“Saan ka pupunta?” Napatigil sa paglalakad patungong pintuan ng mansyon si Christine nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Nilingon niya ang kinaroroonan ng asawa na nakatayo malapit sa hagdanan. Seryoso ang mukha nito na nakatingin nang mataman sa kanya. Ngumiti nang tipid si Christine. “Sa labas, magpapahangin lang,” sagot niya. Kumunot ang noo ni Matthew. “Magpapahangin?” pagtatanong pa niya. “Oo,” sagot ni Christine. “Gusto kong lumanghap ng sariwang hangin,” dagdag pa niya. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi ni Matthew. “Mahamog na sa labas at baka magkasakit ka pa,” aniya. “Huwag kang mag-alala, hindi ako magkakasakit ng dahil lang sa hamog,” wika ni Christine. “Dito ka na lang sa bahay. Huwag ka nang lumabas,” saad ni Matthew. “Pero Matthew-” “Huwag ka na ngang lumabas

