Chapter 6

1865 Words
Chapter 6 His girlfriend Halos di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatingin siya nang diretso sakin. Kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako. Hahalikan niya ba ako? Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya patungo sa mukha ko. Napapikit ako. Hindi ko kung alam bakit. Sa tingin ko normal lang naman iyon siguro. Sa tingin ko ay dahil sa kaba na nararamdaman ng aking sistema kanina pa. Ilang sandali ang lumipas. Walang labi na dumampi sa akin. Binuka ko ang mata ko. Tinignan ko siya at nakita kong dumiretso ang mukha niya sa may tenga ko. "Where is it? Nasaan na ang inutos ko sayo?" bulong niya. Nanliit ang mata ko sa narinig. Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya sa akin. Hindi ko alam ang irereact ko sa kanya. Umatras ako nang bahagya at ngumisi sa kanya nang plastik. Humalukipkip ako para pigilan ang kamay kong nanginginig. "Er... umm... ahh, E, kasi..." nauutal kong sinabi. Nakita kong tumingin siya sa mga kamay ko. Nakita kong tumaas din ang kilay niya. Napalunok ako. Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya na naiwala ko ang 'Paper Holder Board'. "Ma-may... hinahanap kasi ako dito, Sir..." sabi ko. Tumingin siya sa akin at ipinakita ang 'Paper Holder Board' na hinahanap ko kanina pa. Napangisi ako sa nakita ko at tumingin sa kanya. So, siya pala iyong nakapulot? My God, thank you. Seryoso ang mukha niyang tignan ako, "Next time... be mindful sa mga hinahawakan mo. You can't have it again once mawala na ito nang tuluyan." Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang tinutukoy niya. Ang alam ko kase gamit ang nawala sakin pero bakit parang may tinutukoy siyang iba. Inilahad niya sakin ang gamit kong iyon at tinanggap ko. Agad na kaming bumalik sa opisina. Nakita kong ngumisi si Kayla nang makita niya kami. Nakita kong tumingin pa siya kay sir bago tumingin sakin at nag wave ng kanyang kamay. Nang makarating na kami ng opisina ay agad kong binigay ang papel na nakaipit sa 'Paper holder board'. Iniisa-isa ko ring sabihin ang mga nakita kong dapat na ayusin at palitan na mga disenyo sa beach. Nagising ako sa ingay. Kinusot ko ang mata ko at kinapa ang phone na nasa side table ng kama ko. Nakita kong si sir ang tumatawag sa akin. "He-hello, sir. Good morning." sabi ko nang sinagot ang kanyang tawag. "We have an important things to do, Lianne. Gumising ka na riyan." sabi niya sa kabilang linya. Napatingin ako sa orasan. Napadilat ang mata ko. s**t. Mag aalas otso na pala. I'll be late in a few minutes. Dali dali na akong bumangon. "Uh... okay po, sir." agad ko namang sinabi. Naghanda na ako at pumunta agad sa opisina ni sir. Maaliwalas doon. Wala si sir. I thought he's here pero wala. Umupo nalang muna ako sa table ko at inayos ang mga nandoon sa lamesa. Tiningnan ko rin na may kape na nakapatong sa small table sa gilid ng table ko. Kinuha ko iyon at tinignan. Wala namang pangalang nakalagay sa cup. Ibinalik ko nalang ito at uupo sana. Napatalon ako nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. Ano ba tong boss ko, sumusulpot nalang kahit saan. Hobby ba niyang manggulat ng mga emplyado? "Oh, my~!!" napasigaw ako. Tinignan niya ako na nakakunot ang noo, "Oh, ba't mo yan ibinalik?" Tinignan niya ang kape na binalik ko sa table. "Para sayo yan. Dinala ko nalang iyan kasi nagkamali ako sa pagpili ng flavor kanina. Sayang naman kung itapon ko lang." dagdag niya. Napakurap ako sa sinabi niya. I thought, hindi para sakin tong kape. Kinuha ko na't ininom ang kape na iyon. Namangha ako. Wow ang sarap. Tinignan ko ang flavor na nakalagay don sa cup. Caffe Americano flavor na galing sa Starbucks. This is my favorite flavor. Not bad, sir. "We'll have a meeting doon sa manila. Sa isa nating branch. I want you to come with me..." bulalas ni sir. Napatingin ako sa kanya habang iniinom ang kape. Kumunot ang noo ko. Wait, may branch pala tong hotel na ito? Hindi ko alam to, ah? "Isasama mo ak-" "Yes, isasama kita kasi sekretarya kita..." sabi niya nang pinutol niya ang sinasabi ko. Tumango nalang ako sa sinasabi niya. I get it. Wait, manila? Kaya naman ang saya kong mag pack ng mga gamit ko. Konti lang kasi babalik din naman kami dito pagkatapos. Hindi ko nga lang alam ilang araw. I guess, di naman siguro aabot ng ilang araw. Ang saya-saya ko kasi makikita ko na naman ang manila. Makakabisita narin ako kina ate at kina Joana narin. "Hello, Jo. Pupunta ako diyan sa Manila!!!" sabi ko kay Joana sa kabilang linya. "Ta-talaga?!" tanong niya. "Oo!" sabi ko kanya. Narining ko sa kabilang linya na sumisigaw siya. Mga ilang linggo narin akong nandito at nami-miss ko na ang manila. Ang hangin doon, ang view at pati narin ang mga kaibigan ko. Agad ko nang pinuntahan si sir sa opisina niya. Naka dekwatro siyang naka upo sa swivel chair niya. Pinasadahan niya ang kanyang buhok bago tumingin sakin pagkaapak ko sa may pintuan. Tinignan ko rin siya, "I'm all set, sir." Tumango siya sa akin. Umikot siya at hinarap ako. "Let's go." Agad na kaming pumasok at sumakay sa sasakyan. Meron ding driver na maghahatid sa amin sa airport. "Have you eaten?" tanong niya sakin nang makarating kami sa tapat ng Mactan Square. Umiling ako sa kanya. Hindi pa kase ako kumain. Masyado atang na overwhelmed sa pupuntahan namin. Inutusan niya ang driver na huminto muna sa City Time Square. "Kumain muna tayo dito saka tayo pupunta sa airport." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Medyo naasiwa pa rin ako sa kanya. Lagi ko nalang pinipigilan ang sarili ko. Umorder ako, "Salad vegetable at isang juice." Di naman kase ako kumakain talaga pag umaga at isa pa I need to retain this body figure kaya. Napatingin siya sa order ko. Nakita kong tumaas ang kilay niya at tinignan ako. "Yan lang ba ang order mo?" tanong niya. Tumango ako sa kanya. Akala siguro niya ay nagtitipid ako kasi alam kong siya ang magbabayad. No, I can pay for my self kung gusto kong umorder ng marami. Sadyang di lang talaga ako masyadong kumakain tuwing umaga. Kadalasan nag ti-tea nalang ako o di kaya kape. Natapos na akong kumain. Uminom ako ng tubig tsaka pinahiran ng tissue ang bibig ko. Napatingin ako sa kaharap ko. Kumakain pa rin siya. Napatingin siya sakin nang matama ko siyang titigan. Tumaas ang kilay niya kaya agad akong nag iwas ng tingin. Nang matapos na kami ay agad kaming bumalik sa kotse. Wala akong imik buong biyahe papunta airport. "Are you cold?" tanong niya nang nasa eroplano na kami. Nilalamig kasi ako at walang dalang jacket. Meron naman akong dala pero nandoon sa luggage ko. Umiling nalang ako sa kanya. Gumalaw siya at saka kinuha ang jacket na suot at ibinigay sakin. Umiling ako, "Hindi na sir. You can have your jacke-." Hindi na ako nakaangal pa kasi inilagay na niya sakin ang jacket niya. Nahiya tuloy ako sa kanya. "There..." sabi niya at pinikit ang mata. Ngumisi lang ako sa kanya. Napagod ata si sir sa pag-aasikaso ng hotel niya kaya natulog muna siya. Wala akong ibang naisip kundi ang paglagay niya ng jacket sakin. He's gentleman. Napatingin ako sa bintana ng eroplano. Nakita ko ang mga ulap na nakalatag sa labas. Nababangga ang ilan nito sa pakpak ng eroplano. Napaisip ako sa nakaraan ko. Ganito din yung nangyari samin ni Miguel noon. Kasama ko siya sa eroplano habang papunta kami ng States. Naisip ko rin na nilagyan niya rin ako ng jacket habang nasa himpapawid palang kami. It's nostalgic to me. Hindi nakatakas sakin ang mga nangyari. Ewan ko rin kung makakalimutan ko pa ba ang mga iyon. Dahil sa pag-iisip ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. "Uh...uhh." mahina kong sinabi pagkagising ko. Naabutan ko ang sarili ko na nakasandal ang ulo sa balikat niya. Nakapatong naman ang ulo niya sa ulo ko. Nagising siya at agad na inangat ang ulo niya. Umupo ako nang maayos. Nakita kong pumikit siya at natulog muli. Pinagmasdan ko siya. Ngayon ko lang narealize ang mga facial features niya. Pinasadahan ko ng tingin ang buhok niyang magulo pero may arte. Mata niyang nakapikit at kitang-kita ang pilikmatang makapal. Tinignan ko rin ang ilong niyang matangos at pati na rin ang labi niyang maliit at mapula. Kita ko rin ang adam's apple niyang medyo natatakpan sa soot niya. He's kinda hot and sexy. Gwapo rin naman si Miguel pero aaminin ko mas gwapo itong boss ko. But to be fact, hindi ako naiinlove sa mga katangian ng mukha na meron ang tao. Mas nahuhulog ako sa mga taong may magandang kalooban. Miguel was so kind kaya nainlove ako sa kanya. He's also honest. Natulog uli ako. Medyo mahaba-haba pa ang biyahe. Nagising ako nang may kumalabit sakin. Napa-moan pa ako at pinikit ulit ang mata ko. "We're here. Gumising kana." sabi ni sir sakin sabay yugyog. Dinilat ko ang mukha ko at siya nga iyon. Tumango ako sa kanya at tumayo na rin. Kinuha niya ang bag niyang nasa lalagyan sa itaas. Kinuha niya pa yong akin kaya dali-dali kong hinablot sa kamay niya. "Ako na." sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo niya, "Alangan naman ako ang magdadala ng gamit mo." Napalunok ako sa sinabi niya. Ay? Oo nga pala. I should hand my things. Hindi dapat ako masanay na may tutulong lagi sakin. Tssk. Sabi ko nga ako na. "Sabi ko nga, ako na sir." bigkas ko. Napatingin ako sa kanya at tumango siya. Minsan mabait siya pero minsan din suplado. Kani-kanina lang binigyan niya ako ng jacket at ngayon naman nagsusuplado sakin. Tssk. May mga lalaki palang ganyan ano? May menstruation ata. Naisip ko siya na ang matcho-matcho pero may period. Natawa ako. Kumunot ang noo niya nang makita akong parang timang na tumatawa na nakatingin sa kanya. Pinilig niya ang ulo niya. Napakagat ako ng labi ko nang marealize na tumatawa pala ako at sabay yuko. Damn! Nakakahiya. Baka isipin niyang nababaliw na ako. Hinintay namin ang luggage namin na dumaan sa labas ng baggage handling system. Nang sa wakas ay nakuha ko na ay agad kong hinawakan ang handle nito. Nakita kong kinuha rin ni sir ang kanya. Wala siyang ibang dala maliban sa luggage niya. "Let me..." bulalas niya kaya napatingin ako sa kanya. Tumaas ang kilay ko. Inilahad niya ang kamay niya sakin. Hindi ko alam kung ano tinutukoy niya. "Akin na yan luggage mo." mahinahon niyang sinabi. "N-no... Ako na sir. Di naman masyadong mabigat. May gulong naman ito." sabi ko sa kanya. Tumaas ang kilay niya, "Let me..." Seryoso ang tono ng boses niya kaya kahit na nagpumilit ako ay ibinigay ko nalang sa kanya. Napatingin ako sa kanya. Napatingin din ako sa braso niyang madami ang ugat. Work out lang ata ang trabaho nito eh. Napangisi ako sa kanya habang nasa unahan ko siyang naglalakad. Hindi ko maisip na sa kabila ng pagiging mayaman niya ay gentleman din pala siya. I never thought about it. I guess his girlfriend is lucky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD