Chapter 5
Sir wag po!
Habang nagtatrabaho ako ay hindi naman ako nahirapan. Medyo masaya din naman tong ginagawa ko pero minsan kasi naasiwa ako sa mga tingin ni sir Ezreal sakin. It's kinda weird. Ang OA ko naman. Siguro ay baka na weirdohan lang ako kasi alam ko sa sarili ko na kilala ko na siya bar noon.
Lumipas ang ilang mga araw at ganon pa rin ang mga kaganapan.
Napatalon ako nang may kumalabit sakin at nagsalita.
Shit!
Halos maibuhos ko ang iniinom kong frappe sa mukha ko dahil sa gulat. Nilingon ko na para sana awayin sana.
Nakita kong ngumisi si Ms. Kim sakin at nag peace sign. Bakas parin ang galit sa mukha ko kaya nagsalita na siya.
"Erm... sorry hehe." bulalas niya at ngumiti nang hilaw.
Awkward kasi ang eksenang yon kaya siguro nahilaw siya. Tinignan ko siya at bahagyang ngumiti.
"Di ka ba aattend ng meeting mamaya?" tanong niya sakin.
Agad akong napakamot sa ulo. s**t. Nakalimutan ko. Sa sobrang abala ko sa trabaho ay maging yun ay nakalimutan ko. Ang pag-uusapan ata ay tungkol sa expansion nitong hotel.
"Diba, yung mga may matataas lang naman na pwesto ang aattend?"
Hinampas niya nang mahina ang balikat ko, "What's with you? Kasali ka kaya kasi secretary ka ni sir. Mataas din position mo.
I guess, kilala mo siya."
Napatingin ako nang diretso sa mata niya nang sabihin niya to sakin.
"H-hindi, ah? How can you say that?" bulalas ko.
Kinakabahan ako baka lang may alam siya tungkol don. Pero imposible namang mangyari yon. Tama, imposible nga.
"Well... nagtaka lang kasi ako kung bakit ka agad kinuha ni sir na sekretarya niya gayong bago ka pa lang dito?"
Nagkibit-balikat nalang ako sa sinabi niya sakin. Maging ako ay walang alam. Hindi ko naman kilala tong lalaking to. Last memory ko lang sa kanya ay don sa bar. s**t! naisip ko na naman ang nangyari noon.
Naglakad ako patungo sa meeting room ng hotel nang marining ko ang nagsasalita doon. Gosh! Nagsimula naba? Nakalimutan ko kasi na may meeting pala ngayon. Medyo napreoccupied ako dahil sa kamustahan namin ni Joana sa phone.
Hinawakan ko ang pintuan at dahan-dahang binuksan yon. Nag creak pa nang malakas ang door nang buksan ko yon. Napakagat ako sa labi ko at nakita kong tumingin halos lahat sakin ang mga naroroon.
Nakita ko rin si Kim na nagtaka at ngumis sakin pagkatapos. Nanliit ang mata ko sa mga tingin nila sakin.
This is really embarrassing.
Nakita kong naagaw ko ang atensyon ni sir at agad bumaling sakin. Nasa harap siya at nasasalita kanina pero ngayon natahimik. Bahagya siya ngumisi nang tignan ko siya. Umiwas na ako ng tingin dahil sa kahihiyan.
Umubo siya at lahat napatingin sa kanya.
"Everyone... here's our new secretary, Ms. Lianne Samantha Armani." he introduced me.
Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. Lahat ng mga empleyado ay tumingin sakin at ngumisi.
Agad ko silang nginitian at nagtaas ng isang palad at winagayway ito. Imbes na matengga ako doon ay agad na akong naghanap ng mauupuan.
"Our project this year is the expansion of this hotel. We are going to build more buildings here. Medyo madami na kasi ang pumupunta dito at nag che-check in and we can't accommodate more. That's why gusto ko na gumawa pa ng isang building don sa kabilang side nitong building natin. Since may beach na naman dito. Gusto ko rin na e-renovate ang dapat na ayusin para mas pagandahin itong hotel at beach natin." wika niya.
Napangisi ako sa narinig. Well, napansin ko rin na ang daming dumadating dito para mag check in. Ang iba nga nagpapareserve nalang kasi araw-araw occupied halos lahat ng mga rooms dito.
Nagulat ako sa sinabi ni sir na may beach pala dito? Hindi ko yon nakita sa aerial shot, ah?
"Might you ask, diba sir di naman atin iyong beach sa dulong bahagi ng hotel nato? Well... I'm glad to say na... atin na iyon. I just bought it yesterday. Pumayag si Mr. Tan sa alok ko. Lilipat narin kasi sila sa Singapore at doon ipagpatuloy ang business nila." paliwanag niya.
Lahat nagsipalakpakan at ngumisi. Napangiti din ako sa narinig. I love beach. I don't know pero gusto ko talaga. Stress reliever ko ang mga beaches. Nakakawala kasi ng lungkot at pagod pag matingnan ko yong dagat. It makes me calm.
Well, this time hindi na ako mapraning pa dito. I can go to the beach whenever I like to.
Pinilig ko ang ulo ko. Di naman pala pwede kasi may trabaho ako dito. I can't take the risk, baka mapagalitan pa ako at masibak.
Nilibot ko ang buong beach. Hindi pa ito bukas kasi under renovation parin. Nakapasok ako don kasi sekretarya ako at sinabi ko na inutusan ako mag research para mas lalong mapaganda ang beach.
Gumagabi na kaya nakikita ko ang kalawakan na dumidilim narin. Tiningnan ko ang relo ko. It's quarter to six. Ambilis ng oras. Di ko namalayan. Halos kani-kanina lang sinuyod ko ang mga buhangin dito. It's white. Parang doon lang sa El Nido, Palawan. Mga piling buhangin din ang nandoon. Alam na alam ko ang mga beaches na magaganda around Philippines. Lagi akong pumupunta kahit saan basta may beach lang.
Di ko mapigilan na tingnan ang araw na papalubog na. Ang ganda! It's my first time again na masaksihan ang ganda nito.
Three years have passed noong huli ko itong nakita. Bumara ang aking lalamunan. Naisip ko na naman ang mga naganap noon.
Alam ko sa sarili ko na hindi parin ako nakaget over sa nangyari lalo na kay Miguel. It's always torturing me. Killing me softly.
Nang pagkurap ko ay may tumulo na agad na luha sa mata ko. Di ko napansin na umiiyak na pala ako ngayon. Umupo muna ako sa buhangin at nagmasid sa dagat. Nakikita ko ang repleksyon ni haring araw na dahan-dahang lumulubog.
Pinahiran ko ng palad ko ang luha na nasa pisngi ko. Imbes na umiyak nalang doon ay lumapit ako sa unahan kung saan naaabutan ng dagat. Naghanap ako ng mga kabibe. Palagi ko kasing ginagawa ito sa tuwing makabisita ako sa iba't ibang beach.
Natuwa ako nang makapulot ako ng Nautilus shell. Isang shell na may disenyo na paikot. Yung parang sa fibonacci sequence structure. Namangha ako sa nakita ko.
"Ang ganda naman nito!" pag eeksaherasyon ko.
Ilang sandali ang lumipas at dumilim na ng tuluyan ang langit. Nakita ko ring lumiwanag ang ilaw sa buong lugar. Hindi pa naman masyado kaganda talaga ang beach pero may mga disenyo din naman ito at may mga ilaw din na may iba't ibang kulay.
Napangisi ako sa nasaksihan ko. Tumayo na ko't agad na naglakad papuntang hotel.
Sa di pa ako nakabalik ay nakita ko si Kayla na may kausap sa telepono sa may di kalayuan.
Napatalon ako nang biglang tumunog ang phone ko sa bulsa at nakitang umilaw. Agad kong kinuha iyon at binasa ang isang text message.
Sir Ezreal Mendez:
Where are you? I need you to come here sa office. May pag uusapan tayo tungkol sa project at sa pagpapaganda ng buong beach.
Di na ako nag reply at ibinalik ko nalang sa bulsa ko ang phone ko. Agad na akong naglakad para sana bumalik ng office nang bigla akong tinawag ni Kayla.
"Hey, Ms. Armani!" sigaw niya na dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Bahagya siyang naglakad papunta sakin.
Umangat ang kilay ko, "Ye-yes?"
Ngumisi siya sakin at finally nakalapit narin.
"How are you, Ms. Armani? The beach looks gorgeous, isn't it?" usisa niya sabay tingin sa palibot nitong beach.
Ngumisi ako sa kanya, "Pleasee call me by my name. Naaasiwa kasi ako pag apilyedo lang tawag mo sakin. May miss pa ha? Lalo tuloy napaghahalataan na single pa ako."
Napatingin siya sakin at napahawak siya sa bibig niya na para bang nagulat.
"Yo-you're single? Hmm. Imposible. Sa ganda mong yan?" nanliit ang mata niya. Hindi siya naniniwala sakin.
"Ano kaba, wag naman masyadong eksaherada. I'm just me. And yeah. Im single. I don't even think so, na makahanap pa ako ng relationship." mahinahon kong sinabi sa kanya at tinapik ang braso niya.
"Bakit naman?" tanong niya. Seryoso ang tingin niya.
Hell, no. Di ko sasabihin. It's a boundary. No one should know about it aside sa mga kaibigan ko.
Umiling lang ako sa kanya at bahaghang ngumisi.
Nang makarating na kami sa hallway sa loob ng hotel ay iniwan na niya ako. Bumalik na siya sa kanyang desk at agad na may kinausap na bagong pasok na costumer.
Lumiko ako sa kabilang hallway papunta sa office namin ni sir. Office namin? God!
Sabagay iisa lang naman talaga ang office namin kaya amin yun. Pero still he owns the building, kaya sa kanya talaga ito.
Nang palapit nako at hinawakan ang lever handle door knob ay bigla kong naisip ang paper holder board kong dala kanina na may nakaipit na papel.
Dinala ko pala iyon para magsulat ng mga maaring improvement doon sa beach. Inutusan ako ni sir. Patay! Nasaan na yon? Inalala ko ang mga pangyayari at narealize kong naiwan ko ata yun sa may buhangin habang nakaupo ako kanina.
I was so engrossed in watching the beach earlier kaya nakalimutan ko tuloy. Agad na akong pumihit para balikan iyon.
Halos patakbo na yong lakad ko papuntang beach.
Nang makarating na ko don ay sinusi ko ang lugar. Sinuyod ko ng tingin ang mga buhangin. Hindi ko mahagilap kasi medyo konti lang ang liwanag na binibigay ng ilaw. Goodness gracious!
Mapapatay ako nito. Isa pa naman iyon sa pinaka-importante.
Halos lumugwa ang aking mata sa kakahanap. Binalikan ko ang inupuan ko kanina pero bigo akong hanapin iyon. Siguro'y dahil
nakuha na ito ng ibang taong nandoon?
Lumapit ako sa isang lalaki at nagtanong, "May nakita po ba kayong isang paper holder board dito na may nakaipit na papel?"
Binalingan ako ng tingin ng lalaki, "Nope, missy. I'm sorry."
Napapikit nalang ako kasi alam kong pagagalitan ako nito pagbalik ko. Bahala na. Hindi ko talaga mahanap iyon dito. Naiwala ko na. Lord, ikaw na bahala sakin dito.
Dali-dali nakong pumihit at tumakbo. Pero bago paman mangyari yun ay nabangga na ako. Inangat ko ang tingin ko sa nabangga ko.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si sir iyon. Nabangga ko siya sa dibdib niya... ulit.
Oh God!
Nakita kong seryoso ang tingin niya sakin. Parang galit na parang hindi. Hindi ko siya mabasa. Napakagat-labi nalang ako saka yumuko at umatras nang konti. Ngumisi ako na may halong kaba. Hindi ko alam kung anong itsura ko ngayon.
Humakbang siya sakin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya. He stared at me intently. Nagulat ako kaya napalingon ako sa magkabilang side ko. Masyado nang malapit ang kinatatayuan namin pareho. Isang dangkal nalang.
Suminghap siya saka hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napatalon ako sa ginawa niya. Malamig pa ang kamay niya kaya nanginig ako.
Yumuko siya at agad inilapit ang mukha niya sakin. Nanlaki ang mata ko kaya napalingon ako ng bahagya sa gilid.
Oh my! Ano to? Kaloka. Ma re-r**e ba ako dito?
Sir. Wag po!