Magkatapat na nakaupo ngayon sila Matthew at Veronica sa isang pandalawahang mesa sa loob ng isang coffee shop kung saan dito nila napagkasunduang magkita. Tahimik ang dalawa na nakatitig lamang sa isa’t-isa. Halatang-halata sa mukha ni Matthew na puyat ito at ilang araw na hindi nakatulog ng maayos. Medyo namayat rin ang katawan nito at napapabayaan na ang kanyang sarili dahil hindi na ito nakakapag-ahit pa ng bigote at balbas. Tila wala na siyang pakielam sa kanyang pisikal na itsura. Dahil sa kaiisip sa kanyang mag-ina na sila Christine at Liam kaya nakalimutan na ni Matthew na alagaan ang sarili niya. Gustuhin man niyang hanapin ang mga ito sa kung saan pero lagi niyang naaalala ang sinabi ni Christine na huwag na niya muna itong hanapin. Naiintindihan niya ang nais nito. Gusto lang

