Buong buhay ni Almira, nakukuha niya lahat ng gusto niya. Only child siya kaya lahat ng gusto niya ay ibinibigay ng mga magulang niya. Unlike other children na kailangan pang maghintay. Siya kapag sinabi niya sa daddy niya gusto niya ng ganito ng ganyan, kinabukasan lang, dala na ng daddy niya. Kapag gusto niyang kumain ng ganito, ng ganyan agad niluluto o kaya naman ay binibili ng mommy niya. Ayaw na ayaw niyang naghihintay. Maikli ang pasensiya niya. Pero nung makilala niya si Arthur, unconsciously, naghihintay na pala siya. She was patiently waiting nang hindi niya napapansin. Nang magdalaga na siya at marealize iyon, imbes na mainis ay naging proud pa siya sa sarili dahil kinaya niyang maghintay. But then, nalaman niyang nasa paligid lang pala si Arthur. Nagalit siya noon and she

