"Uwi kana, Mahal. Hindi na ako galit." Napangisi na lamang si Arthur nang mabasa ang text na iyon ni Almira. Nagmamadaling bumaba siya mula sa tree house. Kailangan na niyang makita agad ang asawa dahil kung hindi ay baka magbago na naman ang isip nito. Kakaiba na naman kasi ang trip ng asawa niya ngayon. Pinalayas na naman siya nito for the nth time. King hindi lang talaga niya alam kung bakit ito nagkakaganoon ay yalagang makakatikim na ito sa kanya! Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nila at nadatnan niya itong nakaupo sa ibabaw ng kama nila at nakabusangot ang mukha. "Ang tagal mo!" Singhal ni Almira sa kanya at ibinato pa ang unan na hawak nito. Mabuti na lamang at nasalo niya iyon. "Saan ka galing?! Siguro galing ka sa babae m--" Mabilis na nilapitan niya ito at

