Chapter 2

1823 Words
Third Person's POV Habang nagpipirma ng papelis si Vaughn ay biglang may tumawag sakanya kaya agad naman niya itong sinagot. "Bro look what I just found in social media" bungad sakanya ng isa sa mga kaibigan niya na si Lawrence sa kabilang linya. "What? I'm busy right now" malamig na sabi ni Vaughn. "Just take a look at it bro, kamukhang kamukha mo yung sanggol nong baby ka palang. Well I'll send you the photo even if you don't want to see it" sabi ng kaibigan niya sabay baba ng tawag. May nagpop up naman na notification galing sa messages niya kaya tiningnan niya ito. *Messages* Lawrence: Bro look, this baby really looks like you when you we're a new born baby. Ito ba yung hinahanap mong anak mo 5 days ago?. Vaughn: Where did you get this photo?. Lawrence: It's all over in the internet bro, this f*****g baby is insanely famous. "Boss nasa labas napo ang bago ninyong surrogate mother, ready na rin po ang lahat" sulpot ng isa sa mga tauhan niya. "Make her leave" malamig na sabi ni Vaughn sa tauhan niya. "Ire-reschedule ko po ba ito boss?" Tanong ng tauhan niya. "No, i don't need a new surrogate mother" sabi ni Vaughn na ikinakunot noo ng tauhan niya. "Po?" Tanong nito. Inilapag ni Vaughn ang cellphone niya sa mesa para ipakita ito sa tauhan niya. "I want you to know where and who took this photo" utos ni Vaughn sa tauhan niya. "Masusunod po boss" sabi ng tauhan niya habang nakayuko at umalis na dala dala ang cellphone niya. Hindi niya alam kung anong nangyari sakanya pero isa lang ang nasisigurado niyang tumatakbo sa isip niya......wala siyang ibang gustong maging tagapagmana kundi ang batang ito lang. He will do everything and anything makuha lang ang batang ito. Hindi niya alam kung bakit pero nong makita niya ang bata sa litrato ay iyon lamang ang tumatakbo sa isipan niya. He wants the baby to be his inheritor. Kahit na hindi niya pa nga nasisigurado kung ang batang nasa larawan at ang anak niya ba sa babaeng dating surrogate mother niya ay iisa sapagkat hindi niya pa naman nakikita ang anak niya sa babaeng iyon. Pero naniniwala siya sa lukso ng dugo kaya alam niyang sakanya ito. Amie's POV Anim na araw na ang nakalipas at namumuhay lang kami ng payapa ng anak ko rito sa bukid. Nagtitinda ako ng palay sa palengke para kahit papaano ay may makain kami ng anak ko. Masaya ako kasi tahimik na ang buhay namin ng anak ko. Wala na ring nanggugulo saamin at ilang araw narin ang nakalipas kaya kampante na ako. "If you're happy and you know just clap your hands" masayang kanta ko habang ang anak ko ay pumapalakpak. Sa anim na araw ang nakalipas ay masasabi ko talagang matalino ang anak ko. Fast learner tulad ko. Kahit 6 days old pa siya ay marunong na siyang mag Up hear, close open, clap, at fist bomb. Oh diba ang talino?. Nagulat ako ng biglang kumalabog ang pinto na para bang nagmamadali ito kaya agad naman akong nagtungo roon at binuksan ang pinto na sana pala ay hindi ko nalang ginawa. The demon. "The hide is over, I found you" malamig na sabi ng pinakademonyong tao na nakilala ko. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya sa likod ko kung nasaan nakahiga ang anak ko kaya umirog naman ako ng konte para takpan ang anak ko. "I'm here for my child, isn't it obvious?" Sarkastikong tanong niya. "Your child? Wala kang anak rito kaya umalis kana!" taboy ko sakanya. "You know what I'm talking about, woman. Give me my child before I take him from you with my own hands" nagbabantang sabi niya. "Sabing wala kang anak rito eih! Ang isang tulad mo na kampon ni satanas ay hindi dapat binibiyayaan ng anak kaya umalis kana dahil wala kang mapapala rito!" inis na sabi ko. Nagsignal siya sa mga tauhan niya na ikinakunot noo ko. Linapitan ako ng mga tauhan niya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. Inilayo nila ako sa anak ko kaya agad naman akong pumiglas pero hindi ko sila kaya dahil ang lalaki ng katawan ng mga ulupong na toh. Lumapit siya sa anak ko at binuhat ito sabay tingin ulit saakin kaya sinamaan ko naman siya ng tingin. Subukan lang talaga niyang saktan ang anak ko, papatayin ko talaga siya sa pinakabrutal na paraan ng pagpatay. "Have you seen this innocent child's face? Our resemblance is uncanny so how can you say that this isn't my child?" Tanong niya. "Hindi porket maraming pagkakahawig saiyo ng anak ko ay anak mo siya, hindi ba pwedeng nagkataon lang iyon?" Tanong ko sakanya. "Tsk, gibberish. You already took the money so what are you still blabbering about?" Tanong niya kaya huminga naman ako ng malalim. "Ibabalik ko sayo ang pera mo, just please give me back my child" pagmamakaawa ko sakanya. "Let's leave" rinig kong sabi niya. "No please nagmamakaawa ako sayo ibalik muna sakin ang anak ko" umiiyak na sigaw ko. "We have a deal, you took the money so I'm now taking my child" sabi niya. "Ibabalik ko naman sayo yung pera mo kaya please hayaan mo nalang kami ng anak ko na mamuhay ng payapa" nagmamakaawang sabi ko. "This child is my heir, have you forgotten about that?" Tanong niya. "Pwede ka namang humanap ulit ng surrogate mother mo at iyon na lang ang gawin mong tagapagmana mo. Just please not my son, not him. Let him live a normal life. Inosente ang anak ko, wala pa siyang kamuwang muwang sa mundo kaya wag mo siyang dalhin sa magulo mong buhay" sabi ko. Muli siyang tumingin sa anak kong nakatingin lang sakanya habang sinisipsip ang sariling daliri. Napakainosente ng anak ko para maranasan ang ganitong buhay. Buti nalang ay wala pa siyang kamuwang muwang dahil wala siyang alam kung anong sitwasyon ng buhay niya ngayon. Parang gumuho ang buhay ko ng tinalikuran ako nito at lumabas ng bahay dala dala ang anak ko kaya napasigaw naman ako. No, not my son please. May itinurok sakin na kung ano ang isa sa mga tauhan niya na dahilan para manghina ako. Binitawan na ako nito at sumunod na sa demonyo nilang boss kaya bumagsak naman ako sa sahig. Pinipilit kong wag pumikit pero gusto talagang pumikit ng mga mata ko. Ito atah ang epekto ng itinurok nila saakin. "Babawiin kita anak ko" bulong ko bago ako nawalan ng malay. Napakunot noo ako ng mapunta ako sa isang lugar na puti lahat. Napantig naman ako ng maalala ko ang anak ko kaya agad ko naman itong hinanap. May nakita akong isang batang lalaki na naglalaro sa hindi kalayuan kaya agad ko naman itong nilapitan. "Bata may nakita ka bang isang baby? Ganito siya kaliit" sabi ko sakanya. "My father told me not to talk to strangers" sabi niya. Napatingin ako sakanya ng may maalala akong kamukha niya. Mula sa mapupungay niyang mga mata at kulay asul, sa makapal niyang kilay, matangos na ilong, at mapupulang labi. Pati ang puso ko ay sinasabing kilala ko ang batang ito. "A-angelo? Anak? Ikaw ba yan?" Tanong ko sakanya sabay yakap sakanya. Napakunot noo ako ng bigla niya akong itinulak papalayo. "Don't touch me!" sabi niya. "Baby ako toh, mama mo" sabi ko. "I don't have a mom, my mommy is already dead. She betrayed me when I was still a baby, I hated her!" inis na sabi niya sabay tayo. "Angelo!" napatingin ako sa lalaking tumawag sa anak ko. "Ikaw?" Kunot noong tanong ko. "Daddy!" tawag sakanya ng anak ko sabay takbo papunta sakanya na ikinataka ko. Napakunot noo ako ng unti unti silang lumalayo sakin kaya agad naman akong tumakbo para sundan sila. "Angelo! No! Wag! Anak ko! Ibalik mo ang anak kong hayop ka!" Sigaw ko bago sila nawala ng tuluyan sa paningin ko. Muntik na akong mapasigaw ng biglang may nagbuhos sakin ng tubig. Akmang igagalaw kona sana ang mga kamay ko ngunit hindi ko ito maigalaw. Nakatali ang mga kamay ko sa isang kahoy. Pero nasa bahay parin ako. Napatingin ako sa nagbuhos sakin ng tubig. Marami sila at hindi ko sila kilala. Mga tauhan din ba sila ng demonyong lalaking iyon? Ano pa ang ginagawa nila dito eih nakuha na naman ng boss nila ang anak ko?. "Hindi ako makapaniwala na pinatulan toh ni Rullen, eih parang bente anyos patoh eih" sabi ng isang lalaki. "Walang pakealam si Rullen sa kung sino man ang papatulan niya magkaroon lang siya ng tagapagmana niya tsk" sabi pa ng isa. "Sino kayo?" Tanong ko sakanila. "Nasaan ang bata?" Tanong ng isa. "Sino ba kayo?" Tanong ko sakanila. "Sagutin mo nalang ang tanong" sabi ng isa sabay lapit sakin kaya yung iba naman ay agad na lumayo sakin para bigyan ng daan ang lalaking ito. Siya ba ang leader nila? Ang asungot natoh? Sino ba sila? At bata? Hinahanap nila ang anak ko? Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi sila kampon ng demonyong iyon. "At bakit ko naman sasabihin sainyo?" Tanong ko sakanila. "Aba't wala ka palang kwentang babae eih!" inis na sabi ng isang lalaki at bigla akong sinampal ng ubod ng lakas. Ang sakit, nalalasahan kona rin ang sarili kong dugo. Tangina, sino ba tong mga ulupong na toh? At anong kailangan nila sa anak ko?. "Naunahan na atah tayo ni Rullen, boss" sabi ng isa pang lalaki. "Kailangan nating makuha ang batang iyon at mapatay" sabi ng boss nila na ikinagulat ko. "Anong sabi niyo? Papatayin niyo ang anak ko?" Gulat na tanong ko kaya napatingin naman ito sakin. "Oo, at kapag hindi ka mananahimik jan, ikaw ang unang papatayin ko" banta nito sakin. "Hindi kayo magtatagumpay, hindi ko kayo hahayaan" inis na sabi ko. "At anong magagawa ng isang batang tulad mo? Kung ako sayo ay tatapusin ko nalang ang pag aaral ko at magpapakalayo layo" sabi niya. "Wag na wag niyong sasaktan ang anak ko dahil ako mismo ang magdadala sainyo sa impyerno kapag ginawa niyo iyon" banta ko sakanila kaya napatawa naman silang lahat. "Nagpapatawa kaba? Hayss mga kabataan talaga ngayon nakakatuwa. Ngayon bata matulog kana kasi wala ka ng kwenta sa akin" sabi niya at bigla akong sinapak gamit ang baril niya. "Argh" sigaw ko sa sakit. "Tara na" sabi ng boss nila at isa isa ng umalis. Naiwan ako rito sa bahay ng mag isa kaya agad naman akong humanap ng paraan para makaalis sa pagkagapos sa lubid na ito. Nang makaalis na ako sa lubid ay agad akong tumayo at lumabas ng bahay. Babawiin ko ang anak ko. Hintayin mo ako anak. ~"I don't have a mom, my mommy is already dead. She betrayed me when I was still a baby, I hated her"~ Bigla kong naalala ang napanaginipan ko. Please don't hate me anak ko, i would never betray you. Lalaban ako, ipaglalaban kita anak ko so wait for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD