“Mabuti naman at napagpasyahan niyo na pumunta rito sa bahay,” masayang wika ni Christine kay Veronica na nakaupo ngayon sa sofa at inililibot ang paningin sa kabuuan ng bahay nila Christine at Matthew. Nakatayo naman sa gilid ng pinto si Matthew na matamang nakatingin lamang sa dalawa. Tiningnan naman ni Veronica si Christine. Ngumiti siya ng matamis. “It’s my pleasure to visit you here, especially, you’re my new friend now,” natutuwang saad ni Veronica. ‘Friend?’ sa isip-isip ni Veronica na bahagyang tumaas ang kanang kilay. ‘Isipin ko pa lang na magiging friend ko si Christine, nasusuka na ako,’ wika pa niya sa utak niya. ‘Kung wala lang akong hidden agenda, kahit ang lapitan ang babaeng ito ay hindi ko gagawin,’ mataray na litanya pa niya sa kanyang utak. Muling nilibot ni Veronica

