay nito sa dalaga para makipag kamay. “Hello po sir, Ivory po.” nakangiting sambit ni Ivory at kinamayan ang binata. “Drop the sir, you can call me Blaine” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at tinitigan ang lola na wagas kung maka ngiti. “Ivory paki samahan naman ang apo ko sa kwarto niya please” nakangiting sambit ni lola Griselda. “Okay po lola, tara na po” sambit ni Ivory at nauna nang nag lakad papunta sa second floor at binuksan ang kwarto ni Blaine. “Come in, Ivory.” sambit ni Blaine, tumango si Ivory at pumasok sa kwarto ng binata. “Can you help me unload my things sa maleta ko? And transfer those sa drawer?” pakiusap ni Blaine sa dalaga, tumango si Ivory at inasikaso ang pinapagawa ni Blaine. “Ilang araw ka nang nandito, Ivory?" Tanong ni Blaine sa dalaga, napa tigil ang dalaga sa pag lalabas ng mga damit ni Blaine sandali, pero itinuloy din naman niya. “Isang linggo na po sir” sambit ni Ivory, sinuklay ni Blaine ang buhok niya at tinitigan ang dalaga. “Cut the po and sir, baka magka edad lang tayo.” masungit na sambit ni Blaine, ngumiwi si Ivory pero tumango pa rin ang dalaga. “What's your full name and age?” tanong ni Blaine sa dalaga. “Ivory Rossini, twenty one” sagot ni Ivory, napa bangon si Blaine sa pagkaka higa niya nang marinig ang apelyido ni Ivory. “Holy fúck! Rossini?!” gulat na sambit ni Blaine, gulat na napatingin ang dalaga sa binata. “Huh? Bakit? Ano meron sa apelyido ko?” tanong ni Ivory. “Rossini’s are the most powerful family on business, around the world.” sagot ni Blaine, kumunot ang noo ni Ivory. “Baka nag kakamali ka, mahirap lang kami. Baka ka apelyido ko lang.” sagot ni Ivory. “No, I researched about them. Iisang pamilya lang ang may Rossini na apelyido, imposibleng hindi ka konektado sakanila. I will dig deeper.” sambit ni Blaine. “Hindi kita maintindihan pero ang alam ko ay may lahing espanyol ang ama ko." Sambit ni Ivory. “That explains it, you look foreign.” sambit ni Blaine. “Huh? Sabi nila mukha naman akong pinay” sambit ni Ivory. “Hindi pang pinay ang mukha mo, kung sino nag sabi non insecure siya sa'yo, hindi niya gustong aminin sa sarili niya na may lahi ka. You are differently beautiful.” sambit ni Blaine, namula naman ang pisnge ni Ivory at binilisan ang pag salansan sa mga damit ni Blaine. “Tapos na, balik lang ako kay lola Ris” paalam ni Ivory at dali daling lumabas sa kwarto ni Blaine. “Oh apo? Tapos kana sa pag aayos ng mga gamit ni Blaine?” tanong ni lola Griselda kay Ivory nang makita itong pababa na sa hagdan, galing sa ikalawang palapag ng bahay. “Opo lola, may iuutos po ba kayo?” nakangiting tanong ni Ivory sa matanda. “Sakto, pwede mo bang ihatid ang pagkain ni Blaine sa kwarto niya? Siguradong hindi pa iyon kumakain” sambit ni lola Griselda, ngumiti si Ivory at tumango. “Oo naman po lola, ito po ba?” tanong ni Ivory sa pagkain na nasa lamesa “Oo apo, pasensya kana ha, wala na kasi ang kasambahay. ” nakangiting sambit ni lola Griselda. “Ayos lang po lola, hindi naman po mabigat, aakyat ko na po ito lola" sambit ni Ivory, ngumiti ang matanda at tinuon na ang atensyon sa magazine na binabasa nito. Dahan dahang umakyat si Ivory sa ikalawang palapag at humarap sa pintuan ng kwarto ni Blaine, dahan dahan niyang sinipa ang pintuan dahil abala ang dalawang kamay niya sa pag hawak sa tray ng pagkain. Bumukas ang pintuan at bumungad sakanya si Blaine na bagong ligo at naka tapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan niya. Agarang tumingala si Ivory para hindi na makita ang ayos ni Blaine, natawa naman si Blaine sa naging aksyon ng dalaga. Numumula na rin ang pisnge ng dalaga, hindi pa rin gumagalaw si Ivory sa kinatatayuan niya. “Ano? Hindi ka ba mag bibihis?!” asik ni Ivory sa binata. “Don’t worry, the towel won't fall. Don't be afraid” nang aasar na sambit ni Blaine. “Ano ba?” nahihiyang sambit ni Ivory, ngumisi lang si Blaine at tumalikod na para pumasok sa walk in closet nito, nakahinga ng maluwag si Ivory nang mawala na ang binata sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD