Chapter 4

1777 Words
Chapter 4 His gaze Kinaumagahan nagising akong nakayakap sa unan. This pillow is soft. I like it. Tiningnan ko ang orasan at alas nuwebe na pala nang umaga. Nagulat ako kaya agad na kong naghanda. Naligo muna ako bago nagsipilyo. Hindi ko pa alam ang schedule ko sa work. Di pa rin naman proper na idiniscuss ni sir ang oras ng trabaho ko. Napaisip tuloy ako kung magagalit ba siya sakin ngayon. You know what? Napakapamilyar sakin ng mukha ng boss ko. He's like someone I know pero di ako sure. Napailing nalang ako, "No way...No freakin' way." Agad akong napahawak sa bibig ko at nandilat ang mata. Narealize ko na ang boss ko ay ang lalaking nasa bar na sinayaw ko non. Aiishh. s**t. This is bad. So, so bad! Kaya pala pamilya sakin ang mukhang yon. Tama nga he's someone I know. Well not really. Hindi ko alam ang pangalan niya. Napakagat ako sa labi ko. Ah, wait. Sinabi na pala ni Ms. Kim sakin. He's name is Ezreal Morgan Mendez! Kumuha ako ng tubig para mahimasmasan ang sarili ko. Bago ko pa man maubos ito ay agad na may nagdoor bell sa door ko. Napatalon ako sa niyerbyos. Sinubukan kong ibalik ang sarili ko sa pagkakaugat ko. Nagtagumpay naman ako. Agad kong nilapitan ang pintuan upang tingnan ang naroroon. "Hello, Ms. Armani. Tinatawag po kayo ni Sir." sabi ng isang trabahante din dito. Nakauniporme siya kaya alam ko na staff siya dito. In fairness naman sa uniporme ha ang ganda. Looks professional at hindi basta basta. Bumati din ako sa babae at tumango na rin. Ngitian ako ng staff at agad din siyang umalis. Pagkasara ko sa pintuan ay napapikit ako habang sumandal sa likod nito. Alam kaya ni Sir na ako yong babaeng nakasayaw niya sa bar sa manila? No way. Hindi naman siguro. Hindi na siguro ako natatandaan non. Posible yon kasi sa dami ng tao don sigurado akong hindi niya ako matandaan. Well I am stunning pero madami din namang magaganda na naroon sa bar na yon. Hindi lang ako nag iisa. He looks handsome din kaya for sure may naisayaw din siyang babae maliban sakin. Bumuntong hininga ako at pinilit kong mag relax. Agad na kong nag lakad sa hallway papuntang office ng boss ko. Pinilit ko talagang wag kabahan kasi nga dapat professional. Nang buksan ko ang opisina ay may nakita akong staff na kausap ni Sir. Lumingon siya sakin sandali bago tapusin ang sinasabi niya sa kausap. Ilang sandali ang lumipas ay agad na umalis ang staff na yon. Nang balingan ako ng atensyon ni sir ay ngumisi ako. Seryoso ang mukha niya sabay tayo sa swivel chair niya. "There you are Ms. Armani." sabi niya. Umikot siya at lumapit sakin. Natigang ako sa kinatatayuan ko. Relax Anne. Di ka nakikilala nyan. "Well your job here is just so simple. Alam mo na naman siguro pano maging sekretaryo ano?" Kahit di ko talaga kabisado ang job description ay tumango ako sa sinabi niya. Ngumisi siya nang bahagya at agad na naglakad. Sumunod ako. Sa may di kalayuan sa loob ng opisina niya ay may isang table at upuan don. "Here's your table, Ms. Armani." bulalas niya sakin habang tinuro ang table na may mga papeles don sa ibabaw. "Your job here...Actually is just to update me about my schedules. My appointments and others." patuloy siya sa pagsasalita. Buti nalang talaga di niya ako nakilala. Ngumisi ako sa kanya pero kinakabahan parin. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para maging kalmado. "Your job starts at eight in the morning. Sharp." Tumango ako sa kanya, "Noted that...Sir." sabi ko kanya. Napatingin ako sa mga gamit na nasa lamesa. Tiningnan ko ang mga papales na nandon at nabasa ko ang isa. Work related siya. "You start right now, Ms. Armani. And for your first thing to do...Puntahan mo si Kayla. Hingin mo sa kanya ang Guest history record at ibigay mo sakin." "Right...Sige sir." tugon ko bago lumabas ng opisina. Seryoso pala siya pagdating sa work. Akala ko kasi nong nasa bar kami ay isa siyang teenager na uhaw sa atensyon at nagwawalwal kasi para tignan na cool. But I am mistaken. Kadalasan kasi don sa manila na mga lalaki ay nagpapacute lang at walang alam. But he's different... Hindi ko kilala tong Kayla nato. Napalingon lingon pa ko para tingnan kong sino ba talaga siya. Di ko napansin na may lumapit sakin. Napatalon ako ng marinig ang boses niya. "May hinahanap ka po? I can help you. Do you mind?" sabi ng isang lalaking staff don at ngumisi. Mariin ko siyang tinitigan ng ilang sandali bago ako nagtanong sa kanya. Tumango siya at sinamahan ako sa table ni Ms. Kayla. Nang makarating na kami sa front desk ay naroroon si Ms. Kayla. Binasa ko sa uniform niya ang pangalan niya na nakasulat sa name plate. Agad akong nginitian ni Ms. Kayla, "You are the new employee, right?" Tumango ako sa kanya at ngumisi narin. "Yes po...I'm the new secreta-" Di ko pa natapos ang sasabihin ko ay nanlaki ang mata niya at pinutol ang linya ko. "Whoa! You are the new secretary?" nakangisi niyang sinabi pero nagulat pa rin siya. Bat kaya siya nagulat? It's strange. Di ba talaga ako karapat dapat na maging secretary? Oh no. Tumango lang ako sa kanya at banayad akong ngumisi. Ngumisi rin siya pabalik sakin. "Well...This is the first time na naghire si sir ng babaeng secretary. Mostly kasi mga lalaki ang kinukuha niya kasi mas madali daw makagawa ng mga iniuutos niya." paliwanang niya sakin. "Anyway, what is it about Ms..." dagdag niya. Bahagyang pumikit ang isa nyang mata. "Lianne. Anne for short." tumango siya sakin at nagpatuloy. "So ano kailangan mo Ms. Anne?" tanong niya. "Sabi ni sir kunin ko daw sayo ang Guest history record." sabi ko. Agad na kinuha ni Ms. Kayla ang isang folder na nakalakay sa desk file organizer at binigay sakin. Ngumiti si Ms. Kayla. Nagpasalamat agad ako sa kanya. Pumihit ako at tinalikuran si Ms. Kayla at agad na bumalik sa office. Nakita kong wala si sir doon kaya sinuyod ko ang buong opisina pero di ko talaga siya mahagilap doon. Huminto muna ako saglit at bumuntong hininga. "Where's he?" tanong ko. Pumihit ako para bumalik nalang don sa table ko at para hintayin nalang ang boss ko na pumasok at maibigay ko na tong folder. Nang pagharap ko ay natalisod ako at nagulat. Di ko namalayan na andon pala si sir sa likuran ko. Di ko alam kung anong ginagawa niya don. Napasandal ako sa dibdib niya at napahawak din dito. Agad na hinawakan ni sir ang balikat ko para sa balanse. Namula ang pisngi ko sa nangyari. Shit! Nakakahiya. Grabe. Pumikit ako at tinulak siya nang marahan para makatayo na ako ng maayos. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa kanya. Diretso ang tingin niya sakin. Seryoso ang mukha niya. Patay nagalit ata. Nakita ko sa long sleeve niya na soot na may marka ng lipstick ko. Nanlaki ang mata ko. Oh, darn! Puti pa naman ang soot niya at medyo klaro ang pagkaprinta nito. "Next time be careful." sabi niya sakin at agad tiningnan ang hawak ko. Hindi ata niya napansin ang dumi sa damit niya. Sana lang hindi kundi patay ako. "So-sorry po. I didn't mean it. Nagulat kasi ako sayo sir... bi...bigla ka kasing sumulpot sa harap ko." agad kong sinabi. Tumaas ang kilay niya sakin at tiningnan ako nang marahan. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya pero di ko rin mapigilan sa pagbalik ko ng titig sa kanya. There's something about his gaze. Masyadong intense. Pakiwari ko'y tinitingnan niya ang kaluluwa ko. Napaisip agad ako at napakagat-labi. Di kaya...Di kaya narecognize niya ako? No. No. No. If that happens, I'll be f*cked up. He snapped a finger to me. Napatalon ako at naibalik ang ulirat ko. What the hell? Hindi ko naisip na nakatitig pa pala ako sa kanya. Kumunot ang noo niya saka siya nagsalita. "So...was it my fault then?" mahinahon niyang sinabi. Umiling agad ako sa tanong niya. Masyadong commanding ang boses niya. Di ko keri to. "This is the folder that you asked for, sir." sabi ko sabay lahad sa folder na nasa kamay ko. Tumango siya sakin at kinuha yon. Chineck muna niya ang laman saka naglakad pabalik sa table niya. Hoo!! Muntikan nako don. Pinagpawisan ako. Akala ko magagalit siya sakin dahil sa nangyari. But I guess, hindi naman siguro. Maliit na bagay lang naman yon. Bumalik nako sa table ko at kinapa ang ballpen na black doon sa pen holder. Tinignan ko ang mga papeles na nandon sa table. Binasa ko ang mga iyon. Nakita ko na tungkol ito sa stats ng hotel. Nakita ko rin sa isang page na may aerial shot na litrato ang hotel nato. Malaki pala talaga. May swimming pool din dito. Meron din palang mga coconuts na nakatanim nang sadya sa paligid ng pool at meron din pala sa gitna. Hindi siya kaparehas ng ibang pool na plain pool lang. Eto may arte. Merong parang islands sa pool at sa bawat island na yon, may tigiisang puno ng niyog. Not bad. Artistically inclined din pala tong si sir. Tinignan ko pa ang kabuuan ng hotel sa litrato. May nakita ako don sa isang page na may nakalagay na 'Expansion plan'. Sa tingin ko, mag eexpand tong hotel nato. Inayos ko ang pag upo ko at bahagyang pina ikot-ikot ang swivel chair ko. Inangat ko ang tingin ko mula sa mga papeles papunta sa kinauupuan ni sir. Nakita kong mariin niyang tinititigan ang folder na binigay ko kanina at bumaling din sa computer niya pagkatapos. Inusog niya ang upuan niya. Tumunog tuloy ang gulong nito. Ilang sandali pay tumayo ako nang tawagin niya ko. Binigay niya sakin ang folder na tutok pa rin ang tingin sa computer. "Give it back to Kayla." aniya at tinanggap ko ito sa kamay niya. Sa di inaasahang pangyayari nahawakan ko ang kamay niya. Nagulantang ako at napatitig sa mukha niya. Wierd. Di naman sa di pa ako nakawahak minsan sa kamay ng lalaki pero sa unang pagkakataon nagulat ako. Tumingin siya sa kin at agad na tinignan ang kamay kong bahagyang nakahawak sa kamay niya. Ilang sandali ang lumipas at kinuha ko na ang folder na nasa kamay namin pareho. "Uh...Uh. Okay po si...sir." nauutal kong bigkas. Inangat niya ang tingin sakin at tumango na rin. This is insane! Letcheng kamay ko nato. Panira. Imbes na manatili don at makipagtitigan ay pumihit na ako at agad na umalis. Oh no. It was so awkward. His gaze was intense and drastic. God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD