Amie POV
Heto ako ngayon nagtatago na parang daga. Natatakot ako, hindi dahil sa kalagayan ko kundi sa sanggol na hawak ko ngayon na walang iba kundi ang anak ko.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang nasisigurado ko lang sangayon ay kailabgan na naming makalayo at makaalis sa hospital na ito nang hindi makikita ng lalaking iyon.
"f**k! Where is that f*****g woman? Damn!" rinig kong malakas na sigaw ng isang baritonong boses na maslalong ikinanginig ng katawan ko sa takot.
"Boss patawad pero hindi namin siya mahanap" sabi ng isa sa mga tauhan niya.
"I know that she's still here, she can't escape from me! No one escapes from me, not even that gold digger b***h and especially not my child!" inis na sabi ng lalaki kaya napatingin naman naman ako sa anak ko na tahimik lang habang nakatingin sakin kaya hindi ko napigilang mapaiyak.
Baby patawarin mo ang mama mo kung nadamay ka sa gulo niya ah. Mahal na mahal ka ng mama mo at lagi mong tatandaan iyan. Hinding hindi kita susukuan at isusuko lalo na sa halimaw mong ama. Patawarin mo si mama kung muntikan ka na niyang ipagpalit sa pera, patawarin mo ako.
"Boss nakita napo sa CCTV kung saan huling nakita yung babae" sulpot ng isa pa niyang tauhan kaya agad naman silang nagsialisan.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko at agad na tumakbo palabas ng hospital. It's like I'm running from death sa sobrang bilis ng takbo ko dahil wala akong pake sa mga pasyenteng humaharang sakin dahil itinutulak ko ito paalis sa dinaraanan ko.
"Ayun siya" rinig kong sigaw ng kung sino kaya napatingin naman ako roon.
Isa sa mga tauhan ng lalaking iyon.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko hanggang sa tuluyan na akong makalabas sa hospital. Tumakbo ako sa kalsada kahit na red lights pa kaya nagkagulo naman ang mga kotseng dumadaan na agad agad nagbre-brake nang makita akong tumatakbo sa harapan nila.
"Jusko yung babae at bata!" rinig kong alalang sabi ng mga tao pero wala akong pake roon at patuloy lang sa pagtakbo.
Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang umulan ng malakas kaya agad naman akong humanap ng masisilungan.
Nang makahanap na ako ng masisilungan ay napatingin ako sa anak ko na mahimbing ang tulog.
Kakapanganak ko palang pero heto ako ngayon tumatakbo. Wala akong pake kung mabinat man ako o may mangyari mang masama sakin basta ang importante sangayon ay kailangan kong tumakbo at magpakalayo layo para sa kaligtasan ng anak ko.
Akala ko nong una ay madali lang para sakin na e-let go ang anak ko kapalit ng pera pero hindi ko pala kaya. Dahil nang makita ko ang mukha ng anak ko ay nag iba na ang desisyon ko.
Anong klase akong ina para maisipang gawin iyon sa anak ko? Masama akong ina kung tutuusin dahil pumayag akong ipagpalit sa pera ang anak ko, kaya patawarin nawa sana ako ng Diyos at ng anak ko.
Aalagaan ko ang anak ko. Iyan ang bumubulong sa utak at ang sinasabi ng puso ko ngayon. Kaya wala akong pakealam sa kalagayan o sa magiging kalagayan ko. Basta ang importante ay ginagawa ko ang lahat ng ito ay para sa anak ko kaya titiisin ko kahit ano para sakanya. Tatanggapin ko lahat.
Masasabi ko talaga na kakaiba ang anak ko. Hindi siya tulad ng ibang sanggol na ang ingay ingay dahil palaging umiiyak. Hindi ako nagsisising itinakas kita anak ko. Hindi ako nagsisisi at magsisisi na ilagay ang sarili ko sa kapahamakan, malayo kalang sa mga delikadong taong tulad ng tatay mo.
Oo natatakot rin ako sa tatay mo, anak. Sino ba namang hindi eih ang tatay mo ang pinakamakapangyarihan sa buong mundo at pinakawalang puso na demonyo pa sa demonyo. Hindi ko hahayaang mapunta ka sakanya, isinilang kitang anghel kaya lalaki kang anghel at hindi anak ni satanas.
Nang tumila na ang ulan ay agad akong nagtungo sa bahay ko. Hindi ako magtatagal rito dahil alam kong papunta na sila rito. Kumuha ng ako ng mga importante kong gamit bago ako umalis.
Nang makuha kona ang mga importante kong gamit ay tumingin ulit ako sa anak kong nakahiga sa kama ko habang kinakagat ang sariling paa.
Sanggol palang ang anak ko pero masasabi ko talagang gwapo ito pag lumaki na dahil sanggol palang ay perpekto na ito. Mapupungay na mga mata at asul, makapal na kilay, matangos na ilong, at mapupulang mga labi. Lahat ng ito ay namana niya sa ama niyang demonyo, dahil ang taong iyon ay may mukha ring malaanghel pero deep inside ay mas masahol pa pala kay satanas.
"Baby Angelo" tawag ko rito.
Ngumiti ito sakin at pilit na inaabot ako na para bang gustong makipaglaro sakin kaya binuhat ko naman siya.
Inamoy amoy niya ang dibdib ko kaya nakuha ko naman agad ang gusto niyang ipahiwatig. Nagugutom na ang munti kong anghel. Pinadede ko na muna siya bago kami umalis ng bahay.
Nang makarating na ako sa bus station ay bigla akong napatingin sa malaking screen na nakakabit sa taas. Ipinalabas nito ang litrato ko na may nakalagay na missing at talagang may malaking pabuya pa ang nakalagay doon para sa kung sinong taong makakahanap sakin. Of course he'll use this kind of method, para ano pa ba't may pera siya diba?.
Yumuko ako sabay suot ng hood ko para hindi ako makilala ng mga tao.
"Ang gwapo naman ng anak mo" sabi ng babaeng katabi ko kaya maslalo ko namang idiniin ang anak ko sakin.
"Salamat" sabi ko.
"Pwede ko ba siyang picturan? Alam mo magiging sikat iyang anak mo sa social media dahil ang gwapo gwapo ng anak mo, perpektong perpekto ang mukha" sabi niya.
"Please wag" pakiusap ko.
"Sige na Ms isa lang" sabi niya sabay kuha ng litrato ng anak ko kaya hinablot ko naman ang phone niya at tinapakan ito na ikinagulat niya.
"Pag sinabing wag, wag! Bumili ka nalang ng bagong cellphone mo" sabi ko sabay bigay sakanya ng sampung libo at umalis na.
Saktong narito na ang sasakyan kong bus kaya sumakay naman ako roon at umupo sa upuan na nasa dulo at malapit sa bintana. Napuno na ang bus kaya umandar na ito.
Maya maya pa ay unti unti ng nauubos ang mga pasahero at malapit na rin akong dumating sa pupuntahan ko.
"Benguet!" sigaw ng driver kaya tumayo na ako at agad na bumaba sa bus.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumungad sakin ang napakagandang tanawin. Maaliwalas ang hangin at malamig. Ito ang namiss ko sa tanang buhay ko. I'm back probinsya.
Naglakad na ako papunta sa bahay ng lolo at lola ko na ipinamana nila kay mama. Maliit na bahay lang ito pero malaki ang lupa kaya malayo sa kapitbahay. Kung pwede lang sanang ibenta ito ay matagal ko ng ginawa, pero hindi kasi saakin ang bahay at lupa na ito kaya wala akong karapatan rito. Makikitira nga lang ako eih. Saka mahal na mahal ni mama toh dahil dito siya lumaki kaya ayokong mawala toh, nawala na sakin ang lahat kaya ayokong pati ito mawala sakin.
Nang mamatay kasi sila lolo at lola ay ipinamana nila ito kay mama, at nong namatay naman si mama ay hindi napasa yung mana kasi biglaan kaya nakapangalan parin kay mama ang lupa na ito.
Pumasok ako sa loob ng bahay at inilagay muna ang anak ko sa katre. Uminom ako ng tubig at muling napatingin sa buong lugar.
Hindi kalakihan pero okay na ito para saamin ng anak ko. Dito na muna kami pansamantala. Nasisiguro ko naman na hindi ako mahahanap rito kaagad ng lalaking iyon dahil nasa malayo na ako. Malamang ay nakapukos pa iyon sa paghahanap sakin sa mga lugar kung saan ako laging nakatambay.
Siguro naman ay makakahanap na ang lalaking iyong ng ipapalit sakin kapag hindi niya talaga ako mahanap. Kailangan lang naman niya ng bata na gagawin niyang hinirang at pwede naman niya iyon gawin sa iba pang bata as long as kadugo niya.
Pwede naman siyang maghire ng bagong surrogate mother niya at malamang ay tatantanan na niya ako nun pati ang anak ko.
"Angelo anak ko dito na muna tayo okay? Pagpasensyahan muna si mommy at nadamay ka sa gulo niya. Patawarin mo ako anak, dapat hindi mo nararanasan ang buhay na ito dahil bata ka palang pero anong magagawa ng mama mo? Mahal na mahal ka niya, mahal na mahal kita kaya ayokong mawalay ka sakin. Gagawin ko ang lahat kahit na ang kapalit non ay ang buhay ko, maprotektahan lang kita" sabi ko.
Tumawa ito at itinaas ang kamay nito na para bang inaabot ako kaya inilapit ko naman sakanya ang mukha ko. Hinawakan niya ito na para bang naglalaro lang kaya hinawakan ko naman ang kamay nito at isa isang hinalikan.
Pangako, proprotektahan ka ni mama. Gagawin ni mama ang lahat para sayo. Dahil mahal na mahal ka ni mama. Ang pagmamahal ko sayo ay walang katumbas, hindi pera, hindi kayamanan, at hindi kapangyarihan.
Hindi katulad ng demonyo mong ama na gagamitin kalang para sa pansarili niyang kagustuhan. Huwag na wag kang tutulad sa ama mo anak. Huwag mong hayaang lamunin ka ng kasamaan at kadiliman.
Papalakihin kitang mabait, maunawain, matulungin sa kapwa, at may awa. Papalakihin kita tulad ng pagpapalaki sakin ng tatay ko. Kaya wag kang susuko anak ko dahil hindi ka rin susukuan ng mama mo.
Nagulat ako ng biglang punasan ng anak ko ang luha ko. Tinapik tapik niya ang mukha ko habang siya naman ay tumatawa kaya tumawa narin ako.
Kahit na sa sitwasyon na ganito ay nagagawa parin akong patawanin ng anak ko. Sa ganitong paraan ay alam kong hindi ako nag iisa. Alam kong tama ang pinaglalaban ko. Alam kong tama ang pagsasakripisyo ko. At higit sa lahat ay tama ako sa naging desisyon kong magpakalayo layo.
Call me selfish or anything you want pero hindi ko ibibigay sa lalaking iyon ang anak ko kahit na may karapatan siya sa anak ko kasi siya ang ama ng anak ko.
Lalaban ako hanggat kaya ko. Ipaglalaban ko ang anak ko. Mapabatas man o patayan.