REALITY KISS

1502 Words

KINAGABIHAN nang araw ring iyon matapos ang kanilang team building seminar ay sa restaurant ng resort sila kumain ng hapunan. "Oh Lana, bakit ang tahimik mo naman yata?" si Rodge nang mapuna ang pananahimik niya. "simula kaninang lunch ganiyan kana. Bakit, hindi mo ba gusto iyong cottage mo?" anitong hinaluan ng pabirong tono ang huling tanong. Magkakasunod na umiling si Lana saka pagkatapos ay inabot ang baso ng orange juice at uminom. "H-Hindi ate, pagod lang ako. Wala pa kasing tulog" pagdadahilan niya. Tumango-tango si Rodge saka inubos ang pagkain sa plato nito. "Babalik na ako sa cottage ko. Magpapahinga na ako. Sabay kana?" tanong nito sa kanya pagkuwan. Sandaling nag-isip si Lana saka pilit ang mga ngiting magkakasunod na umiling. "Okay lang ako te, sige lang" aniya. Sa labas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD