Chapter 1
Who are you?
*Krringg
Napatalon ako nang tumunog ang cellphone ko at napasigaw. Halos mawala ako sa ulirat ko. May pinapanood kasi ako dito sa kwarto ko na horror movie. Sakto kasi na pag ring ng phone ko e nagflash ang halimaw sa screen. I sighed. Dinampot ko ang cellphone ko na nasa gilid ng lampshade sa may mesa.
"Hello?" medyo padabog kong sagot sa telepono habang naglakad papuntang may sala. Kinuha ko ang remote at niclick ito. Pinatay ko nalang ang TV kasi baka sumulpot na naman ang halimaw sa screen doon.
"Anne, we'll be partying later sa 'Royal' at nine pm. Wanna come?" medyo natatawang sinabi ni Allison sa kabilang linya. Nabaling ang atensyon ko sa telepono. Napangiwi ako sa sinabi niya.
Tinanong ko siya uli, "Who's with us?"
"Kami nina Rio, Cynthia at kasama rin si Erin." aniya.
Napa-O ang bibig ko nang sinabi niyang andito si Erin. Erin's back!
"Whoa! Wait, wait, wait. Freakin' wait. Na-nandito na si Erin sa manila?" Napasigaw ako at napangiti nang tinanong ko si Allison.
Really? Erin's here sa manila? I'm so excited to meet her again!
I guess makakaparty na naman ako ulit. It's been a long time na huli akong pumasok sa mga bar. After Miguel's death. Di na ako nakabalik para mag saya. He's the only person na lagi kong kasama sa mga bar aside sa mga friends ko. I always go to my comfort zones now. No gimiks. I don't know kung magiging happy ba ko tonight. Parang ayokong pumunta.
No way Lianne! Andito si Erin, so be it. Just for her, you should be there.
Umupo muna ako saglit sa may couch sa harap ng TV.
Natatawa si Allison sa kabilang linya at sabi, "Just relax, 'kay? Siya nag invite sayo, satin. Diba it's a surprise! G kaba? If G ka sabihin ko kay Erin."
Di pa rin talaga ako makapaniwala na nakabalik na yung ka batchmate namin sa college na si Erin Del Fuego galing States. Almost 5 years ata siyang nawala. And I guess may fiance na siya ngayon. We're twenty four years old after all.
"O, sige. I'll say yes! Wait, sasama ba si Joana?" sagot ko nang makapagdesisyon na.
"Of course, She'll be there. See you later Anne!" excited na sinabi ni Allison sa kabilang linya at pinutol ito. Napangisi ako sa sinabi ni Allison.
"What would I wear?" tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ang pintuan papuntang room ko. I think I know now.
Hinalughog ko ang closet ko at nakahanap ng maisusuot.
"Aha!" bulalas ko nang makita ang isusuot ko na 'Spaghetti Strap Eyelash Lace', as usual I love black, gold tsaka white. But this time's black.
Dahan-dahan kong ibinalik ang mga damit sa closet ko. Andami pala ng mga damit ko at puro mga dresses tsaka mga crop tops. I usually love sexy outfits. Madami nagsabi na para ang sexy ko daw at ang ganda. Ay aba syempre! Maganda kaya lahi namin. I have spanish blood kaya.
Patuloy ako sa pagsasauli sa mga damit na nakahilera ngayon sa sahig. Napatigil ako nang may nakita ako. Natabunan ng isang damit ko pero kita ang bahagi nito. It is a photo.
Napatingin ako don at marahan na kinuha yon. I gazed at the photo. Sa pag susuri ko'y di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Litrato namin ni Miguel four years ago. Nung bago siya nagkasakit.
Alam mo yung feeling na miss na miss mo yung tao pero ni kahit anino di mo na makikita? It is so agonizing. It feels like you are slowly getting pricked by a needle right in the heart. Ang sakit.
Di ako nakagalaw kung hindi tumawag si Joana sakin.
"Uh-uhm." umubo ako para matakpan ang boses kong basag. "He-hello Jo." pambungad ko. Pinilit kog maging normal kahit na umiiyak naman talaga ako. Maaliwalas ang kabilang linya. Magsasalita na sana ako ngunit sumagot siya.
"Umiiyak kaba Anne?" usisa niya. Pinahiran ko ng aking kamay ang luha ko sa pisngi. Nahalata ba niya na umiiyak ako? I tried my best for her not to notice but I guess she always knows it. She's my best friend for Pete's sake!
"Nope. I'm not." mas klaro ang boses ko habang confident na sumagot sa kanya.
"Okay, I'll see you there sa inyo? I'll fetch you nalang. Daanan kita jan mamaya. Bye." sambit niya nang mapagtanto niyang okay lang ako. But it's not true, you know. I know three years na ang lumipas but I still can't get over Miguel. Kaya nga siguro'y andali ko nang mag alburoto pag iniinis. I'm not like that before. I was too fragile, sweet at tsaka charming. Palangiti rin at tsaka medyo maingay. But things changed me. So hard.
"Yuh. Bye." bulalas ko at napatingin uli sa picture.
"Anne, di ka nagpakita sakin nung nakaraang linggo ah? Saan kaba pumunta?" tanong ni Joana nang napasansin niya na ang tahimik ko sa loob ng sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa mga matatayog na buildings dito sa Makati habang nakapilig ang ulo ko sa pintuan ng sasakyan.
Naka down ang glass ng pintuan kaya mahangin at nililipad ang buhok ko. Nilingon ko si Joana.
"Well, I'm busy? Pinuntahan ko si Dad sa opisina. May inutos lang sakin. I've been there three days." sagot ko sa kanya at bumalik ang tingin sa kawalan. Ngumuso siya sakin.
"Ano ba talagang plano mo? Is it a bad thing kung mag aapply ka sa companya nyo? I mean tanggap ka na naman don kasi business nyo yon." mariin niyang sinabi at ibinalik ang tingin sa daan.
Honestly, kasi I'm not into business, mas gusto ko mag explore sa mga bagay-bagay. Si dad at si mom lang naman ang nimimilit sakin eh.
umiling ako, "No... It's not my thing, Jo."
Nagkibit balikat lang siya at ngumisi sakin.
Habang papalapit kami sa parking lot ng 'Royal' ay narining ko ang ingay na nanggagaling sa loob. The bar's at peak now. Hmm interesting pero di ko talaga masyado feel. Pinark na ni Joan ang sasakyan niya. Sabay kaming bumaba at naglakad papasok.
Sa di kalayuan nakikita kong medyo marami-rami na ang tao sa loob. Nine palang ah? I guess it's because it's Saturday?
Habang dumadaan kami papasok ay nakita kong may mga lalaking nag ngingisi-ngisi na nakatingin sa amin. Inirapan ko na. May gwapong expat pa don na di ko rin pinansin kaya parang nabagsakan ng langit at lupa ang reaksyon niya. Kaloka!
Nang makapasok na kami ay bumungad sa amin ang lakas ng trance music na halos mabingi ako. This is the first time na nakaapak ako sa bar sa loob ng tatlong taon. Nakita ko si Rio na napalingon sa amin at kumaway. Lumapit kami at nakita din namin sina Allison, Cynthia at syempre andun na rin si "Erin!" sigaw namin sa kanya.
Bineso namin si Erin at niyakap na rin. We missed her so damn much. And look, she's effing gorgeous now!
"Erin, ganda mo na ah? I mean you're always pretty back then pero mas maganda pa rin ako ng konti. " sabay hawi ko sa medyo kulot niyang buhok. "Mas maganda ka parin, Lianne." singit ni Rio na naka pameywang sa harap namin. Natawa ako sa sinabi niya.
"Oo nga! BTW, kamusta na?" dagdag ni Joana na halatang namiss na rin si Erin.
It's been five years, ah? Long years din.
"Grabe kayo lalo kana Lianne Samantha Armani. Dapat mas maganda ako ngayon. Kababalik ko lang inaaway niyo na agad ako." tawa niya. Nagsitawanan narin kaming lahat.
"Maayos naman ako, kita nyo naman haha. You guys, how are you? I've missed you so much!"dugtong niya habang ngumingiti. Umupo muna kami after ng kaunting kumustahan. We just talked about everything after that.
Ilang sandali pay may papalapit na lalaki na di ko napansin nung una at nang makalapit na siya ay saka ko lang siya nakita. Nakita kong ngumisi si Erin sa kanya at mas lalong lumapit ang lalaki.
"Anyway guys, this is Zin, my fiance. These are my college batchmates and also friends. These are Rio, Cynthia, Joana, Allison and Lianne." pagpapakilala niya sa min. But wait, this guy's really familiar. Quite familiar. Napa O ang bibig namin nang makitang si Zin nga!
"You're together? As in? Kelan pa?" tanong ni Cynthia sa kanila. Ngumiti lang sina Erin at Zin samin.
"Yup. Three years ago ata yun? Nang sumunod siya sakin sa States at niligawan ako don." halakhak ni Erin habang kinukwento niya yun. Nalungkot ang mukha ko sa sinabi niya. Three years. Oo nga pala yun yung time na mawala sakin si Miguel. That's why I didn't have an update sa kanila ni Erin at Zin.
Napansin ni Erin ang mukha kong bumusangot kaya natahimik siya at nagseryoso. "Oh no. Sorry about what happened that year." hinawakan niya ang kamay ko.
Tumango ako, "It's okay. Tapos na naman eh."
Maya-maya pay nag iinuman na kami. Ang saya-saya nilang lahat pero ako lang ata ang hindi. Nakatingin lang ako sa paligid at lahat ng mahahagilap kong matang titig na titig sakin. Iniirapan ko nalang. I'm not interested sa kanila.
"Lianne, come on! Drink." inilahad ni Erin ang Vodka na may kasamang lemon. Aayaw sana ako pero si Erin nagpupumilit kaya I have no choice. Kinuha ko ang shot glass at lemon. Lahat sila nag hihintay sakin na inumin ko yon. Hays! Wala na akong nagawa kundi inumin yun.
Hindi ko na namalayan na shot na pala ako ng shot sa mga inumin. Nararamdaman ko na rin ang pagkahilo. Ngunit natuwa pa ako. This is the first time I drank again. So be it.
Hindi ko na namalayan na nasa dance floor na pala ako ngayon na nagsasayaw. Umaanod ang paningin ko sa paligid na marami ring nagsasayaw. Merong ibang nakatitig sakin tulad ng isang lalaki sa may di kalayuan. Nakahalukipkip at gwapo siya, I have to admit it. Ngumisi lang ako sa kanya. I don't know why I smiled at him. Maybe it's because I'm drunk? Iniwasan ko na ng tingin at naglingon-lingon para mahagilap sina Joana.
Thank God, nakita ko siyang nakaupo don sa may gilid na may kausap atang lalaki. Di ko na masyadong nakita. Lalapitan ko na sana kasi sumasakit na rin ang paa ko ngunit di ko nagawa. Walang pasubaling na hinawakan ang braso ko galing sa likuran at hinila niya ito dahilan para mapalingon ako at mapasandal sa kanya. Muntik nang masamid ang mukha ko sa dibdib niya ngunit hinawakan ako ng lalaki sa magkabilang braso para sa balanse.
Napatingin ako sa kanya at nabigla. Kumunot ang noo ko. Nakabusangot naman ang mukha niyang tingnan ako.
Bakit kaya? Pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko? Charot lang.
"It's nice to meet you again." bulong niya sa tenga ko. Napaatras ako kasi nakikiliti ako. Wait a minute, who's he? Do I know him? I glared at him. Napangisi siya. Matangkad siya kaya naka angat ang mukha ko ngayon sa kanya.
"Who are you?"mariin kong sinabi sa kanya. s**t! nahihilo na talaga ako. Napahawak na ako sa ulo ko at napapikit.
Di ko na namalayan na nagsasayaw na ulit ako. But this time it's even wilder. May sumasayaw na din sa likuran ko kaya nilingon ko na at nginitian. Ang saya ko! This is it! Night life, baby! Napawi ang ngiti ng sumasayaw sa likuran ko nung makita niya ang nasa harap ko. Kumunot ang noo niya at agad na umalis. Nilingon ko ang nasa harap ko ngayon.
It's still him! God! Sino bato? He's damn sexy and super gwapo. And I'm drunk. s**t! Naduduwal nako. Napangiti nalang ako sa kanya. Ganon din siya sakin. All along the fun and dizziness ay di ko na alam ang nangyari.